Extra #2: His chance... her chance... their happiness

141K 2.9K 353
                                    

Extra #2: His chance... her chance... their happiness


NANGINGINIG siya sa takot habang sinasangga ang baston ng lola niya at iwasang hindi tumama iyon sa katawan. Hindi siya pwedeng umiwas dahil kapag ginawa niya iyon ay mas lalo siyang mapapahamak kaya hindi nalang siya umimik.

"Sinabi ko ng huwag kang pumunta sa batang iyon, ilang beses ko na bang sinasabi sa iyo na mapapahamak ka kapag nakipagkaibigan ka. Dapat hindi ka makikipagkaibigan sa kung sino, gagamitin mo lang ang makakasalamuha mo at hindi kakaibiganin." Hindi pa rin siya umimik, bawal siyang umiyak kapag umiyak siya magagalit ito at baka hindi na naman siya makalabas sa silid niya.

"Sorry po lola." Hingi niya ng paumanhin dito. Isang malakas na hampas sa braso niya at tinigilan na siya nito sa wakas.

"Pumasok ka sa silid mo at hindi ka lalabas hangga't hindi ko sinasabi, hindi ka pwedeng kumain parusa mo iyan sa pagsuway sa gusto ko."

"Opo lola." Agad siyang pumasok sa silid niya, hindi niya binuksan ang ilaw dahil masakit sa mata. Umupo lang siya sa tabi ng kanyang kama at isinubsob ang mukha sa kanyang pinagdikit na tuhod. Nakamasid lang siya sa madilim na silid niya at iniisip kung bakit napagalitan siya. Gusto lang naman niyang ibigay ang gift kay Monique hindi niya pwedeng ibreak ang promise niya sa ninong niya. Dapat ay taon-taon ibibigay niya iyon, he promised. Galit siya kay Monique dahil kung hindi dahil dito hindi maaaksidente ang ninong niya pero mas galit siya sa sarili niya dahil nandoon siya pero hindi niya nagawang iligtas ang kanyang ninong, his savior.

Naisip niya, bakit niya ibibigay ang mga snow globes na iyon sa batang iyon at masaktan lang kung pwede naman niyang itago? Ibinibigay niya iyon dahil nakita niya kung paano kumislap ang mga mata nito sa tuwing tinititigan nito ang mga snow globes at nakikita niya ang ninong niya dito, nakikita niya ang ngiti ng ninong niya sa mukha ng batang iyon. Dalawa nalang ang natitirang snow globe, pagkatapos niyang ibigay ang dalawang globe na iyon pwede na siguro siyang tumigil. Ayaw na niyang makita ito bahala na tama na siguro iyon.

Kaso hindi nangyari ang gusto niya, umalis siya ng ilang taon para mag-aral sa ibang bansa kahit papaano ay nakalayo siya sa kamay ng kanyang lola pero dahil nandoon ang mga galamay nito kaya para pa rin siyang nababantayan ng lola niya. Nakauwi lang siya ng mabalitaan na namatay ito. Masama mang isipin pero nakaramdam siya ng saya at ginhawa, para bang may nawalang posas sa kamay niya. Nawala ang lola niya, umalis na rin ang mga tauhan nito pero nag-iwan ito ng panibagong kulungan sa kanya.

Ayaw niyang patakbuhin ang kompanyang iyon, hindi iyon sa kanya. Iba ang gusto niya kaya lang kapag pinabayaan niya iyon ay marami ang mawawalan ng trabaho. Marami ang mapapahamak, his grandmother trained him to be cold-hearted and businessminded monster. Dapat hindi siya marunong maawa pero anak siya ng kanyang ina, his mother has the kindest heart. Umuwi siya pero hindi niya tinapos ang pagbibigay ng mga regalo tuwing kaarawan ni Monique. Kailangan din niya ng pera kaya kailangan niyang magtrabaho, at ang kapatid niya. Nalaman niya ang nangyari dito, mas lalo siyang nakaramdam ng galit para kay Monique dahil nasira ang buhay nito dahil sa babaeng iyon... pero bakit ganoon kahit gustuhin niyang magalit dito hindi niya magawa. Dahil wala naman itong kasalanan.

Nakausap na niya si Marie, naaawa siya dito pero nangyari na ang nangyari, hindi na pwedeng maibabalik ang nakaraan. Kailangan niyang alagaan ito at ibigay ang lahat ng gusto nito, gusto niyang bumawi sa lahat. Kung dumating lang siguro siya ng mas maaga baka sakaling nagbago ang lahat.

Ayaw niyang masaktan si Marie kaya ginagawa niya ang lahat ng gusto nito, gusto itong pahirapan si Monique at kahit na ayaw niya ay wala siyang magagawa. Kailangan niyang bumawi, kailangan niyang alaagaan ito lalo pa at may sakit ito sa puso. Mas matanda siya dito at ngayon ito nalang ang nag-iisang pamilya na meron siya.

ZBS#8: Indigo Ladybug's Saddest Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon