Chapter 7

2.6K 80 0
                                    

Napilitan na mapaupo si Christian sa harap ng hapag kainan kasama si Aishe. At kahit ayaw niya itong makita ay wala siyang magagawa.

Habang kumakain ay hindi na pinansin ni Christian si Aishe na siyang nagpasakit ng damdamin ni Aishe.

"Christian," tawag ni Aishe kay Christian. Tinitigan lang ng masama ni Christian si Aishe.

"Are you happy now?!" galit na saad ni Christian. Nasasaktan naman siyang tinitigan ni Aishe.

"Remember this Aishe, kahit maging asawa kita! Hinding-hindi kita mamahalin!" dagdag pa ni Christian sabay alis sa lamesa.

"W-wait!" tawag ulit ni Aishe pero hindi na siya nilingon ni Christian.

Napakumot naman ng mga kamay si Aishe dahil sa galit at sobrang selos niya kay Alexis. Galit na nagmartsa siya patungo sa kwarto niya.

"Narinig mo ba? Dahil sa kaniya nag-hiwalay daw si Sir Christian at Ma'am Alexis," saad ng isang katulong sa isa pang katulong.

Narinig ito ni Aishe at hindi niya mapigilan na magdilim ang mukha.

"Shhh, wag mo na yang pag-usapan! Baka mahuli pa tayo!" pananaway ng kausap niya.

"Ehh, diba totoo naman?" saad pa rin ng katulong.

Naglakad patungo si Aishe sa likod ng katulong at nakita siya nito ng kausap. Nanlaki ang mga mata nito at kaagad nagpanic.

"Kung hindi dahil sa babaeng yun! Edi sana si Sir Christian pa rin at Ma'am Alexis!" galit nitong saad.

"Ohh, bat ka napatahimik?" nakakunot niyang tanong sa kausap pero hindi siya nito sinagot bagkus ay takot na tumungin sa likod niya.

Kaagad naman nanlaki ang mga mata ng katulong at dali-daling lumingon at bumungad sa kaniya ang isang malakas na sampal.

"Is this how you treat your employer!?" galit na saad ni Aishe.

"I am now your madam! Not that woman!" galit niya pang sabi sabay pinaghihila ang buhok nito.

Napahiyaw naman ang katulong sa sobrang sakit ng pagkakahila sa buhok niya. Gusto sanang awatin ng kausap na katulong pero binantaan lang siya ni Aishe.

"Ano?! Gusto mo rin maging ganto?!" galit na saad ni Aishe sa isang katulong.

Walang nagawa ang katulong kundi ang titigan ang kasama niya na hinihila ang buhok nito.

"How dare you insult me!? You are just a maid!" patuloy na panghihila ni Aishe sa buhok.

Hindi nakatiis ang kasamang katulong at dali-daling naglakad patungo sa kwarto ni Christian.

"Sir! Sir!" nagpapanic niya na tawag kay Christian habang kumakatok ng marahas sa pinto. Agad naman itong binuksan ni Christian.

""What!?" asar na sagot ni Christian.

"Si A-Ma'am Aishe po....," hindi na natapos masabi ng katulong dahil rinig na rinig ang sigawan mula sa baba.

Agad namang bumaba si Christian at bumungad sa kaniya ang katulong na sinasabunutan ni Aishe.

"What the hell are you doing?!" galit na saad ni Christian at agad na hiniwalay si Aishe sa kawawang katulong.

"Let me go! That bitch insult me!" galit na saad ni Aishe.

"S-sir, d-di ko po s-sinasadya," naiiyak na sabi ng kawawang katulong.

"You! At ngayon nagpapavictim ka!?" hindi makapaniwalang saad ni Aishe sa kawawang katulong.

"You shut up!" galit na saad ni Christian at agad namang napatikom ng bibig si Aishe.

"It's alright, clara get her treated," utos ni Christian sa katulong.

COUNTERATTACK (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon