Chapter 2

69 4 0
                                    

Jenny's POV

Habang binabagtas ko ang kahabaan ng Edsa ay patuloy pa din ang aking pagiyak nang bigla na lang akong nakarinig ng isang malakas na preno at nakita ko kung paano salpuking ng Van ang sasakyan ko at hindi ko iyon agad naiwasan.

"K- karl.." yan lang ang nasabi ko and then everything went black.

End of Jenny's POV

NEWS REPORT:

NAGKAROON ng aksidente sa kahabaan ng edsa. Kapapasok lamang ng balita patungkol sa isang rumaragasang van ang bumangga sa isang kotse. Namatay ang driver ng van samantalang nag aagaw buhay ang sakay ng naturang kotse na nakabanggaan nito. Ang lahat ng nakakita sa nangyari ay sinasabing kagagawan ng driver ng van dahil sa mabilis na pagpapatakbo nito.

End of Third Person's POV

Karl's POV

Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung bakit. Nakaalis na si Carla. Binuksan ko ang TV at inilagay sa balita. Tila gumuho ng mundo ko nang makita ko ang balita.

"News Splash... Isang aksidente ang naganap sa kahabaan ng Edsa nitong umaga lamang. Ayon sa mga nakasaksi ay mabilis ang takbo ng van na bumangga sa isang kotse. Dead on the spot ang driver ng naturang van na si Gregorio Sikatuna. Sa kabilang banda ay nagaagaw buhay naman ang nagmamaneho ng kotse na nakilala bilang si Jenny Roxette Ricaforte. Kasalukuyang nakaconfine siya sa Unknown Hospital sa Makati."

Naibagsak ko ang remote control at napatakbo sa kinaroroonan ng kotse ko. Dali dali akong nagmaneho patungong Makati at nang makarating ako sa hospital ay nasa ER pa si Jenny. Dumating ang parents at mga kuya ni Jenny kasama si Carla. Sasalubungin ko sana sila kaya lang ay nasapak na ako ni Jonathan, kuya ni Jenny.

"Jonathan! Itigil mo yan pabayaan mo na siya!" sigaw ni mama, mother ni Jenny.

"Itong tatandaan mo oras na magising ang kapatid ko hinding hindi ka makakalapit sa kanya." saad ni Jonathan.

Napatungo na lang ako at umupo. Maya maya pa ay lumabas na ang isang doktora mula sa ER.

"Sino pong asawa ng biktima?" tanong nito.

Sasagot pa lang ako pero inunahan na ako ni Jonathan.

"Wala pong asawa ang kapatid ko" sabi ni Jonathan.

"Ah kung gayon ay ikaw na lang ang kakausapin ko, halika sumunod ka sakin" sabi naman ng doktora.

Umalis na sila at ako naman ay naiwang nakaupo lang sa labas ng ER. Ewan parang gusto kong umiyak. Lumapit sakin si Carla.

"Ano na ngayon kuya naiiyak ka? Gago ka eh ganyan nga bagay lang sayo yan. Kung akala mo kakampihan kita akala mo lang yun. Siraulo ka pala eh" sabi ni Carla.

Oo alam ko na gago ako dahil sa. ginawa ko. Hindi ko dapat siya sinaktan at sinabihan ng mga masasakit na salita. Pero hindi ba talaga niya ako pinikot? Ang pagkakaalala ko kasi sabi sakin ng tropa ko e patay na patay sakin si Jenny since high school. Kaya naisip ko na baka pinikot lang niya ako.

End of Karl's POV

Jonathan's POV

Dinala ako ni doktora sa isang medyo may kalakihang opisina. Pinaupo niya ako sa silya sa tapat ng desk niya.

"Ok Mr. Ricaforte, didiretsahin na kita. Ang kapatid mo ay nasa critical state at nanganganib na mawala ang kanyang dinadala kung magpapatuloy ang pagkawala ng kanyang dugo. Dapat siyang masalinan kaagad ng dugo upang mailigtas ang bata sa sinapupunan niya " sabi ng doktor.

"Buntis ang kapatid ko? Kailan pa?" tanong ko sa kanya.

"11 weeks pregnant ang kapatid mo. Kaya nga tinanong ko sa inyo kung sino ang asawa niya para kung sakali na may mangyari sa bata ay mapaghandaan niya" saad naman ulit ni doktora.

Loving an EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon