Chapter Nineteen
"CONGRATULATIONS you are finally free." Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o kaya ay iiyak habang nakatingin sa kaibigan niya. May choice itong hindi ilabas ang mga files na iyon sa korte pero mas pinili nitong ilabas iyon. "Anong plano mo ngayon?" she asked her friend.
"Babalik na ako tapos na ang pakay ko doon, nakuha ko na ang lahat ng gusto ko, ang Winhlan akin na uli siya, my freedom." Kahit na hindi ito magsalita alam niyang hindi ito masaya, Hexel won, she had her revenge pero bakit hindi pa rin ito masaya? She also wanted to have hers, kapag ba nanalo siya magiging ganito ba siya?
"Let's go?" sinulyapan niya si Monica na kahit na malaki ang tiyan nito ay sumama pa rin ito sa kanila. "I am already packed."
"Sasama ka ba talaga sa amin Monica?"
Bumaling ito sa kanya. "Why not?"
"Si Xancho?"
"He is fine without me."
"Are you fine without him?"
"Kailan ba ako hindi naging okay?" balik na tanong nito sa kanya, nailing nalang siya kahit kailan talaga wala itong ibang ekspresyon na pinapakita sa kanila, palaging nakapokerface lang. "Bahala siyang maghabol tutal naman kasalanan niya ang lahat ng ito, mas mabuting hindi nalang niya makita ang anak niya tutal naman mas okay siya na single lang siya." Umingos ito.
"Ikaw ang bahala pero choice mo pa rin iyan kung dumito ka lang o sasama ka talaga sa amin." Si Hexel, hindi na sila sumagot. Ayaw niyang sabihin kay Hexel na nagdadalawang isip na siya sa pagsama dito pero hindi niya ito pwedeng iwanan dahil nga sa lahat-lahat. Hexel was with her when she's very down, ayaw niyang iwanan ito sa mga oras na alam niyang hindi maganda ang pakiramdam nito.
Huminto na ang kotse nila sa harap nila, unang sumakay si Monica dahil hirap itong nakatayo ng matagal. Sasakay na sana sila ng biglang may pumigil kay Hexel... si Clive.
"Kaia-."
"Hexel Marie Domingo, Mr. Libiran." Malamig na tugon ni Hexel dito. "Huwag mong kalimutan ang pangalan na iyan."
"I'm sorry." Bakas sa mukha nito ang sincerity nito, kaya lang masyado ng huli ang lahat. Hindi na maibabalik ng sorry ang lahat ng pinagdaanan ng kaibigan niya. "I didn't know-."
"Because you don't really care Clive, all you care is yourself." Pinilit ni Hexel na ngumiti dito, iyong ngiting walang laman... it's scary yet it so beautiful too. "Are you happy now? Masaya ka bang malaman kung ano ang nangyari sa akin pagkatapos ng lahat ng ginawa mo at ng babae mo? Huwag kag magpanggap na malungkot dahil sa kabila ng mukha mong iyan alam ko masayang-masaya sa nangyari sa akin."
"No, Hexel. I am sorry please-."
"It's too late," hinila niya si Hexel palayo kay Clive dahil alam niya... hindi na talaga nito kaya.
"Mr. Libiran huwag muna ngayon, you are a free man now. Do whatever you want to do now with your woman and spare my friend from your wrath." Iyon lang at pumasok na rin siya sa sasakyan at tumabi sa mga kaibigan niya.
Pagod na pagod siya ng umuwi siya sa bahay, ilang araw na rin noong huli siyang nakapagpahinga ng matagal-tagal isa lang ang gusto niyang gawin ngayon at iyon ay matulog at magpahinga. Pagpasok niya sa kanyang bahay ay agad na napakunot ang noo niya ng may taong nakaupo sa kanyang sofa.
BINABASA MO ANG
ZBS#8: Indigo Ladybug's Saddest Smile (COMPLETED)
Short StoryTEASER: When you are hurt... just cry. When you are too much in pain... just smile. When you fall in love with someone who hurt you... don't cry, it's your choice then... just smile... give your most beautiful SADDEST SMILE. A/N: COMPLETED Cover mad...