Pre-A/n: tama na muna ang drama...
Chapter Eleven
Alam niyang kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa siya bumulagta sa ibabaw ng tiles ng hospital na iyon sa tingin na pinupukol ng mga kaibigan ni Monique. They want him to leave but he can't hindi niya pwedeng iwanan si Monique dahil kapag ginawa niya iyon ay sigurado siyang hindi na siya makakabalik doon. Nasa operating room pa si Monique gusto niyang malaman kung okay na ba ang kalagayan nito, tahimik lang ang buong paligid hanggang sa may biglang dumating.
"Anong ginagawa nila dito?" napatingin siya bagong dating it's the Libiran Princess kasama nito ang asawa nito.
"Umuwi ka galing sa honeymoon niyo?" tanong naman ng isang babae na kilala niyang Chloe ang pangalan, bakit nga ba hindi niya makikilala ang mga ito kung ang tao sa likod ng paghahanap sa kanila ay kilalang-kilala niya.
"Of course nag-aagaw buhay ang sister ko dito hindi ako pwedeng magpasarap lang sa ibang lugar. Our honeymoon can wait but Niq can't." matigas ang boses nito pero alam niyang malapit na rin itong magbreak down just like what the other girls were doing when they reach the place. "Anong nangyari?"
"She jumped from the cliff." Iyon ang agad na sinagot niya, humarap ito sa kanya at malakas siyang sinampal masakit iyon dapat pero wala na siyang maramdaman sobrang manhid na yata ng puso niya. "I'm sorry."
"Sorry? Wala kang karapatan na makita si Niq kayo ang nagtulak sa kanya kaya gawin niya ang bagay na iyon you will never be forgiven." Niyakap ito ng asawa nito. "Paalisin niyo sila baka mas lalong ayaw ng gumaling ni Niq dahil nandito sila." Umiiyak na yumakap ito sa asawa nito.
"Pakiusap gusto kong makita ang anak ko." Pakiusap naman ni tita Alma sa mga ito, iyon lang naman ang gusto nila ang makita si Monique.
"Para ano?" kumunot ang noo niya ng marinig ang isang pamilyar na tinig na matagal na niyang hindi naririnig. Ilang beses na ba niyang narinig ang boses nito noong nag-aaral pa si Monique? Ilang beses na rin niya itong nakita sa bahay ng mga ito at ilang beses na ba niya itong nakaharap... ilang beses na niyang narinig ang pangalan nito hindi lang kay Niq kundi pati na rin sa taong iyon.
"H-Hexel?" tiningnan niya ang magandang babae na nasa harap nilang lahat ngayon, hindi siya pwedeng magkamali iyong babaeng palaging sinasabi ni Monique na tagapagtanggol niya. He looks at her and as he looks at her he felt his heart constricting ang hirap huminga pakiramdam niya ay pinapatay siya ng presensya nito. Ang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa sobrang kaba.
"Para ano Mrs. Soriano? Para pagtawanan siya? Para sabihin na sana ay hindi na siya nabuhay pa?" hindi nakakatakot ang paraan ng pagtatanong nito pero hindi siya makagalaw, hindi siya makapagsalita nakakaparalisa ng katawan ang bawat pagbigkas nito ng salita.
"No-."
"Get lost madam, sa tingin ko sapat na ang pasakit ng anak mo para dagdagan mo pa. Ganyan ba talaga ang galit mo sa anak mo at nagawa mo siyang itulak sa bangin."
"But I didn't said-."
"She asked you right? She asked you what you want and I believe you still remember your answer." Natigilan ang katabi niya, the woman is doing mental torture and right now hindi pa stable si tita Alma para tanggapin iyon. "Sana siya nalang ang namatay at sana mawala na lang siya. She granted your wish I hope you are happy now, patay na ang anak mo pintay mo siya, magparty ka. Nawala ang asawa mo pinatay mo ang anak mo, pinatay mo ang dahilan kung bakit namatay ang asawa mo, congratulations for being a good mother... killer... and a murderer."
BINABASA MO ANG
ZBS#8: Indigo Ladybug's Saddest Smile (COMPLETED)
Kısa HikayeTEASER: When you are hurt... just cry. When you are too much in pain... just smile. When you fall in love with someone who hurt you... don't cry, it's your choice then... just smile... give your most beautiful SADDEST SMILE. A/N: COMPLETED Cover mad...