Chapter 5

44 3 0
                                    

Karl's POV

[Note: happens 3 hours after Jenny was discharged]

Ngayong araw na ito ay papunta ako sa ospital para bisitahin si Jenny. Bumili ako ng isang bungkos ng bulaklak na paborito niya. Habang papunta ako sa ospital ay nananalangin akong wala ang kanyang mga gwardya.

Dumating ako sa ospital at dumiretso sa silid ni Jenny. Nagpasalamat ako ng makita kong walang tao sa labas non. Naglakas loob akong buksan ang pinto para lamang manlumo. Walang tao sa loob ng kwarto. May dumaang nurse.

"Ah miss matanong ko lang asan na yung pasyente dito?" tanong ko napakunot naman ang noo niya at napaisip.

"Sa pagkakatanda ko po nakalabas na siya 3 hours ago." sabi niya at tumango tango pa.

Nagpantig ang tenga ko dun. Nakalabas na? Bakit di ko alam?

~Itong tatandaan mo oras na magising ang kapatid ko hinding hindi ka makakalapit sa kanya~

Bigla kong naalala ang banta sakin ni Jonathan noon. Ibig sabihin inilalayo nila si Jenny sakin?

Dali dali kong dinial ang numero ni Jonathan at luckily sinagot niya.

"Asan siya?" tanong ko agad.

"Nasa lugar kung saan hindi mo siya magugulo pa" sabi niya.

"Asa-" hindi ko na naituloy dahil biglang naputol ang linya. Tinawagan ko siyang muli kaya lang ay hindi ko siya macontact.

Naihagis ko ang mgabulaklak dala ng frustration.

Umuwi ako ng bahay at nagkulong sa kwarto. Lumabas lang ako at kumuha ng alak, magpapakalunod na lang ako.

End of POV

Agatha's POV

[Note: Agatha is the mother of Karl & Carla]

Nananahimik kami ni Carlos sa aming pamamahay habang nanonood ng TV nang bigla na lang dumating ang baby girl naming nakabusangot ang pagmumukha.

"Anak kong magandang nagmana sakin anong klaseng expression yan? Yan na ba ang bagong uso sa mga kabataan ngayon? Hindi maipinta oh" sabi ko sa kanya. Dahil don ay bigla namang nagdabog ang bata kaya napatayo ako sa aking pagkakaupo. Kapag kasi ganyan si Carla may ginawa na namang kalokohan ang kuya niya.

"Ma! Kasi si kuya..." at ayun kinwento na nga niya kaya biglang napasigaw si Carlos.

"Ano! Ang kuya mo nangangaliwa!?" sigaw niya.

"Opo, inaaway niya ang best friend ko huhu" sabi ni Carla na humihikbi na. Inalo ko naman siya. Parang bata talaga to pag naiinis manang mana sa ama.

"Agatha kausapin mo yang anak mo! Walang respeto! Hindi man lang tayo binigyan ng kahihiyan! Sabihin mo sa kanya ayaw ko siyang makita. Aba'y hindi ko siya pinapag aral para lang maging ganyan. Nakakabwiset! Wag kamo siya pupunta dito't nauuta ako sa kanya" at ayun nagdabog na rin, sabi sa inyo sa kanya nagmana ang pagiging childish ni Carla. Ako hindi ko alam kung tatawanan ko ba silang mag ama o magagalit ako sa anak kong hindi ko ata anak na si Karl, tigas ng bungo eh.

At dahil nga nag iinarteng tampo si Carlos at si Carla napasugod ako sa bahay nina Jenny at Karl. Nang makarating ako doon ay sinimulan ko na ang pag arteng galit pero sa totoo lang nasusura din ako sa anak kong ito. Nagdirediretsong pasok ako at nakita ko si manang Fe at tinanong kung nasaan ang magaling kong anak. Nalaman kong nasa kwarto lang daw ito at nag iinom.

Pagbukas ko ng kwarto niya ay nakita ko siyang nakasalampak sa sahig at nagiinom nga. Aba matindi hindi man lang ako pinansin. Inagaw ko nga ang hawak niyang Alfonso nung tiningnan ko yung tabi niya aba't may balak ata siyang magpakamatay at may nakahilera pa talagang Jack Daniels at Johnny Walker sa tabi niya.

"Jusko kang bata ka magpapakamatay ka ba?" tanong ko at inilayo sa kanya ang mga alak niya. Inaabot niya yun mula sakin pero dahil nga lasing na siya ay sumuko na lang siya. Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay yumuko lang siya. Nainis tuloy ako kaya piningot ko siya.

"Ah!!! Ma! Tama na masakit!!!"sabi niya habang isinusunod ang katawan sa tenga niyang binira ko, leche plan eh.

"Aba talagang masakit tama ba namang hindi mo ako pansinin" sabi ko at patuloy na pinipingot ang anak kong hindi ko ata anak.

"Sorry na ma" sabi niya kaya binitawan ko na ang tenga niya pulang pula na eh malapit ng mangitim.

Naalala ko bigla yung ipinunta ko dito kaya kinompose ko ang sarili ko at nagsalita.

"Nako kang bata ka! Ano na naman bang pumasok sa kokote mo't natripan mong mangaliwa? Ang papa mo ay nanggagalaiti sa galit sayo't ayaw ka nang makita kesyo hindi ka daw niya pinapag aral para lang maging ganyan!"

Hindi niya ako sinagot.

"Karl Angelo Bañez nakikinig ka ba saking bata ka!" sabi ko sa anak kong bato.

Hindi na naman siya sumagot. Kaya lalo akong nainis nahagip ko yung clamp ko sa buhok at ikinlamp ko sa kanyang tenga. Pusang galang bata to. Nakaka high blood ang katigasan ng bungo.

I don't really know what to do with my ever so annoying son. Manang mana sa kataasan ng pride ng ama niya. Jusko kulang na lang ihambalos ko sa kanya tong bag na hawak ko.

Napaigtad siya at tinanggal ang clamp na nasa tenga niya. Hindi siya makatingin sakin, tamo ganyang ganyan si Carlos noon buti nagtino na ng kaunti yun kaya lang childish pa din.

"Ikaw talaga Karl haham-" napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin ko ang bahagyang taas baba ng kanyang balikat.

Umiiyak ang anak kong bato na matigas ang bungo. Himala! Makapagpamisa nga mamaya. Kidding aside ngayon ko lang nakita si Karl na ganito. Lumapit ako sa kanya at inalo siya. Totoo palang kahit anong laki ng galit sa anak ng magulang hindi nila kayang tikisin ang mga anak.

Umiiyak lang siya at ako naman ay nakayakap sa kanya. Sisinghot singhot pa nga siya eh.

"Ma, inilalayo nila si Jenny sakin" animo batang inaway ng kalarong nagsusumbong sakin si Karl.

"Hush now. Bakit ba kasi ginawa mo yun at balita ko ipinapahiya mo pa daw siya" sabi ko.

"Ma I'm wrong, I'm terribly wrong. Akala ko pinikot lang niya ako. Nagkamali ako" sabi niya na sisinghot singhot pa din.

"Mahal mo ba siya?" tanong ko at sunod sunod na tango naman ang isinagot niya.

"Hayaan mo. Pasasaan ba at maaayos din ang lahat. Magayos ka na, ayusin mo ang buhay mo para oras na bumalik si Jenny ay maayos ka at katanggaap tanggap. Tumango ulit siya at maya maya lang ay bumigat bigla ang ulo niya. Anak ng cheese stick naman oh tinulugan ako napakabigat pa naman nitong batang to.

"MANANG FE!!!" napasigaw tuloy ako.

Humahangos na dumating si manang at tinulungan akong itayo ang magaling kong anak na tinulugan lang naman ang kanyang inang napakaganda. Nakakakunsume lang.

End of POV

√π÷×√π÷×√π÷×

Lynn's Note:

Walang pasok kaya uminom ako ng kape kagabi at dahil nagkape ako hindi ako masyadong nakatulog so sinulat ko na lang to. Medyo dinagdagan ko na lang. Enjoy!

Loving an EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon