Chapter 13

25 2 0
                                    

Lynn's Note:  I can't sleep so yeah here's an update. School starts at 7 tomorrow so yeah I'm doomed.

Jenny's POV

Dumating kami sa bahay nina mommy nang tanghali na. Si mommy agad ang nakita ko na nagpeprepare ng lunch. Well Gawain talaga ni mommy yan para mawala ang boredom dito sa bahay.

"Mommy nandito na po ako!" masayang bati ko kay mommy na agad naman akong nilapitan at niyakap.

"Ang baby ko... kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni mommy. Niyakap niya din si ate Cel.

"Ok naman po. Salamat na din sa tulong nina kuya at ate" sabi ko naman.

"Ah... Ay nga pala Cel may ibibigay ako sa'yo pero mamaya na ha? Magluluto lang ako ng lunch para sa atin" sabi ni mommy.

"Sige po" sabi ni ate.

"Mommy... may strawberries ba kayo dito?" tanong ko kasi nagugutom na naman ako eh.

"Meron bunso... actually ginawa ko na siyang frassier para naman maiba ang kakainin mo pero mamaya mo na makakain iyon kasi magla-lunch muna tayo ok?" sabi ni mommy. Sunod-sunod naman ang aking pagtango.

"Tulungan ko na po kayo" sabi ni ate Cel kay mommy.

"Sige anak... pakitanggalan ng balat ang mga potato pati yang carrots" sabi ni mommy at hinango ang unang ulam na ginawa niya, nilagang baka. Napatingin naman ako sa hapag at nakita ko ang madaming pagkain na nakahain doon.

"Mommy bakit po andaming nakahain eh tatatlo lang naman po tayong kakain? Kahit po ata kasabay nating kumain sina manang Lulu hindi natin mauubos yan" sabi ko.

"Ah uuwi kasi ang iyong mga kuya mo pati ang daddy mo... namimiss ka na din kasi nila" sabi ni mommy.

"Oh I see... so ano pa po yang iluluto ninyo?" tanong ko.

"Afritada anak... and paborito ng kuya Jerome mo" sabi naman ni mommy.

"Ok... mommy nabobored na po ako" sabi ko. "Pwede po bang tumulong ako?" dugtong ko pa.

"Pero Jenny bawal sa'yo ang mapagod" sabi ni ate Cel.

"Promise po hindi... Ako na lang po ang magtatanggal ng balat ng carrots" sabi ko at dahil hindi nila matanggihan ang requests ko kaya sumuko na si ate Cel at ibinigay sa akin nag peeler.

"Thank you ate" sabi ko at sinimulan na ang pagtatanggal ng balat ng carrots.

Sinimulan naman ni ate Cel na magligpit ng kalat at siya na din ang naghiwa ng patatas habang si mommy naman ay inayos ang karneng gagamitin niya at ang kanyang paglulutuan.

Natahimik kami for a while at maya maya pa ay dumating na si kuya Joseph na may dala dalang bag na galing ng national bookstore.

"Bunso! I bought you some books" sabi ni kuya Joseph. Dahil tapos na ako sa pagtatanggal ng balat ng carrot ay nag ugas ako ng kamay at lumapit kay kuya.

"Patingin" sabi ko at binuksan ang eco-bag.

"May mga maternity books dyan at yung book na gawa ng fave author mo" sabi ni kuya Joseph.

"Talaga kuya? Ilang books ni Michael Scott ang nandito?" tanong ko.

"May apat yata dyan" sabi ni kuya.

"Yey!!! Thank you kuya!!!" masayang sabi ko kay kuya.

"You're always welcome baby sis" sabi ni kuya at hinalikan ako sa noo.

"Mommy oh may pasalubong sa akin si kuya Joseph" sabi ko kay mommy.

"Talaga sweety? Good thing for you then... halika dito at inumin mo muna itong tea na ito" sabi ni mommy.

Loving an EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon