Chapter Fourteen

81.4K 1.9K 132
                                    

Chapter Fourteen


"WOW, lalaki ang baby mo?" napangiti siya ng titigan ang ultrasound picture ni Monica, five months pregnant na ito at dahil medyo maliit itong babae kaya hindi gaanong halata but still she looks so beautiful as always. "Hindi ba kapag boy ay pumapangit ang nanay sure ka bang lalaki talaga ang magiging anak mo?"

"The sonographer and my doctor don't lie." She is really happy for her friend, for the past months na kasama niya ito ay naiintindihan niya ang coldness ito. It's Monica's front to cover her emotions though, iba-iba nga lang ang coping mechanism nila. "At ikaw saan ka na naman galing kagabi?"

"Hulaan mo." She wickedly smile at her friend.

"Don't tell me?" kumunot ang noo nito na agad na gets ang sinabi niya. "Tinotoo mo talaga?"

"Why not? I want to help Hexel, kapag nakuha ko na ang files madali nalang sa kanya na mafile ang annulment nila dahil malakas na ebidensya iyon and when everything is fine na pwede na kaming umalis."

Iyon naman talaga ang gusto niyang mangyari, ang tuluyan ng makaalis ng bansa at dahil sa mga ebidensyang iyon kaya sila mas lalong natatagalan and she really hate Hex's ex-husband for making it difficult for Hexel. Ang mga lalaki talaga walang kwenta. Napansin niyang tinitigan siya nito from head to foot.

"At kailan mo lilinisin ang pangalan mo sa mga girls?" Nica asked at her.

She just smirked. "Wala akong lilinisin na pangalan just let them think I'm pakawala ang everything it's the easiest way for Hexel to allow me to do this for her."

"Alam mo bang iba na ang tingin ng mga tao sa iyo?"

Mapakla siyang tumawa. "The hell I care about them hindi naman sila ang nagpapalamon sa akin and I love the way how they react with my changes, you know judgemental and dirty minded. Sa mga pagkakataon na tulad nito nasusukat ang ugali ng isang tao, may mga taong akala mo kaibigan mo susuportahan ka but once they see the worst in you sila din ang pinakaunang sisira sa iyo. And because of that nakilala ko ang mga taong pwedeng pagkatiwalaan sa hindi. At nakilala ko ang mga taong iyon thanks to what I am doing right now, let them think what they thought about me basta ako ginagawa ko ito dahil may rason ako."

Umiling lang ulit ito sa kanya alam niyang labag na labag dito ang pinaggagawa niya at wala siyang balak tumigil hangga't hindi pa nakakasa ang kanyang plano.

"At saka kayo na rin ang nagsabi hindi ba nakakainis ang pagiging mabait ko and then realization hit me, sa mundo ngayon bawal ka ng maging mabait dahil aapihin ka lang nila. And then now, bawal din akong maging matapang?" inis na usal niya.

"Hindi naman bawal ang pagiging matapang, bawal kapag nasobrahan na."

"Sobra? Okay my friend, let's define sobra." Ngumiti siya dito at pinag-ekis ang dalawang hita niya habang nakaupo siya. "No one can define sobra dahil hindi naman natin alam kung sobra na o kulang pa. Kahit anong gawin mo may sasabihin at sasabihin pa rin sa iyo ang mga tao kaya why effort pleasing them. My sobra is my enough, ikaw enough na ba na hindi mo ipakilala kay Xancho ang batang iyan?"

"At bakit ako naman ang nasentro nito?"

"Just answer my question, I saw him here this morning does he know?" nakatikwas ang kilay na tanong niya dito.

"No, he doesn't know."

"So akala talaga niya na ang lolo mo who happened to be your pretend husband and now dead is the father?" tumango ito sa tanong niya. "Stupid eh? And what's the reason why he is here na?"

ZBS#8: Indigo Ladybug's Saddest Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon