Pre-A/N: Babala, may mahabang A/N kung hindi niyo trip basahin huwag basahin gets?
Chapter Six
"Saan ito?" Namangha siya ng bumaba sila sa isang malaking garahe sa malaking bahay na iyon, it looks like an ancestral house, old yet modern, homy yet lonely, iyon agad ang naramdaman niya sa malaking bahay na iyon. Tiningnan niya si Cael na bumaba na rin pero hindi ito nakatingin sa kanya bagkos ay umikot lang ito para hawakan ang braso niya at iginiya siya nito papasok ng malaking bahay.
Bawat hakbang na tinatahak niya papasok ay namamangha pa rin siya, sobrang ganda talaga ng lugar na iyon. She even wants to live and stay there... forever. Akala niya ay matatapos na ang pagkamangha niya ng makapasok na siya pero mali siya dahil kung gaano kaganda ang labas ay hindi din palalamang ang loob ng bahay na iyon. Pero ang lungkot, kahit gaano pa kaganda ang isang bagay kung malungkot ang pakiramdam mo doon hindi pa rin iyon masasabing tahanan.
"Wala kang kasama dito?"
"I like it when I am alone." Napatingin siya dito, siya ang nasasaktan para kay Caael. Somehow naiintindihan naman niya kung bakit ito galit sa kanya dahil mag-isa nalang ito. Naiwan na rin ito ng lahat.
"Malungkot ang mapag-isa Cael."
"You don't care." Mahinang sabi nito.
"Of course I care."
He just scoffed as he pulled her inside the kitchen. "Hindi ba aalis ka rin?"
"Because that's what you want right?" mahinang tanong din niya dito, bigla lang itong napatitig sa kanya and again she saw what she usually see at his eyes everytime she looks at it. Loneliness, sadness, anger, and something that no one can comprehend. Madalas kasi ay walang emosyon ang gwapong mukha nito at hindi niya nababakasan ng kung ano ang mga mata nito.
"What do you want to eat?" agad na iwas nito sa kanya.
"Ako na." kinuha niya ang isang loaf ng slice bread at kumuha ng dalawang slice saka nilagyan ng mustard ang isa at pinagdikit ang dalawa at kakainin na sana niya iyon ng kunin nito sa kanya ang kanyang tinapay at tinapon sa basurahan. "Eh, sayang naman iyon." he just glared at her and then move on his own. He opened his refrigerator and got something from there, ilang saglit lang ay may masarap na pagkain na siya sa kanyang harap. He even made her a coffee, hindi na siya nagreklamo madalas din naman siya nitong pinapakain lalo na kapag gagapangin na siya nito kung gapang mang maituturing iyon dahil pumapayag din naman siya. "Thanks."
"Finish everything."
Wala sana siyang balak kumain pero masarap talaga itong magluto, sigurado siyang swerte ang ate niya kay Cael. May tumarak sa puso niya ng maisip na masaya niyang kinakain ang pagkain na luto nito habang ate naman niya ang tunay na girlfriend nito.
"Ipagluluto mo rin ang ate at mommy ko hindi ba?" biglang tanong niya kumunot lang ang noo nito.
"I don't cook."
"Masarap ka namang magluto."
"I don't cook for other people." Napamaang siya sa sinabi nito, he cooks for her ibig sabihin... asa pa more Monique.
"Girlfriend mo si ate pasasaan ba at ikakasal din kayo kaya magiging mama mo na ang mommy ko." Pinilit pa rin niyang ngumiti kahit na ang totoo ay nagsisikip na naman ang dibdib niya sa mga sinasabi niya. Sadista nga talaga siya. "Kaya ipagluluto mo rin sila, mahilig ang mommy ko sa afritada ayaw niya sa kare-kare kasi nauumay siya, hindi siya kumakain ng bagoong eh. Si ate naman ay gusto ng pasta at ayaw niya ng pizza kasi nakakataba daw iyon pero mahilig siyang kumain ng French fries." She chuckled when she remembered how her sister steal her French fries pero ibinigay naman nito sa kanya ang burger nito noong dinala sila ng daddy niya sa fastfood restaurant.
BINABASA MO ANG
ZBS#8: Indigo Ladybug's Saddest Smile (COMPLETED)
Historia CortaTEASER: When you are hurt... just cry. When you are too much in pain... just smile. When you fall in love with someone who hurt you... don't cry, it's your choice then... just smile... give your most beautiful SADDEST SMILE. A/N: COMPLETED Cover mad...