Chapter Twenty

91.7K 2.2K 267
                                    

Chapter Twenty


PAPALABAS na siya ng bahay habang dala-dala ang maletang pinaglagyan niya ng kanyang mga dadalhin sa pag-alis nila mamaya ni Hexel at ni Monica. Alam niyang tatakas na naman siya, hindi pa kasi niya kayang harapin ang nanay at kapatid niya, hindi pa niya kayang harapin ang mga taong iyon. Kapag kasi ginawa niya iyon baka hindi na niya alam kung ano ang sasabihin niya. Pakiramdam kasi niya ay nawalan ng silbe ang lahat ng mga pinaggagawa niya at nagmumukha nalang siyang tanga. Gusto lang muna niyang magpahinga at huminga, iyong akala mo tama na iyong ginagawa mo pero sa bandang huli malalalaman mo palang nakikipaglaro ka sa isang larong sa simula pa lang ay talo ka na kasi wala ka namang kalaban, hindi panalo kundi talo kasi nag-invest na siya ng time at effort kaya lang wala eh.

Nakakatawa lang ding isipin na ang kapatid niya ay kapatid din ng lalaking simula pa lang ay mahal na niya, it is indeed a very funny cycle pinaglalaruan lang yata sila ng tadhana. Right now, akala niya ay masaya na siya dahil nakaganti na siya pero hindi pala ganoon iyon. Akala niya makakahanap siya ng kasiyahan sa kung saan man siya mapadpad pagkatapos but she felt so empty and pained. Mapait na ngumiti lang siya habang sinasara ang pintuan ng bahay na iyon, hindi na rin niya kayang tumira pa doon kasi ang dami niyang naaalalang mga bagay.

"Monique." Hindi siya lumingon dahil kahit na hindi na niya alamin ay sigurado siya kung kanino ang boses na iyon. Nakatitig lang siya sa saradong pintuan ng bahay na tinirahan niya. "Can we talk?"

"Can't you see aalis na ako."

"I know pero gusto lang kitang makausap."

"Para ano pa? Hindi na magbabago ang isip ko sa kung anuman ang sasabihin mo." She heard him sigh.

"Please, kahit na ito na ang huling beses kakausapin mo ako okay lang sa akin basta kausapin mo lang ako." Hinarap niya ito and there, all she could see right now is Cael's handsome yet pained face expression.

"Anong sasabihin mo?"

"Huwag dito," kumunot lang ang noo niya sa sinabi nito, "Can we talk somewhere else? Huwag kang mag-aalala hindi kita kikidnappin o ano, rerespetuhin ko ang desisyon mong umalis dahil karapatan mo iyon. Gusto lang kitang dalhin sa lugar na iyon."

Siya naman ang napabuntong-hininga. "Dalhin mo ako sa airport pagkatapos." Pain flashed through his eyes and all she could do is to divert her eyes away for her not feel his pain. Iminuwestra nito ang kotse nito, ibang kotse kaya mas madali sa kanya ang sumakay. Sinigurado niyang may sapat na distansya silang dalawa kahit na noong kunin nito ang bagahe niya para ilagay sa backseat. Umupo siya ng maayos at tahimik lang na nakamasid sa labas habang ito naman ay umupo sa driver's seat.

Tahimik lang itong nagmamaneho, para bang isang malaking kasalanan ang magsalita sa pagitan nilang dalawa. Hanggang sa nakarating sila sa kung saan man siya nito balak dalhin, sementeryo... sa sementeryo kung saan nakalibing ang daddy niya. Inihinto nito ang kotse at saka umikot para pagbuksan siya ng pintuan, hindi na nito kailangang sabihin kung saan sila pupunta dahil alam na naman niya kung saan.

Habang naglalakad siya papunta sa puntod ng ama niya ay hindi niya napigilan ang sariling hindi makaramdam na naman ng sakit, nangungulila siya sa pagmamahal ng isang ama at ng isang pamilya.

"Why here? Gusto mong ipamukha sa akin kung paano ko sinira ang lahat at pinatay ang sarili kong ama?" hindi siya makatingin dito dahil ayaw niyang makita nito ang pag-iyak niya.

ZBS#8: Indigo Ladybug's Saddest Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon