Chapter Fifteen (SPG)

101K 2.1K 95
                                    

Chapter Fifteen


"Saan ka na?" nasa loob siya ng restroom at sinasagot ang tawag ni Zyrene sa kanya. "The girls are waiting bakit ang tagal mo?" dahil masyado siyang engrossed sa kanyang ginagawa kanina ay hindi niya napansin kung ilang missed calls at text messages na ang natanggap niya. At hindi lang iyon hindi na siya nagkatime na tingnan ang cellphone niya dahil sa may isang taong wala yatang ibang gustong gawin kundi titigan siya buong maghapon habang nasa set sila.

Hindi ito umalis kahit na wala ito sa tabi o harap niya ramdam pa rin niya ang paraan ng pagtitig nito sa kanya and that irritates her to the core. She can't even concentrate for goodness sake kaya nga nandito siya ngayon sa restroom dahil sigurado siyang hindi siya nito susundan. And found out that she does have a lot of missed calls from the girls.

"Nandito pa ako sa set."

"Gaga kapag hindi ka pa dumating dito sigurado akong paparusahan ka nila lalo na ni Karylle ninang ka pa naman ng baby niya." she bit her lips dahil medyo na-compromiso na talaga siya nakalimutan niya na ngayon nga pala ang binyag ng anak ni Karylle nawala iyon sa isip niya at kasalanan iyon ng Cael na iyan at sa mga titig niya.

"Mukhang hindi na ako makakarating on time eh, babawi nalang ako sabihin mo kay Karylle na sa susunod na anak niya ay nandiyan na ako."

"Narinig ko iyan saan ka ba ngayon?"

"Nasa set kasi ako ngayon."

"Exact place."

Mas lalo niyang kinagat ang pang-ibabang labi dahil kapag nalaman ng mga ito kung nasaan siya ay malamang pupugutan siya nito ng ulo. "Tarlac?"

"Hindi mo na nga kayang umabot minsan icheck mo rin kaya ang phone mo sa schedule mo masyado ka ng busy hindi mo na naaalagaan ang anak ko." She rolled her eyes when she hears K's words, mukhang naiintindihan naman nito kung bakit hindi siya makakarating. "Pagbalik mo bantayan mo ang anak ko at ng makapagdate naman kami ni Colton ko."

"Gawin mo pa akong yaya."

"Of course ang laki ng utang mo sa inaanak mo dahil hindi mo siya sinipot sa binyag niya."

"May gift naman ako nasa bahay ko I'll bring it when I come back."

"Kailan ka naman uuwi?"

"Soon just tell the girls I am okay."

"Maghanap ka ng boylet diyan tapos send mo sa akin ang abs para pangpaselos kay Colton."

"Sira ka talagang babae ka alam mo naman na seloso iyang asawa mo."

Humagikgik pa ito sa kabilang linya. "Iyon nga eh gusto ko siyang pagselosin nagiging beast kasi siya sa bed."

Tumikhim lang siya lalo pa at naalala niya ang huling sinabi ni Cael sa kanya kanina and then Karylle is talking about bed... oh well, sa ilang taon na inaangkin siya ni Cael... damn! Agad niyang ipinilig ang ulo niya upang alisin ang anumang kaisipan sa kanyang isip hindi siya pwedeng mag-isip ng ganoon.

"Ewan ko sa iyo kausap mo na naman si Diana eh alam mo naman kung anu-ano ang lumalabas sa bibig ng babaeng iyon tapos pumapasok sa isip mo."

"Basta—ay."

"I heard that let me remind you babs I can be a beast whenever you want me." SIya na mismo ang nagturn off ng phone lalo pa at narinig niya ang sinabi ni Colton. Hindi niya maimagine ang ginagawa ng mga kaibigan niya kasama ang mga mister ng mga ito. Kapag sila ang magkakasama ay iyon na agad ang pumapasok na topic nila she can't blame them they are married, lalo na si Diana na suportado naman ni Karylle at ni Zyrene. Si Crischelle naman ay inosenting malupit lang dahil magkukwento ito pero namumula ang mukha. Ang hindi talaga palakwento ay si Chloe at si Georgette, agad silang nag-eexcuse kaya sila ang nagiging center of attention nila sa tuksuhan.

ZBS#8: Indigo Ladybug's Saddest Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon