Chapter Eighteen
"ANONG balak mo sa anak mo?" tanong niya sa kaibigan ng bumisita ito sa bahay nila, nakita niya ang pagod sa mukha nito kahit na pilitin man nitong itanggi ang bagay na iyon. She looks really tired dahil na rin sa dami ng mga inaayos nito.
"Kukunin ko siya." Anito sa kanya. "Kahit na magalit pa si Clive wala akong pakialam basta isasama ko sa akin ang anak ko." Pinal na saad nito.
"Hindi na ba talaga magwowork out Hex?"
"Now that his ex is back paano pa magwowork out? Kapag nakikita ko silang magkasama ay naaalala ko ang mga pinagdaanan ko sa kamay ng babaeng iyon at ang ginawang pagwawawalang bahala sa akin ng sarili kong asawa. Mas mabuting hindi na maulit ang nangyari dati and besides ayoko na rin, ikaw lang naman ang hinihintay ko para umalis at iyong annulment case. Hindi ko lang talaga expected na may isa pa pala akong dapat ayusin and I will never leave my daughter here with her father and that woman."
"Kung bumalik na ang babaeng iyon bakit ayaw ka pa ring pakawalan ni Clive? Huwag mong isipin na boto pa rin ako sa kanya because you knew the reason why I don't like him, nagtataka lang talaga ako."
"Hindi ko rin alam kung bakit."
Don't worry makukuha ko rin ang mga ebidensya." Aniya dito, sumulyap ito sa kanya at saka napailing.
"Huwag na Niq, sabi ko naman sa iyo hindi ba huwag mo ng pagurin ang sarili mo. Ako na ang bahalang kumuha ng mga ebidensyang iyon at saka ayokong ilabas din ang bagay na iyon." fear crossed her eyes when she said those things.
"Ano ba talaga ang mga pictures na iyon?"
"My down fall Niq, those were my downfalls. Kapag inilabas ko iyon sa korte sigurado akong mabilis na mapapawalang bisa ang kasal namin because I am not capable of being in a marriage. Kapag inilabas ko iyon okay na ang lahat pero malaki rin ang posibilidad na hindi ko makukuha ang anak ko because I am an incapable and dangerous mother. But I want to have my daughter at kukunin ko siya sa ayaw at sa gusto ni Clive wala na akong pakialam kung makulong man ako o ano."
Napabuntong-hininga uli siya. "Tutulungan kita Hexel I can see the changes in you when you are with your daughter. Nakikita ko ang dating Hexel na masayahin at mapagmahal dahil sa anak mo and I want to do everything para lang maging masaya ka."
Ngumiti ito sa kanya. "You don't have to."
"I want to you are the only family I ever have right now." Hindi niya alam kung bakit niya nasabi iyon eksaktong dumating ang nanay niyang may dalang pagkain para sa kanila. Hindi na nagsalita si Hexel ng makita ang nanay niya doon kasi agad niyang sinabi na may nahanap siyang bagong katulong. Inalila might be the right term pero hindi niya maiwasan na gawin iyon sa sariling ina, kung ayaw na nito ay may kakayahan naman itong umalis she can pay her from all the service she'd offered but will never have her forgiveness... hindi naman ito nanghingi ng kapatawaran.
"Manang Alma." Tawag niya dito, she flinched. "Bilisan niyo ang paglagay ng pagkain kasi may mas importante pa kaming pinag-uusapan ng kapatid ko." Malamig na ani niya dito.
"O-o." tiningnan lang niya ito, habang nakatitig siya sa sariling ina ay saka lang niya napansin ang pagbabago nito, bahagya itong pumayat pero mas maaliwalas na ang mukha nito noong mga panahon na madalas pa siya nitong saktan.
"Nag-eenjoy ka ba?" tanong ni Hexel pagkaalis ng kanyang ina.
"Sa?"
"Na makitang nahihirapan siya?"
BINABASA MO ANG
ZBS#8: Indigo Ladybug's Saddest Smile (COMPLETED)
Historia CortaTEASER: When you are hurt... just cry. When you are too much in pain... just smile. When you fall in love with someone who hurt you... don't cry, it's your choice then... just smile... give your most beautiful SADDEST SMILE. A/N: COMPLETED Cover mad...