Chapter 4

3.6K 103 2
                                    

'What a b*tch!'

'Why did I even idolize this girl?'

'Ngayon tahimik ka kase nabunyag na ang tunay mong ugali!' 

'I'm dissapointed!'

'Mana nga sa tatay at nanay niya!'

'Baka nga nag-nakaw din yan!'

Iilan lang iyan sa mga nakakasakit na komento sa social media kay Alexis. Wala mang pakialam si Alexis sa mga opinyon ng mga tao tungkol sa kaniya, pero hindi niya mapapalagpas na pinapalabas siyang masama ni Aishe. At dahil sa panggagago ni Aishe ay mas lalo lang lumalala ang sitwasyon ng kaniyang mga magulang. 

Hindi niya ito mapapatawad at lalo na ang tatay ni Christian na si Charles Lopez. Tinawagan na siya ni Stela na inaasikaso na nito ang kaso tungkol sa kanilang magulang at ang fake news na ginawa ni Aishe. Ayaw man niyang manatili at mag-antay ng relsta ay wala naman siyang magagawa, at baka mas lalo lang lumala pag pinilit niya pa ang sarili niya na ma-involved sa kaso. 

Napabuntong hininga na lang si Alexis, mas nadadagdagan lang ang kaniyang stress sa pananatili sa bahay lalo na at wala naman siyang masyadong ginagawa kundi ang mag-basa ng mga comments ng mga netizens tungkol sa isyu niya at ng kaniyang magulang. Sinubukan niya ring tawagan ang mga maimpluwensiya niyang mga kaibigan pero hindi man lang siya nito sinasagot. Tanging si Nathalia lang mismo ang nakakausap niya bukod sa kaniyang kapatid na si Stela. 

At nag-aalala na siya sa kapatid niya dahil napapansin niya sa boses nito ang pagod sa ilang araw nitong pag-aasikaso nito sa kaso ng kaniyang magulang at hindi makatulog ng maayos. 

"You know, why don't you go on vacation with me?" tanong ni Nathalia kay Alexis.

"No, I don't have time for that and besides how can I escape this paparazzi?" kaswal niyang sagot kay Nathalia. Napasimangot naman ito sa naging sagot niya.

"Urggg, I wish I could go there in your place," sabi nito na ikinangiti naman ni Alexis.

"I'm really thankful to you," sabi ni Alexis kay Nathalia na siyang nagpataas ng kanang kilay nito.

"Why are you thanking me?" mataray nitong tanong.

"Because your the only friend that stay with me even though all of them abandoned me," malaungkot niyang sabi, napatahimik naman ito.

"You don't need them, if they're really your friends then they will help you when you're in the middle of a crisis just like now," masisin nitong sabi kay Alexis. "And besides, I don't really like them cause they only leach out on us cause of our richness and popularity just like that b*cth," dagdag pa ni Nathalia na agad namang nagpapangit sa mood ni Alexis.

"Once this all done, I will take my revenge on her and Christian!" malamig niyang sabi. Hindi nag-bibiro si Alexis ng sabihin niya ito dahil gagawin niya ito sa oras na malinis ang kanilang pangalan. 

"We'll just wait a little longer, maybe next week it will be resolve," pag-aasure ni Nathalia na sinang-ayunan naman ni Alexis.

Ngunit ang paghihintay ni Alexis na meresolba ang isyu tungkol sa kaniya at sa magulang ay mas lalo lang nawalan ng pag-asa dahil kinabukasan ay ibinalita ng kaniyang kapatid na si Stela na ang kanilang kompanya ay pabagsak na. Dahil nag si atrasan ang mga investor at mas pinili nitong mag invest sa kompanya ng mga Lopez. 

"They said that they will only loss their investment if they're going to continue to invest in the company," kalmadong sabi ni Stela pero alam ni Alexix na pati ito ay  galit na pero pinigilan lang ang sarili upang makapag-isip ng maayos. 

COUNTERATTACK (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon