Dalawang araw ang lumipas ng tawagan ulit ng representative si Alexis. Sobrang tuwa niya dahil pumayag nitong mga invest sa ginawa niyang business plan.
"Thanky you! You won't be disappointed!" masayang sabi ni Alexis.
"I will call you for the schedule to meet our team to begin this project," magalang na sagot ng representative sa kaniya.
Marami pa silang pinag-usapan bago ito pinatay ang tawag.
Pinaalam niya sa Ate niya ang magandang balita na kaagad namang ikinasaya nito.
At ng makita niyang wala na masyadong tumatambay na reporters sa subdivision nila. Napag desisyunan niya na lumabas para dalawin ang comatose niyang Ama at ang Ina niya sa Ospital.
Ang Ate Stela niya ay aalis muna sandali upang asikasuhin ang naiwang trabaho nito.
Bago lumabas ay sinigurado niya na nakamask siya upang takpan ang kanyang mukha. Mas mabuti ng mag-ingat siya para hindi siya makilala ng mga paparazzi sa labas.
Habang nasa labas ay naisipan niya na bumili ng prutas para sa Ina niya. Sinigurado niya na ang biniling prutas ay hindi bulok.
Lumipas ng isang oras ay nakarating rin si Alexis sa Hospital. Una niyang pinuntahan ang kanyang Ama at na naka comatose pa rin.
Nag-aalala niya itong tinignan mula sa labas. Biglang may luha ang pumatak sa kaniyang maamong mukha.
Kaagad niya naman itong pinahid gamit ang kaniyang kamay at naglakad na papunta kung saan naka-confine ang kaniyang Ina.
Ng makita siya ng kaniyang Ina ay napaiyak ito sa sobrang tuwa. Nahawa naman si Alexis at napaiyak na rin at hindi mapigilan ng kaniyang Ina na yakapin siya ng mahigpit, ganun rin ang ginawa ni Alexis.
"How are you, Mom?" tanong ni Alexis sa Ina habang isa-isang nilalabas ang mga prutas na binili niya.
"I'm doing well, but I'm still worried of your Father," pag-aalala nitong sagot kay Alexis.
Naawa naman siya sa kaniyang Ina dahil sa sobrang pag-aalala nito ay mas lumala lang ang sakit nito. Bigla naman siyang nainis sa taong dahilan kung bakit lumala ang sakit ng kaniyang Ina.
Hindi niya ito mapapatawad, lalong lalo na ang taong may pakana ng pagkakaaksidente ng kaniyang Ama.
At kahit na idineklara ng police na isa lang itong normal na aksidente ay hindi siya naniwala pati ang kaniyang Ina at Ate Stela. Alam niya na sinadya ito at ang una niyang suspek ay ang ama ni Christian na si Charles Lopez.
Hindi niya man alam ang storya kung bakit naging kalaban ito ng kaniyang Ama, ang alam niya lang na malaki ang galit nito sa Ama niya.
At noong naging sila ni Christian ay isa ito sa unang tumutol ng kanilang relasyon. Sa tuwing nakikita siya ni Charles ay masamang tingin lang ang binibigay nito sa kaniya. Inakala naman niya na baka ay iniisip lang nito ang kapakanan nila at sobrang bata pa nila.
Noong una ay hindi niya maintindihan kung bakit ayaw siya ng tatay ni Charles at inintindi na lang ito.
Pero habang tumatagal ay mas lalo lang siyang hindi nagustuhan ni Charles para kay Christian. Umabot pa sa punto na sinasabihan siya ng masasamang salita.
Nalaman ito ng kaniyang Ama at sobrang nagalit ito at muntik ng sugudin si Charles pero pinigilan niya ito at sa tulong na rin ng kaniyang Ina at Ate Stela.
"So how's the company?" tanong ng kaniyang Ina na nag pabalik sa realidad ni Alexis.
Napangiti naman siya at sinabi sa ina ang nangyari sa nagdaang mga araw. Sinimulan niya sa pag sisimulang pagbaba ng sales ng kanilang kompanya hanggang sa nag invest ang isa sa mga pinakakilalang kompanya sa buong bansa.
"Wait? Sullivan? That huge company?" hindi makapaniwalang tanong ng kanyang Ina.
"Yes, mom, I know it's seems impossible but believe me, they are willing to invest to our company," ngiting niyang sabi sa kaniyang Ina.
"Well, I just can't believe that one of the biggest company would have time to invest in our company," overwhelmed na saad ng kaniyang Ina.
Hindi mapigilan na mapatawa si Alexis sa inakto ng kaniyang Ina. Marami pa silang pinag-usapan ng Ina niya at nagpapasalamat siya na hindi sinabi ng Ate Stela niya ang isyu tungkol sa kaniya dahil ayaw niya na mas lalo lang itong mag-alala pa, at hindi niya kakayanin na may mangyari pang masama sa Ina niya.
At sa parehong oras na iyon ay makikita ang isang lalaki sa loob ng opisina nito na seryosong naka-upo sa at nakatingin sa ibinigay ng kaniyang sekretarya.
Ang laman lang naman nito ay ang proposal project na pinadala ni Alexis.
Kung may ibang tao lamang sa loob ng opisina ay tiyak na makakalimutan nilang huminga dahil sa mapanganib na aura nito. Idagdag na rin ang itsura nito na parang gawa ng diyos.
Ang mga mata na kulay asul na pag titigan ng iba ay parang nababasa ang kaluluwa. Ang perpektong matangos nitong ilong at ang mangipis na labi. At ang kilay nitong palaging nakakunot-noo.
Ang lalaki lang naman ang CEO ng Sullivan Company. Ang pinakakilala at mayaman na pamilya sa buong pilipinas. Kahit saang lugar man ay kilala ng mga mamamayan ang pamilyang ito.
At siya ay si Jacob Craig Sullivan, ang itinanhag na 'The Youngest Bachelor of the Year'.
Sa edad na bente-tres ay siya na ang nag take over ng Sullivan Company at sa pamumuno niya ay mas lalo lang itong lumago. Sa loob man o sa labas ng bansa.
At dahil din dito ay maraming mga kompanya ang gustong makipag partnership. Pero mautak si Jacob at itinaggi ang mga pag-iimbita nito.
Marami ring kababaehan ang nagkagusto sa kaniya. Bukod sa mala greek nitong itsura ay habol rin ng mga ito ang yaman niya.
Kaagad tinawag ni Jacob ang kanyang secretary.
"What do you want sir?" magalang na tanong ng kaniyang secretary.
"Send this to the planning team and order them so make suggestions if they want some changes, after that tell the representative to set a meeting together with our team and the Guilleno's company," malamig na utos ni Jacob.
Kaagad naman itong sinunod ng kanyang secretary at kaagad na lumabas dahil hindi niya mapigilan na manerbyos sa tuwing kaharap ang boss na si Jacob.
Ng makalabas na ang kaniyang secretary ay malalim na napabuntong hininga na lang si Jacob. Kinuha niya sa drawer niya ang isang larawan na halatang kinuha ng patago.
Ang malamig niyang tingin ay biglang nanlambot ng makita ang nasa larawan. Ang seryoso nitong awra ay biglang naglaho at hindi niya mapigilan na mapangiti.
"I will see you soon," bulong ni jacob habang nakatingin pa rin sa larawan.
To be continued~
BINABASA MO ANG
COUNTERATTACK (EDITING)
AksiyonShe was devastated to learn her lover cheated on her with her best friend. They made her laughing stock in front of the people who knew them. She, who is only loyal to him was betrayed just because of her naivety of being kind to everyone. Seeing he...