Chapter 3

4K 131 0
                                    

"Let me go!" sigaw ni Christian habang hawak pa rin siya sa magkabilang braso. Habang nag-sisigaw ay hindi niya nakita ang isang pigura na nag-aantay sa labas ng pintuan.

Nag-aalalang nakatingin si Aishe kay Christian na hanggang ngayon ay nagpupumilit umalis sa mga hawak ng bodyguard.

Nakasuot siya ng isang floral dress, at kakagaling lang mamili ng mga gamit para sa titirhan niya. Ng malaman niya na titira sila sa isang bahay ni Christian ay hindi niya mapigilan na mapangiti at excited na bumili ng mga kagamitan. At mas lalo lang nagningning ang kaniyang mga mata ng makita si Christian na buhat ng dalawang bodyguard. Nag-aalala lang siya na baka ito'y masaktan sa pag rerebelde nito.

Hindi namalayan ni Christian na nasa harap na siya ng magiging tirahan niya at ang isang taong naka-antay sa kaniya. Agad siyang pinapasok nito sa pintuan at isinara ang pinto. Malakas naman itong hinampas ni Christian ng hindi niya ito mabuksan dahil nilock ito sa labas.

"D*mn! Palabasin niyo ako dito!" galit niyang sigaw habang hinahampas ang pinto.

Pero hindi siya pinakinggan nito na siyang mas kinagalit ni Christian. Natatakot man ay lakas loob na nilapitan ni Aishe si Christian.

"C-christian..," tawag niya kay Christian na agad namang ikinalingon nito sa kaniya. Dumilim lang ang paningin ni Christian ng makita si Aishe. Agad niyang nilapitan si Aishe at sinakal ito ng mahigpit.

"This all your fault! What kind of way did you convince my father!? Huh! Answer me!" galit niyang sabi habang sinasakal pa rin ito.

"C-christian b-bitiwan m-mo ako," naiiyak na pagmamakaawa ni Aishe. Hindi siya makahinga ng maayos dahil sa higpit ng pagkakasakal ni Christian sa kaniya.

"Ahhh, I have an idea, you seduce my father to do this! Hindi na ako mag tataka kung bakit ito pumayag na i engaged ako sa'yo!" napapatangong saad ni Christian at binitawan ang pagkakasakal kay Aishe. Agad namang napaupo at napaubo ng malakas si Aishe.

"Don't talk to me, and don't even dare to come near me! Your disgusting! You whore!" galit na sabi ni Christian at padabog na nagmartsa papunta sa isang kwarto.

Naiiyak naman si Aishe sa naging trato sa kaniya ni Christian. Pero hindi siya susuko, gagawin niya ang lahat mahalin lang siya nito. Agad lang nagngingit ang kaniyang magandang mukha ng maalala ang rason kung bakit galit si Christian sa kaniya. 'Humanda ka sa akin Alexis! Kasalanan mo itong lahat!' aniya sa sarili. At may biglang idea na naman siyang naisip, napangisi naman siya sa kaniyang plano.

Dahil hindi pa rin makalabas si Alexis sa kanilang bahay ay bored na bored siyang nakahiga habang nakikinig ng music. Sa ganitong paraan ay mas lalo siyang narerelax at iniisip ang mga hakbang na kailangan niyang gawin.

At dahil nag tatrabaho siya as a manager ng isang branch hitel ng kaniyang pamilya ay agad siyang inadvisan ng kanyang ate Stela na wag muna pumasok. Sinunod naman niya ito at hinayaan na may pumalit muna pansamantala sa naiwan niyang trabaho.

"Ma'am!" malakas na katok ng kaniyang katulong na si Mary habang tinatawag siya nito. Agad namang napabangon si Alexis at binuksan ang pinto.

"What's wrong mary?" nakakunot noo niyang tanong.

"Ma'am binabalita ka po sa TV!" nagpapanic nitong saad. Nagulat naman siya sa sinabi nito at agad na tumakbo papunta sa sala.

Nanlaki ang kaniyang mata ng makita niya si Aishe, may mga pasa ito sa mukha at leeg patinna rin sa kaliwang braso.

"Matagal na a-akong m-minamaltrato ni A-Alexis Guilenno," sabi nito at umiiyak habang nakalive sa isang social media. Iniinterview ito ngayon ng isang tv networks at halos andaming nanonood.

"What the h*ll is she saying!?" galit na saad ni Alexis habang pinapanood si Aishe sa tv.

"Is that really true? Ms. Cruz?" tanong ng tv host kay Aishe na tila hindi makapaniwala sa mga naririnig.

"Yes.. at nakikita niyo naman andami kong pasa," umiiyak na sabi ni Aishe habang pinapakita nito ang kaniyang mga pasa na hindi naman si Alexis ang may gawa.

Nasisigurado niya na tanging hila lang sa buhok ni Aishe ang kanyang nagawa dito at ni minsan ay hindi niya ito minaltrato.

"Why did she did this to you?" nag-aalalang tanong ng tv host kay Aishe. Matagal bago nakasagot si Aishe at nahalata niya ang peke nitong pag-iyak.

"O-obviously c-cause s-she feel i-inferior towards m-me," utal nitong sagot habang umaaktong umiiyak.

Muntik ng matapunan ni Alexis ang tv sa mga walang katotohanang pinagsasabi ng dating kaibigan. Hindi siya makapaniwala na naging kaibigan niya ito. 'What a b*tch!' aniya sa sarili.

Dali-dali niyang dinial ang number ng kaniyang kapatid. Ilang sandali rin ay sinagot ito.

"I'm going to kill that b*tch!" sigaw ni Stela sa kabilang linya.

"Do you have any idea why is she doing this to me?" seryosong tanong ni Alexis sa kapatid niya. Kaya niya ito tinawagan dahil may kutob siya na ang kaniyang Ate Stela ay may alam tungkol kay Aishe. Hindi nakasagot si Stela kaagad, nag dadalawang isip kung aamin ba siya dito. Pero sa huli ay sinabi niya pa rin dahil alam niya ang ugali ng kaniyang kapatid. Hindi siya nito titigilan hangga't hindi niya sinasabi lahat ng nalalaman niya.

At mas mabuti na rin na iamin niya ang lahat ng mga masasamang ginawa nito na hindi man lang namamalayan ni Alexis.

"My god," aniya ni Alexis dahil hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya tungkol kay Aishe. "She's crazy!" galit niyang saad.

"And she's also obsessed in surpassing you," dagdag ni Stela. Natahimik bigla si Alexis, dahil may napagtanto siya. Tinatanong ang sarili kung bakit nag bulag-bulagan siya sa mga kakaibang ikinikilos nito sa tuwing magkasama sila. Ang peke nitong pagngiti at galit na tingin nito sa tuwing tinititigan siya pag kinakausap niya ito.

Napapikit at napabuntong hininga na lang siya. Huli na ang lahat na malaman niya pa ang masamang ugali nito dahil kitang-kitang niya na ngayon kung paano siya nito siraan gamit ang media.

Hindi niya matanggap na ang tinuring niyang kapatid ay kaya siyang gawan ng masama at ang mas malala ang agawin ang boyfriend niya. Hindi niya namalayan na pumapatak na pala ang kaniyang luha. Nabalik lang siya sa realidad ng tawagin siya ulit ni Stela.

"You should be lowkey for now, don't go out," sabi nito kay Alexis. "We will hire a lawyer to press a charge on that b*tch! Don't worry okay?" dagdag pa nito.

Tanging mahabang hmmm lang ang naisagit ni Alexis at nagpaalam na gusto muna niya mapag-isa.

Nakatulala siyang nakatingin sa kisame habang pinapatugtug ang music galing sa bluetooth speaker. 'Masama ba akong tao?' tanong niya sa sarili, pero mismong sarili niya ay hindi masagit ang tanong sa sarili.

To be continued~





COUNTERATTACK (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon