Chapter One

114K 2.4K 230
                                    

Chapter One


BITBIT ang doll na binigay sa kanya ng daddy niya ay dahan-dahan siyang pumanhik sa hagdanan. Gusto niyang puntahan ang daddy niya may kasama kasi itong kuya kanina, hindi niya kilala pero hindi pa naman matanda bata pa parang kasing edad lang ng ate Marie niya. Sabi ng mommy niya huwag daw siyang pumunta sa room kung nasaan anng kuya kasi hindi daw pwede pero gusto niyang pumunta. Gusto niyang kasama ang daddy niya.

"Daddy." Tawag niya ng sa wakas ay nasa taas na siya, masakit sa paa ang pag-akyat dahil ang hahaba ang steps at ang short pa ng legs niya. Sabi ng ate niya hindi na daw siya tatangkad pero sabi ng daddy niya five pa lang siya at tatangkad din siya. "Daddy, where are you?"

Napangiti siya ng makita ang isa sa mga room doon, nakita niyang pumasok ang daddy niya doon kasama ang kuya. Nagtip toe siya para maabot ang door knob, ang tangkad kasi ng doorknob. Kailangan pa niyang ibaba ang kanyang doll para maabot niya at mabuksan gamit ang dalawang braso niya.

"Yehey, na-open ko." Yumuko siya at saka kinuha ang favorite doll niya, ang doll niya ang kanyang bestfriend dahil bigay ng daddy niya. "Ang dark naman." Napasimangot siya hindi pa niya abo tang switch kasi matangkad din ang switch ng ilaw magwa-wait pa daw siya na humaba na ang arms niya.

"Hello? Daddy nandito ka ba?" pinilit niyang maaninag ang laman ng dark room hanggang sa may marinig siyang mahinang iyak. "Momo." Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang favorite doll, savior niya ang doll niya walang mananakit sa kanya kapag hawak niya ang kanyang doll. "Hindi scared si Monique, brave si Monique," sabi niya sa kanyang sarili pero gusto na niyang tumakbo. Parang sa mga horror movies kasi na may naririnig kang cry sa dark room.

"Hello, may tao ba dito? Hindi ka momo right? Bakit ka nagka-cry?" tanong niya sa hangin, tumingin siya sa bed wala namang tao o momo. Umikot siya at hinanap ang ingay at saka nakita ang hinahanap niya. Ang kuya na kasama ng daddy niya, nasa corner ito hinuhug nito ang legs nito at nakasubsob doon habang umiiyak. Hindi niya makita ang face nito dahil dark ang room pero naririnig niyang umiiyak. "Kuya, why are you crying?"

Medyo nasanay na ang mga mata niya sa liwanag sa silid kaya naaninag na niya ang umiiyak na bisita nila. Akmang hahawakan sana niya ito ng bigla siya nitong itulak.

"Huwag mo akong hawakan! Umalis ka kung hindi ka si ninong ayokong makita ka." Umiiyak na taboy nito sa kanya. Gusto din niyang ngumawa ng iyak dahil sa nasaktan siya sa ginawa nitong pagtulak, kaya nga siya natumba. Pero hindi niya iyon ginawa, niyakap nalang niya ang kanyang dolly para hindi na siya mahurt.

Napatingin siya sa kanyang doll, ayaw niyang pahawakan iyon kahit kanino pero mukhang may kailangan ng tulong ng kanyang doll

"Kuya huwag ka ng magcry, may masakit ba sa iyo? Masakit ba ang teeth mo kasi ako din nagkacry kapag masakit ang teeth ko at kapag masakit ang tummy ko. Pero sabi ni daddy hug ko lang si dolly ko mawawala din ang pain." Iniharap niya sa bata ang doll niya. "Hug mo siya kuya pwede ko siya pahiram sa iyo para hindi ka na mag-cry." Pero mas lalong lumakas ang iyak ng batang lalaki.

Nagtaas ito ng tingin at nakita ang doll niya, gumalaw ito para kunin ang kanyang doll pero ibinato lang nito iyon palayo.

"Dolly!" tili niya at tinakbo ang kawawang doll niya, tiningnan niya kung may sira mabuti nalang at wala. Naiinis siya kaya nilapitan niya ang kausap niya. "Ikaw kuya bad ka, hindi mo dapat tinapon ang doll ko. Bigay sa akin ito ni daddy eh ito ang savior ko." Sa inis niya ay sinapok niya ito gamit ang doll niya, hindi naman iyon masakit dahil gawa iyon sa cloth. Sinangga naman ng bata ang pagsapok niya kaya nakita niya ang hitsura nito.

ZBS#8: Indigo Ladybug's Saddest Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon