Chapter Seventeen
"GUSTO ko ng umuwi." Gusto na niyang umalis sa lugar na iyon, ayaw na niya sa bahay ni Cael ang dating magandang paligid ngayon ay pumangit na at dahil iyon sa presensya ng babaeng iyon.
"Why?"
"Mahaba na ang rest ko dito and I want to go home na umalis kasi ang katulong ko sa bahay ng hindi nagpapaalam kailangan kong maghanap ng panibagong katulong."
"Ako nalang hija." Presenta ng nanay niya, ayaw niyang mahalata ni Cael na naiinis siya sa presensya ng nanay niya. Tumingin siya dito gusto niya itong taasan ng kilay pero mas pinanatili niya ang pagiging kalmado.
"Hindi ba katulong kayo ni Cael? Bakit kayo mamamasukan sa akin?" medyo mataray na tanong niya, nakita niya ang pagbakas ng sakit sa mga mata nito sa sinabi niya pero hindi niya inintindi iyon. Wala pa iyon sa kalingkingan ng naramdaman niya dati sa mga kamay nito, ang pag-abandona nito sa kanya at ang pagtrato nito sa kanya na parang basura. Ang sakit na nararamdaman nito kulang pa.
"Mas sanay kasi ako sa Maynila at saka may hahanapin din ako doon."
"Sino?"
"Anak ko." Nagtinginan si Cael at ang nanay niya, ibig sabihin ay hindi rin alam ng mga ito kung nasaan si Marie. Imposible naman kasing hanapin siya nito samantalang nandoon na siya sa harap nito. Nagpapanggap lang ito na mabait sa kanya para magamit siya, para hanapin ang nawawala nitong anak. Nakakatawa nga naman ang mundo, hindi man lang ba siya nito hinanap noong naaksidente siya? Hindi man lang ba ito nag-abalang bisitahin siya sa hospital noong nag-aagaw buhay siya pero ang ate niya kay dali lang nitong bigyan ng panahon.
Naikuyom niya ang palad niya dapat talaga ay hindi nalang niya iniligtas ang ate niya ng itulak niya ito sa bangin, dapat talaga hindi siya nagpakain sa konsensya niya. Dapat ay hinayaan nalang niya itong mawala pero hindi niya kaya, kahit anong gawin niya ay hindi niya kayang pumatay ng tao lalo na ang batang dinadala nito.
She knew how it hurts losing a child because she experience it at hand, the pain is limitless, may mga pagkakataon pa nga na nagigising siya sa madaling araw at umiiyak calling everyone's name but no one came. Noong mga panahon na humihingi siya ng kahit kaunting panahon mula sa isang ina ay hindi niya nagawa.
This might be the sign, kapag nasa kanyang poder ang ina niya ay mahahanap niya agad ang kapatid niya. She wants it back... dapat ay makuha niya ang aksidenteng nahila nito sa kanya that thing is very important to her. And if she got her mother closer to her she'll have Cael by her side. Alam naman niyang babantayan nito ang babaeng ito laban sa kanya.
"Okay lang ba iyon sa iyo Cael?" tanong niya sa lalaking katabi.
"Kung gusto ni ti-Aling Alma."
"Gusto ko." Agad na sagot nito, excited na makita ang ate niya. wow lang.
"Kung ganoon it is settled then sasama kayo sa akin pagbalik ko bukas sa bahay ko, I am with my sister. Her name is Hexel, hindi siya palagi sa bahay nakatira she usually stays in her office penthouse dahil mas accessible iyon."
"Si-sige po."
"Magpapahinga lang ako, samahan mo ako Cael."
"Hindi ka lang ba kakain muna?" tanong ng nanay niya.
"I don't eat when I am about to take my nap, please remember that." Acting cold is what she does best, mabuti nalang talaga at direktor siya. The best directors are also the best actors and actresses and it really helps her a lot. Pagpasok niya sa silid ay binitiwan niya ang palad ni Cael.
BINABASA MO ANG
ZBS#8: Indigo Ladybug's Saddest Smile (COMPLETED)
Short StoryTEASER: When you are hurt... just cry. When you are too much in pain... just smile. When you fall in love with someone who hurt you... don't cry, it's your choice then... just smile... give your most beautiful SADDEST SMILE. A/N: COMPLETED Cover mad...