Chapter 10

53 3 0
                                    

Jenny's POV

Laging masama ang pakiramdam ko pero hindi ko naman alam kung bakit. Lagi din akong naghahanap ng kakaibang mga pagkain na hindi ko naman kinakain masyado dati. Lagi din akong nagsusuka sa umaga. Tatanungin ko nga si ate Cel kung anong nangyayari sa akin.

Pinuntahan ko si ate Cel sa kanilang kwarto. "Ate Cel" sabi ko sabay katok.

"Pasok" sabi niya kaya naman binuksan ko na ang pintuan ng kwarto nila ni kuya. Nakita ko si ate Cel na inaayos ang neck tie ni kuya habang si kuya naman ay inaay os ang butones ng kanyang polo. Acting CEO nga pala si kuya sa company nina daddy. Natapos naman agad ang kanyang kuya at nagpaalam na din.

"Papasok na ko sa trabaho... magiingat kayong dalawa dito ha i-lock niyo lahat ng pinto at pati yung gate wag kayong magpapapasok ng mga kahinahinalang tao dito. Pag nakadinig kayo ng ibang tao tumawag agad kayo ng pulis at—" hindi na naituloy ni kuya ang sasabihin niya nang tapalan siya ni ate ng panyo sa mukha.

"Oo na lumakad ka na at baka malate ka pa. Saulado na namin ng kapatid mo lahat ng bilin mo" sabi ni ate Cel habang tinutulak palabas ng kwarto si kuya.

"Sige babye na hon. Bye sis" sabi ni kuya at nagmadali na itong umalis.

"So ano ang maipaglilingkod ko sa iyo bunso?" tanong niya sa akin.

End of POV

Cel's POV

Ipinaliwanag ni Jenny ang kanyang nararamdaman kaya nagdalawang isip ako kung dapat ba o hindi dapat sabihin sa kanya ang totoo.

"Jenny pwedeng isipin ko muna kung anong sakit mo? Medyo malabo kasi eh pero don't worry malalaman ko din iyan.

"OK po... thank you po ate" sabi niya at lumabas na ng kwarto.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinawagan ang mga lalaking iyon. Matapos ko silang tawagan ay kinuha ko ang susi ng kotse ko at pinuntahan si Jenny sa kwarto niya. "Jenny gala tayo?" sabi ko sa kanya since magaling na siya mula sa sakit niya. Agad naman siya tumango ng magkakasunod at nagayos na ng kaniyang gamit. Bumaba naman ako sa kusina para magbaon ng strawberries dahil siguradong maghahanap na naman iyan mamaya.

Lumabas na ako para ayusin at ihanda ang sasakyan sumunod naman agad siya sa akin at sumakay sa passenger seat. Agad din naman akong sumakay sa kotse at pinaandar iyon. Dumating kami sa mall after ng 20 minutes na byahe at ayun nga inumpisahan na niyang kainin ang dala kong strawberry.

"Ate sa bookstore muna po tayo please" sabi niya at syempre pumayag ako kasi buntis yan hindi pwedeng maistress. Pumunta kami sa bookstore, isa pa sa napansin ko sa kanya bukod sa pagkahilig niya sa halaman ay ang pagiging bookworm niya.

"Pumili ka na ng librong gusto mo. I'll be at the art section" sabi ko at iniwan na muna siya sa book section ng bookstore na iyon. Matagal kasing mamili si Jenny ng libro kaya kung minsan ay binibili na lang namin lahat ng pinamimilian. Wala namang problema sa pera dahil pera naman ni Jonathan ang gamit namin. Inabutan kasi niya ako ng black card noong unang beses kaming magpretend na mag asawa.

"Light blue..." sabi ko sa sarili ko dahil wala naman akong kasama sa section na iyon. Nakita ko na ang light blue na paint na kailangan ko para sa painting na pinagkakaabalahan ko ngayon dahil pinatigil na ako ni Jonathan sa pagpasok sa trabaho dahil medyo maselan ang pagbubuntis ni Jenny lalo pa at galing ito sa aksidente.

Namimili ako ng paint brush nang may humila sa laylayan ng damit ko. Isang batang babae na medyo mangiyak ngiyak na.

"Ate nakita mo po ba ang mama ko?" tanong ng batang babae. Siguro mga around four years old ang bata.

Loving an EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon