Chapter Seven
Malakas siyang napabuntong-hininga habang nakatitig sa plane ticket na nakaipit sa kanyang passport, ipinadala ni Hexel sa kanya ang ticket na iyon she wants her out of the country. Sa totoo lang hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niyang umalis, umiiwas na naman siya pero bakit kailangan pa niyang umalis? Ayaw niyang umalis kasi maiiwan ang mga trabaho niyang nakatengga dito.
"Ate Monique." Untag ni Ross na adopted cousin ni Hexel at ang nawawalang kapatid ni Diana Rose. "Pinapasabi ni ate Hexel na kahit anong oras ay pwede na kayong umalis."
"Salamat Ross tatawagan ko lang si Hexel." Isang kiyemeng ngiti ang ibinigay niya dito, pagkatapos nilang mag-usap ay agad itong umalis kaya naiwan siya sa Little Devils. Dahil wala naman doon si Crischelle dahil abala pa si Caleb sa panunuyo sa bahay nito kaya umalis na rin siya. Balak sana niyang magliwaliw sa buong Reeze Business Park at balak din sana niyang puntahan si Georgette dahil alam niya ay may problema din ito pero inaayos naman nito.
Mabuti pa ang mga kaibigan niya iyong mga problema nila may solusyon habang siya naman ay wala, hindi niya alam kung bakit hindi niya maayos-ayos ang gusot sa pamilya niya. Wala namang gusot eh, talagang may sira nalang talaga at iyong crack nandoon pa rin ang mga lines kaya ang hirap buuing muli.
Muli niyang tinitigan ang plane ticket at passport niya, siguro ito ang tama, siguro kailangan na niyang umalis at magpakalayo-layo para naman magkaroon ng maayos na buhay ang mga taong nasira niya. Hindi pa lang niya alam kung kailan pero aalis din siya, she's waiting for the right signs. Nagring ang cellphone niya at isang malakas na singhap ang nagawa niya ng mabasa niya ang nakaregister sa phone niya kaya agad niya iyong sinagot.
"Mommy?" excited na sagot niya sa tawag nito.
"Niq, umuwi ka sa bahay ngayong gabi may importanteng announcement ang ate mo-." Biglang nawala ang mommy niya sa linya pero naka-on pa rin ang call kaya pinakinggan niya ang ingay sa kabilang linya.
"Mom, I bought some wine for you."
Nang marinig niya ang boses ng ate Marie niya ay naputol rin ang tawag ng mommy niya sa kanya, alam ng ate niya na hindi pwedeng uminom ang mommy niya dahil alcoholic na ito ilang beses na rin niyang tinangkang kausapin ang kapatid niya sa bagay na iyon dahil masama iyon sa lagay ng mommy niya. Okay lang naman siyang masaktan ng mga ito huwag lang mapahamak ang mommy niya, she still loves her mother very much.
"Ano kaya ang i-aannounce nila?" takang tanong din niya. Her phone beep again this time text message na siya galing sa mommy niya. 'Hindi mo na kailangang pumunta pa sa bahay it's a family affair.
"Okay." tanging sabi lang niya hindi rin naman niya ini-expect iyon baka nakainom lang ang mommy niya at natawagan siya nito kasi binangungot natawa nalang siya sa kanyang naisip at umuwi na muna siya at saka niya nadatnan si Georgette doon, nakapasok na ito sa loob ng bahay niya hindi na siya magtataka kung paano dahil kahit may susi pa iyan o wala basta si Gette ang makakaisip ng paraan ay effective na effective. Umiinom na nga ito ng tsaa.
"Ang tagal mo naman." Reklamo nito.
"Sorry naman may pinuntahan lang ako." Ibinaba niya ang folder na ibinigay sa kanya ni Ross ng biglang kunin iyon ni Georgette, hindi na rin niya pinigilan dahil nasa bag na naman niya ang ticket niya. Wala siyang balak na ipaalam sa mga kaibigan sa ngayon ang balak niyang pagsunod kay Hexel gusto niyang malaman ng mga ito kapag nandoon na siya.
BINABASA MO ANG
ZBS#8: Indigo Ladybug's Saddest Smile (COMPLETED)
Historia CortaTEASER: When you are hurt... just cry. When you are too much in pain... just smile. When you fall in love with someone who hurt you... don't cry, it's your choice then... just smile... give your most beautiful SADDEST SMILE. A/N: COMPLETED Cover mad...