Nakatulalang nakatitig si Alexis habang nakaupo at nag aantay ng resulta sa kaniyang ama.
Halo-halong emosyon ang kaniyang nararamdaman sa panahon na iyon, hindi siya mapakali at naglalakad pabalik balik habang hinihintay niyang matapos ang operasyon.
"Alexis!" napalingon siya at bumungad sa kaniya ang kaniyang ina at kapatid na babae at makikita sa kanilang mukha ang takot at pag-alala.
"Mom! Ate! Si Dad! He's still in the operating room," aniya sabay yakap sa kaniyang ina at hindi niya mapigilan na mapahagulhol.
"Don't worry, nothing will happen to your Dad, okay?" sagot ng kaniyang ina habang patuloy siya nitong tinatahan.
Bigla namang bumukas ang pinto sa operating room at lumabas ang doktor na nag opera sa kaniyang ama.
"Doc, how is my husband?" tanong ng kaniyang ina sa doktor.
"He's safe for now, kung hindi naagapan kaagad ay maaring nabawian na siya ng buhay. As a result of the accident, he suffered from a traumatic brain injury. He's still in coma as of now and the possibility of waking up is not that high, so brace yourselfs of what will happen," aniya ng doktor.
Biglang nanghina ang katawan ng kaniyang ina at muntik na itong matumba, kaagad naman nila itong naalalayan at pansamantalang pinaupo.
"We will now transfer your husband in the ICU to further observe his condition," dagdag pa nito.Tanging tango na lang ang kanilang nasagot at ito'y umalis na para asikasukin ang kanilang ama. Napaiyak na lang ito habang yakap ang kaniyang ina at kapatid.
"Shhh.. tahan na Baby Sister, Dad will wake up, Okay?" aniya ng kaniyang kapatid na si Stela. Mukha man itong kalmado pero alam niya na pati ang kaniyang kapatid ay sobrang nag-aalala sa kalagayan ng kanilang ama.
"Yeah, si Dad pa! Malakas yun, I know he will wake up!" masigla niyang sagot habang may luha pa sa kaniyang mukha.
"Punasan mo na iyang mukha mo! Napupuno na ng luha! Ang pangit mo na tuloy!" sabi nito sabay bigay ng wipes.
Napatawa naman ang kanilang Ina sa kanilang kakulitan, kahit na mabigat ang kanilang pinagdadaanan ngayon ay kahit papano ay kaya pa rin nilang ngumiti at mag biro sa isa't-isa.
"I should go now to pay the bills girls," sabi ng kaniyang Ina sabay tayo nito.
Nag-aalala namang tumingin si Alexix at Stela sa kanilang Ina at inalalayan nila ito sa pangangamba na ito'y matumba ulit.
"I'm okay now just wait for me in the waiting area," aniya ng kanilang Ina.
Wala silang nagawa kundi ang tumango na lang at naglakad patungo sa waiting area para antayin ang kanilang Ina na kasalukuyang nagbabayad ng bills.
Habang nag aantay sa waiting area, sinubukang tawagan ni Alexis ang kaniyang boyfriend na si christian ngunit hindi ito makontact.
Sinubukan niya ulit itong tawagan ngunit tanging tunog lang ng service ang kaniyang naririnig."Are you calling Christian?" tanong ng nakakunot noong kapatid na si Stela.
Hindi man sinasabi ng kaniyang Ate pero ramdam niya na ayaw nito sa boyfriend niya.
Pati ang kaniyang Ama ay ayaw din nito maging boyfriend si Christian. Tumango at ngumiti lang siya habang sinusubukan pa rin itong tawagan.
"If he won't answer, puntahan mo na lang baka may ginagawa lang kaya hindi ka masagot," makahulugan nitong sabi kay Alexis.
Si Alexis naman tuloy ang napakunot noo sa sinabi ng kaniyang Ate, tila may pinapahiwatig sa kaniya tungkol sa kaniyang boyfriend na si Christian. Hindi niya na ito inisip pa at napagdesisyonan niya na lang na puntahan ito, nagpaalam na lang siya sa kaniyang Ate.
BINABASA MO ANG
COUNTERATTACK (EDITING)
ActionShe was devastated to learn her lover cheated on her with her best friend. They made her laughing stock in front of the people who knew them. She, who is only loyal to him was betrayed just because of her naivety of being kind to everyone. Seeing he...