Chapter 4

49 4 0
                                    

Karl's POV

[Setting: bago magising si Jenny]

What have I done? Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na hahanap hanapin ko si Jenny. Yung mga side comments niya sa mga projects na hinawakan ko. Yung mga damit ko na nilabhan niya. Sa dalawang linggong nagsama kami alam kong siya ang naglalaba ng mga damit ko dahil iba ang amoy ng damit ko kapag si manang ang naglalaba. Amoy downy ang damit ko kapag si Jenny ang naglalaba. Yung mismong presensya niya, hinahanap hanap ko sa hindi malamang dahilan.

Araw araw dumadalaw ako sa kanya, problema lang ay hindi ko siya masilayan dahil nakaharang ang mga kuya niyang maton. Hanggang ngayon masakit pa din ang mukha ko mula sa suntok nila ngunit hindi ko naman sila masisisi.

Ngayon nga ay pupuntahan ko siya ulit. Habang nasa byahe ako ay nananalangin ako na sana masilayan ko man lang siya. Nang dumating ako sa ospital ay sinalubong ako ng sapak ni Jerome. Sinikmuraan niya ako ngunit walang pumipigil. Sinapak niya akong muli at nang palagay ko ay balak niya akong iarm throw ay dumating si papa, dad ni Jenny. Tumayo ako ng tuwid hawak ang sikmura ko. Nakita ko pang pinagagalitan ni papa si Jerome at nagpapaliwanag naman ito.

Nilapitan ako ni papa at nagulat ako nang suntokin niya ako. Napaupo ako dahil sa lakas ng impact.

"That's for my princess" sabi ni papa at iniwan na kami sa labas ng room ni Jenny.

"Diba sabi namin sa iyo na wag na wag ka nang babalik dito? Ano pang ginagawa mo dito? Kung umaasa kang hahayaan ka naming makita ang kapatid namin well mamumuti ang mata mo sa kaaasa dahil kahit kailan hindi namin hahayaang makita mo siya" sabi ni Joseph dahil hindi na ako binalingan ni Jerome.

Wala na akong nagawa kundi ang umalis kailangan kong kausapin si Niña, ayaw ko nang mas lumaki ang gulo. Kailangan kong ayusin ang lahat dahil gusto ko paggising ni Jenny ay masabi ko sa kanya na nagsisisi na ako sa aking nagawa.

Sumakay ako ng kotse ko at nagdiretso sa meeting place namin ni Niña. Nang makarating ako roon ay nandon na siya at kinakawayan ako. Nilapitan ko kaadag siya at hinarap ng seryoso.

"So why did you call me here for?" tanong niya.

"Niña, I'm sorry. Please forgive me but I want to stop whatever we are right now." sabi ko.

"W-what?" siya na halatang nagulat.

"Please understand Niña." sabi ko na may tonong nagmamakaawa.

"Why are you saying this?" tanong niya na medyo naluluha na.

"Because I know I'm a jerk and messed up everything between me and my wife, that's why this time I want to set things right. I'd like to clean up all the mess I've made. I want to start a new life with Jenny, so please I'm begging you-" naputol ang sasabihin ko ng nagtanong siya.

"Do you love her?" tanong niya.

Ilang sandali din akong natigilan bago nakasagot. Maybe its cliché to actually realize a woman's worth when you know you're loosing her but that's actually how I feel right now. "Yes I love her and seeing her crying face makes me want to kill myself" sabi ko remembering her crying face that night.

"Do you love me?" dugtong tanong niya.

"I did loved you before but its her I love right now." madamdaming saad ko.

"I understand but please this time don't ever break her heart. I felt guilty for what we did to her. Please tell her I'm sorry. Thank you and goodbye" sabi niya at tumayo na at umalis na.

Tapos na ang isa kong problema, si Jenny na lang.~naisip ko na lang.

Loving an EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon