Chapter 1

5.1K 152 1
                                    

Gabi na bago napagpasiyahang umuwi ni Alexis sa kanilang bahay, at kahit papaano ay medyo gumaan ang kaniyang pakiramdam. Pero hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang ginawang pangloloko ni Christian sa kaniya. Ang limang taong pagsasama nila ay tila nawala na parang bula dahil sa isang pagkakamali. 

Minahal niya ito ng todo at ni kahit minsan hindi niya naisipan na pagtaksilan ito. Kay Christian lang umikot ang kaniyang mundo at kahit pagod na siya galing sa trabaho ay may nilalaan pa rin siyang oras para dito. 

Pagpasok niya sa bahay ay bumungad sa harapan ni Alexis ang picture frame ng kaniyang pamilya. Malungkot niyang tinitigan ang larawan nilang pamilya. Ang Ama niya na si Alexander Guilleno ay seryosong nakaupo habang nakaharap sa camera, ito may strikto pagdating sa kanila ng kaniyang kapatid ay napakahusay naman nitong mamalakad ng kanilang kompanya. Laki sa hirap ang kaniyang Ama at dahil sa pagpursigi nito at hindi pagsuko, ang kaniyang maliit na business ay simulang lumago at ngayo'y isa na sa mga kilalang companya sa syudad nila. 

Ang Ina niya naman na si Sandra Guilleno ay nag-iisang anak ng mayamang pamilya sa Laguna. Ng makilala niya si Alexander ay agad na nahulog ang loob nito at ganoon rin si Alexander. Pero sa panahon na iyon ay may balak ng ipakasal si Sandra sa ibang mayaman rin na pamilya na kaagad namang tinutulan ng dalaga, ito rin ang isa sa mga rason na nagbigay ng motibo kay Alexander. Sahuli ay walang nagawa ang pamilya ni Sandra ng makitang kaya siyang panagutan ni ALexander.

Ang ate niya naman na si Stela Guilleno ay isang sikat na modelo, maraming nagkakagusto sa kaniyang ate na mga young bachelors at nagpoprose sa kaniya pero tinanggihan ito sa kadahilanang wala siyang nararamdaman na kahit ano sa mga lalaking ito. 

Napabaling naman ang tingin niya sa kaniyang itsura sa larawan. Mas bata pa siya dito, at naalala niya noong nasa high school pa siya na may tawag sa kaniya bilang  'Campus Crush' dahil sa maamo at palangiti niyang mukha. Maraming nagkakagusto sa kaniya at katulad ng kapatid niya ay binusted niya rin ito. Ang pagkakaiba lang ay naguguilty siya sa tuwing may tinatanggihan. 

Bigla namang tumunog ang kaniyang cellphone na nagpabalik sa kaniya sa realidad, naglakad siya papunta sa kwarto niya. Tinignan niya kung sino ang caller at napakunot noo siya ng makita ang caller na si Nathalia, isa sa mga naging kaibigan niya noong college. Nagkakilala sila ni Nathalia noong first year college pa sila at kahit medyo may pagka-attitude ay naging magkaibigan pa rin sila dahil isa si Nathalia sa mga tumutulong sa kaniya sa tuwing nagkakaproblema sila ni Christian. 

At katulad ng kapatid at Ama niya hindi rin niya gusto si Christian para sa kaniya, tinanong niya kung bakit ayaw niya kay Christian at ang isinagot lang sa kaniya ng kaibigan niya ay "Women intuition," aniya nito sa kaniya.

Pinindot niya naman ang green button at ang unang narinig niya sa bibig ng kaniyang kaibigan ay malutong na salita.

"Bitch! Where the f*ck have you been?!" pasigaw nitong tanong sa kaniya. Napalayo bigla ni Alexis ang phone sa kaniyang tenga at napangiwi ng marinig ang boses nito.

"Why are calling me at this hour?" naiiritang tanong niya sa kaibigan. Nahalata naman ng kaniyang kaibigay ang pagka-asar niya kaya hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa at sinabi na niya ang kaniyang intensiyon.

"Open your tw*tter! ASAP!" saad nito. Mas lalong kumunot ang noo ni Alexis sa itinugon ng kaniyang kaibigan. 

"Why? Ano ba meron?" nakakunot noo niyang tanong.

"Just open it! Got d*mn it Alexis!" galit nitong saad sa kaniya. Nagtataka naman sa inasal ng kaniyang kaibigan ay hindi niya na ito tinanong at binuksan ang kaniyang tw*tter acc. 

Biglang nanlaki ang kaniyang mata pagbukas niya ng kaniyang account. Hindi siya makapaniwala sa mga nababasa niya. Biglang namutla ang kaniyang maamong mukha ng mabasa niya ang isang article patungkol sa kaniyang Ama!

'Headline News!- Mr. Alexander Guellino Extorting Money from his Clients!'

COUNTERATTACK (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon