Chapter 8

47 4 0
                                    

Jonathan's POV

Katatapos lang ng meeting ko with the board members ng company nina dad. Acting CEO ako for this month... balak na daw kasi ipamana ni dad sakin ang company since si kuya Jerome ay tinuluyan ang pagiging politician niya at si kuya Joseph naman ay itinuloy ang pagiging lawyer niya.

Anyway balik tayo sa kasalukuyan. Palabas pa lang ako ng meeting hall nang makareceive ako ng message galing kay bunso. Nagpapabili ng Flower seeds. Nakita kasi niya yung green house sa tabi ng kwarto niya. Sabagay planado naman talaga ni kuya Joseph ang lahat. Kasama na syempre dun ang mismong bahay na alam niyang magugustuhan ni bunso, with a green house for her and a dog house for her pet Pako.

Pasado alas otso na ako nakarating sa bahay. Nakakotse ako kaya hindi ako makikita kung maglabas-masok man ako ng bahay. Kaya hindi ako magiging problema sa plano ni kuya. Wag lang talagang lalabas si Jenny, pero knowing her mas gugustuhin niyang magkulong sa isang kwarto at maghalo halo ng kung ano anong chemical na makikita niya. Well ngayon nga ay yung pag gagardening naman ang aatupagin niya.

Nakabili na ako ng flower seeds sana lang magustuhan niya. Pumasok na ako at si Jenny agad ang sumalubong sakin. Nagtataka kayo sino nagbukas ng gate? De remote kasi yung gate na para sa garahe.

End of POV

Cel's POV

Nanonood kami ni Jenny ng Pineas and Ferb sa Disney Channel. As usual nanginginain na naman siya ng strawberries na kung tutuusun ay gagawin ko sanang sweets kaya lang nakita niya at alam na. Nagpacute lang naman siya yung tipong parang kuya niya na may puppy dog eyes kaya hala ibinigay ko na. Kaya naman sa halip na maggawa ako ng strawberry flavored na cake ay naggawa na lang ako ng coockies, pampatanggal stress lang.

Ang galing nga kasi kumpleto ang gamit dito sa bahay. Mula sa kaliit liitang necessity hanggang sa pinakamalaki. Halatang pinaghandaan nila ang plano nilang to.

Lumipas ang ilang minuto ay nadinig naming nagbukas ang gate sa garage. Hinila naman ako bigla ni Jenny patayo at dinala sa may pinto. Hinintay lang naming makapasok si Jonathan at nung makapasok na ay sinalubong siya ni Jenny sabay sahod ng kamay.

"Flower seeds ko kuya?" sabi niya.

"Wala man lang bang welcome home kuya?" sabi naman ni Jonathan na parang nagtatampo.

"Edi welcome home KUYA!" sabi niya sabay sigaw ng huling salita.

"Hay nako. O ayan na" sabi ni Jonathan sabay abot ng isang eco-bag?

"Kuya nagpapatawa ka ba? Napakadami naman ng binili mo. Iisang green house lang naman ang meron dito unless bubungkalin ko ang buong garden niyo. Sayang naman ang landscaping nun kung gagawin ko yun." litanya ni Jenny.

"Ah. Kasi hindi mo sinabi kung anong flower seeds ba ang gusto mo kaya kinuha ko na lahat  ng klase" sabi niya na nagkakamot na naman ng batok, siguro nga may kuto itong isang to.

Tumuloy na siya papasok kaya lang ay pinigil siya ni Jenny.

"Walang kiss galing ate?" sabi niya na ngingiti ngiti. Namilog ang mata ko at napatingin kay Jenny. Nakipagtinginan na si Jonathan sakin nang malingunan ko siya kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata pero ang walang hiya nginisian lang ako. Ayoko!!! First kiss ko kaya 'to pag nagkataon.

"Ate Cel" tiningnan ko si Jenny na nagtatakang tumingin sakin. May naisip ako.

"Welcome home hon" sabi ko sabay halik sa pisngi niya. Ha! Ano akala niya makaka score siya? No way!

Sabay kaming napangiti ni Jenny. Hinila ko na si Jenny papuntang sala para ipagpatuloy ang panonood ng cartoons. Gravity Falls.

End of POV

Karl's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung namalik mata ako sa kabilang bahay. Ewan ko pero pakiramdam ko si Jenny talaga yung nakita ko. Tiningnan ko ulit ang kabilang bintana mula sa bintana ko.

Ngayon ko lang napansin na napaka unusual ng taas ng kanilang bakod na kung hindi three stories ang bahay na ito ay hindi talaga makikita ang bakuran nila. Sa tingin ko mga 4 meters ang taas ng bakod na yun.

Napansin ko din na may dalawang tao ang nakatira sa bahay na yun. Mag asawa siguro.

"Karl? Nakikinig ka ba?" tanong ni Conrad.

"Ah... yeah. Let's choose the location at Tagaytay. They would love the climate there. Kontakin na lang natin ang Environmental Engineer to check the place" sabi ko at ibinalik ang tingin sa kabilang bahay.

"You seem to be spacing out bro. Is anything bothering you?" tanong niya.

"Nothing. I just... miss my wife" sabi ko at tumingin sa kanya.

"Now you miss her. The last time I was here you're more than willing to sell her. Isn't that what they called bad karma?" sabi niya.

Hindi na lang ako nagsalita. Tama naman kasi siya. Nagsisisi na ako sa lahat ng masamang bagay na nagawa ko at mga masasamang salitang binitiwan ko kay Jenny.

End of POV

Conrad's POV

Iniwan ko na siya doon sa loob at tumuloy sa labas ng bahay. Pagkasakay na pagkasakay ko sa kotse ay saktong tumunog ang mobile phone ko.

"Hello po" sagot ko sa tumawag.

"Any news?" tanong niya.

"He's always distracted. Lutang na lutang. Miss na daw niya si Jenny" sagot ko.

"Tama lang yan sa kanya. Siraulo siya eh. Natatauhan na siguro yan. Buti nga sa kanya!" sabi niya.

"Naglilitanya ka na naman, but he really deserved everything or not" sagot ko

"Hmp. That's just it. I'll hung up, bye. Thank you for the info" sabi niya.

"Anytime" sabi ko at nadinig ko na ang beep tone senyales na natapos na ang tawag.

Napapailing na ibinaba ko ang cell phone ko at nang mag angat ako ng tingin ay napansin ko ang bahay ng bagong kapit bahay ni Carl. Ang weird ng bahay nila. Kakaiba na ang ayos ng gate, ang taas pa ng kanilang bakod.

Iiling iling akong nagstart ng kotse. Naiintindihan ko na kung bakit nakatingin sa kabilang bahay si Carl kanina. Ang wirdo naman kasi. Hindi normal sa isang bahay.

End of POV

√π÷×√π÷×√π÷×√π÷×√π÷×

Lynn's Note:

Nakakain ako ng Spaghetti kaya ayan tuwang tuwa ako haha... Andito pa din ako sa bahay ng mama ko kaya naka pocket wifi lang ako. Salamat sa pagbabasa!

Loving an EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon