Chapter 9

38 3 0
                                    

Karl's POV

Nagmamasid pa din ako sa kabilang bahay. Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sakin na gawin yun. Habang ginagawa ko iyon ay iniisip ko pa din si Jenny. Nasaan na kaya siya? Sana magkaroon ako ng chance na itama lahat ng maling nagawa ko.

Pumikit ako at humingi ng tulong sa nasa itaas.

Lord God, pasensya na po kung ngayon lang ako makikipagusap sa inyo. Sana po pakinggan ninyo ang hiling ko. All I need is one more chance to be with her. You can take everything else just please bring her back. I love my wife and I know I've done her wrong things, worst even but please... I beg you to put her back in my life. I would do everything... every single thing just to have her back. Thank you for listening. Amen.

Nagdilat ako ng mata at lumabas ng silid na iyon. Dumiretso ako sa veranda dala ang isang kopita ng alak. Nasa third floor ako ngayon dahil doon naka assign ang office ko sa bahay.

Nagmumuni muni lang ako... what if... what if hindi ko siya pinaghinalaan? What if nagsasabi si Carla ng totoo? What if hindi talaga niya ginustong pikutin ako? What if, what if... puro na lang what if. May mangyayari ba pag nalaman ko pa ang sagot dun? Babalik pa ba siya sa piling ko? Sana... sana hindi ko na lang ginawa ang lahat ng maling nagawa ko na. Kung alam ko lang na mangyayari sakin ito hindi ko na sana nasaktan si Jenny.

Karma's a real b#tch. But gives away a great lesson in life.

Biglang sumakit ang aking sentido kaya naman napapikit ako. Napahawak naman ang isang kamay ko sa railing ng veranda habang ang isa ay hawak pa din ang kopita at yumuko ako upang mawala ang kirot.

Hinintay kong mawala ang sakit bago ko minulat muli ang aking mga mata. Malabo ang unang imaheng rumehistro saking sistema at nang luminaw ito ay basta ko na nabitawan ang aking hawak na kopita at napatakbo sa hagdan pababa sabay labas ng bahay diretso sa gate.

Dali daling binuksan ko ang gate at hinanap ang aking nakita mula sa third floor, si Jenny. Nakatayo sa labas ng gate na waring may hinahanap.

Nasaan na siya?

End of Karl's POV

Third Person's POV

Muli niyang nilibot ng kanyang paningin ang buong paligid at nadismaya nang walang Jenny na nahagip ang kanyang mga mata. Saan siya nagpunta? O baka nanan hallucination na naman ang nangyayari sa kanya.

He took another turn and saw a glimps of her again. Pumasok siya sa weird na bahay. What the!? Naghahalucinate na siya dahil kung pumasok man ang asawa don ay siguradong magwawala ang mga aso na nandon.

Ginulo niya ang kanyang buhok at iiling iling na pumasok sa bahay nilang mag asawa. Nagpasya siyang matutulog muna sa pag aakalang dala lang iyon pagod. Nang makapasok siya ay dumiretso muna siya sa office niya. Sinilip niya ang kabilang bahay at sa hindi niya maintindihang dahilan ay tinitigan niya iyong mabuti.

Bigla na lang lumabas mula sa pinto ng bahay na iyon si Jenny! Tiningnan niya ulit na mabuti ang babaeng nakita dahil baka namamalik mata na naman siya pero hindi dahil si Jenny talaga ang nakikita niya.

Agad siyang nagpunta sa attic para maghanap ng mga pwede magamit para mapasok ang bahay na iyon. Si Jenny talaga ang nakita hindi siya pwedeng magkamali, malakas ang pakiramdam niyang asawa nya nga iyon.

Naghalungkat siya ng mahabang lubid at bumaba sa taguan ng mga gamit para sa maintenance ng bahay para sa hagdan na gagamitin niya pagakyat sa mataas na pader ng kabilang bahay. Kailangan niyang makita ang asawa kahit na ano pa ang kailangan niyang gawin.

Nagmadali siya sa pag akyat sa hagdan na inihilig sa pader na nagsisilbing bakod ng kanyang kapit bahay. Nang maabot ni Karl na ang dulo agad niyang itinali sa kung saan ang lubid at itinawid sa kabilang bahay. Natawid na nga niya ito ngunit ang mga alagang aso ng mga ito ang sumalubong sa kanya. Hinabol siya ng mga aso na unfortunately ay hindi nakatali kaya napakaripas siya ng takbo. Habang tumtakbo ay narealize niya hindi lang pala sa labas weird tingnan ang buong kabahayan kundi pati na din sa loob.

Mukhang dinaanan ng bagyo ang garden at ang daming nagkalat na paso. Ngunit hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin dahil malapit na siyang maabutan ng golden retriver.

"Pako!!! Bakit ang ingay mo?" sabi ng isang tinig kasabay ng pagbubukas ng pinto kaya napatakbo siya ng mabilis patungo sa lubid na kanina lang ginamit niyang daanan sa pagpasok sa bahay na iyon. Thankfully madali lang niyang naakyat ang bakod dahil kung hindi ay makakasuhan siya ng may ari ng bahay na iyon ng trespassing naturingan pa man din siyang Engineer.

End of POV

Celine's POV

"Pako!!! Bakit ang ingay mo?" saad ko dahil hindi tumitigil sa pagtahol si Pako baka magising si Jenny na kakatulog lang. Lumabas na ako dahil baka naman may nakita itong ibang tao na nasa labas lang ng gate ngunit ang nakita ko ay si Pako na tumatahol sa tapat ng pader? Nababaliw na ata ang asong ito manang mana kay Jonathan.

Speaking of Jonathan, bakit late na siyang dumating? Ang tagal naman niya alam naman niyang kailangan ni Jenny ng gamot hanggang ngayon eh hindi pa siya dumadating. Pumasok na ako sa loob ng bahay dahil kailangan kong palitan ang towel na nakapatong sa noo niya. Ang kulit kasi niya sinabihan ko na siyang wag lalabas ng bahay dahil may sakit siya e hindi pa din nasabihan at talagang sa kalabas labasan pa siya nagpunta.

Pagpasok ko sa bahay ay nagulat pa akong nandoon na si Jonathan na may hawak na box ng cake. Box ng cake!!! Agad ko siyang nilapitan.

"Bakit may dala kang cake? Diba sabi ko gamot ang bilhin mo?" untag ko sa kanya.

"Nagtext ka sakin na bumili ako ng cake diba?" sabi niya na parang nagtataka.

"Hindi ah... wala akong alam ja---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla na lang...

"Kuya!!! Asan ang cake ko?" tanong bigla ni Jenny. Itinaas naman ni Jonathan ang dala niyang box na agad nilapitan ni Jenny at kinuha mula sa kamay ng kuya nito.

"Jenny ginamit mo ang phone ng ate Cel mo ng hindi ka nagpapaalam ano" sabi ni Jonathan na kakamot kamot ng ulo.

"Kasi hindi ko makita si ate Cel kanina e... Gusto ko talaga ng cake na strawberry" sabi nito na parang napagalitan.

"It's ok... do you want a phone?" tanong ko sa kanya.

"Pwede po?" tanong niya.

"Of course! Sige bukas bibili tayo ng cell phone mo kaya dapat agahan mo ang tulog mo then paggising mo pupunta tayo ng mall... ok?" sabi ko sa kanya.

"OK po! Kakain po muna ako ng cake ah... magtitira na lang po ako sa inyo" sabi nito at pumasok na sa kusina.

"How is she?" tanong ni Jonathan.

"She's fine, bumaba na ng konti ang lagnat niya pero ang tigas ng ulo niya sinabihan ko na siyang wag lumabas ng bahay naku lumabas pa din. Tapos kanina nakita ko pa siyang nagbubungkal ng lupa. Ang weird talaga ng mga buntis" sabi ko.

"Haha hayaan mo na muna" sabi naman nito. Hanga din ako sa lalaking 'to ang haba kasi ng Pasensya niya. "Tara na samahan natin ang makulit na iyon sa pagkain. She's been pigging out on strawberries" sabi niya at hinila na ako papasok sa kusina kung saan nandoon ang makulit na si Jenny.

End of POV


Note: Dahil natapos na ang midterms enjoy muna ng konti kahit may projects pa. Enjoy reading po.

Loving an EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon