Chapter 12

35 3 0
                                    

Lynn's Note: Namiss ko kasi si Agatha at Carlos kaya sila muna ulit ah!

Agatha's POV

May BAGYO!!!!

Kinamalas malasan ay nahagip kami ng signal no. 2 ng bagyo at nataon pa na medyo bahain ang aming lugar. Inutusan ko si Carlos na itaas sa second floor ang mga gamit naming importante na nasa baba, ako naman ay nandito sa kwarto ng unica hija ko na kanina ko pa inaayos. Balak kasing umuwi ulit ni Carla dito parang next week ata di ko sure, ah basta yun.

Nang matapos kong ayusin ang kwarto ay lumabas ako upang kamustahin ang aking asawa. Pagbaba ko ng hagdan ay napatigil ako dahil nakita ko kung anong ginagawa niya.

"Carlos diba sabi ko iakyat mo yung mahahalagang mga gamit?" sabi ko na ikinagulat niya tapos tiningnan niya ung buhat niya.

"Ma! Mahalaga din naman to ah!" sabi niya sabay umang ng vase na hawak niya.

"CARLOS! Hindi mahalaga yan mas mahalaga ang TV set diyan!" sabi ko.

"Mahalaga to! Ang mahal kaya ng bayad ko dito! Tsaka nakuha ko pa to sa auction sa Italy aba milliones din ang nagamit ko para dito" sabi niya at patuloy na iniakyat ang vase na kasing laki niya.

Pag ako nainis dito sa asawa kong to itutulak ko talaga siya pababa ng hagdan kasama ng vase niya. O mas maganda siguro kung isisilid ko siya sa vase na yun at ipapaanod ko na lang sa baha? Ay bad, wag na nga! Bumaba na lamang ako at ako na mismo ang nagbuhat ng mga electric appliances namin papuntang 2nd floor.

Buhat ko na yung 48" naming TV at ang walang hiyang asawa ko nagkakape na ni hindi man lang ako tulungan. Lechugas naman ang sakit kaya sa likod magbuhat! Sa liit kong ito feeling ko mababaon ako sa lupa sa bigat ng dala ko!

Nang matapos ko nang iakyat ang lahat ay lumapit si Carlos habang nagpapahinga ako.

"Ma ano pang bubuhatin?" sabi niya nainis ako kaya hinampas ko ng hawak kong pamaypay sa kanya. Lakas ng topak e ngayon pa tutulong kung kelan naiakyat ko nang lahat.

"Aw! Bakit mo ko binatukan?" sabi niya inirapan ko nga.

Makalipas ang limang oras ay halos isang dangkal na lang ang kulang para maabot ng baha ang bahay namin. Medyo elevated kasi ang bahay namin. Medyo malakas pa din ang ulan kaya naman pumunta ako sa kusina para gumawa ng tea. Natatamad akong magkape kaya tea na lang.

Habang umiinom ako ng tea ay napansin kong medyo tumitila na ang ulan pero bigla ulit lalakas tapos hihina ulit? Napakunot naman ang noo ko at pumunta sa may main door namin para tingnan ang lagay ng baha. Halos kasing laki na lang ng hinlalaki ko ang kulang para pasukin ng baha ang bahay namin ng biglang tumigil ang ulan. Teka? Tumigil ang ulan? Napatingin ako sa tubig baha at ang nyemas 1 cm na lang ata ang kulang!

"TANG ORANGE!!!!" sigaw ko at umalis sa may main door namin. Nakakagigil! Ang hirap hirap iakyat ng mga gamit tapos hindi pala babaha? Ay pusang bakla!

Sa sobrang inis ko ay nagtungo ako sa kusina at pagbalik ko sa main door ay...

"Putragis kang baha ka di ka pa tumuloy sa loob ha? Hala sige pumasok kang bwiset ka!!! Pinagkahirapan kong iakyat ang mga gamit sa taas tapos hindi ka tutuloy? Hala parine ka sa loob!" sa sobrang inis ko sinalok ko yung baha at ipinasok sa loob ng bahay punyemas e, pinagod lang ako hindi naman pala tutuloy.

"Ma anong gawa mo? Sali ako!" sabi ng bata bataan kong asawa at kumaripas na ng takbo pag balik niya ay may dala siyang palanggana at nakisalok sa baha.

At doon nangyari ang history ng binahang bahay ng mga Bañez.

End of Agatha's POV

Karl's POV

Loving an EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon