Chapter 5

2.9K 102 0
                                    

"What is your next move Mr. Lopez?" tanong ng kaniyang sekretarya habang siya ay umiinom ng wine at nakatingin sa labas.

"What do you think?" mayabang nitong patanong pabalik sa sekretarya na agad naman nagpatahimik dito.

Hindi sinagot ng sekretarya ang tanong nito dahil alam niyang mainit ang ulo nito ngayon at baka ay maitapon sa kanya ang hawak nito na wineglass kung mali ang kanyang magiging sagot.

Sa dalawang taon niyang pagtatrabaho bilang sekretarya ni Charles ay marami na siyang nalaman tungkol dito. Unang-una ang pangit nitong ugali at ang mainitin nitong ulo.

Ang mga naging sekretarya ni Charles ay wala pang isang linggo ay mas piniling umalis ang humanap ng ibang kompanya dahil sa ugali nito.

At noong in applyan niya ang position na ito ay hindi siya tumigil at umalis sa trabaho niya, kahit na madalas na umuuwi siyang may tapon ang kaniyang suite ng kape o dikayay may pasa.

Minsan rin ay tinataponan ni Charles ang kaniyang sekretarya ng mga baso kaya may panahon na hindi ito nakayanan ng sekretarya at na ospital. Ngunit kahit nakalabas na siya sa Hospital ay pinagpatuloy niya pa rin na magtrabaho.

"Kung wala ka namang maisagot manahimik ka!" galit na sigaw ni Charles sa kaniya na itinango lang ng kanyang sekretarya.

Alam niya ang rason kung bakit mainit ang ulo ni Charles at ang dahilan ay si Alexander Guilleno. Hindi alam ng sekretarya kung bakit sobrang laki ng galit ni Charles kay Mr. Guilleno.

Ang alam niya lang ay isa ito sa mga taong humaharang sa gusto ni Charles na maging pinakauna ang kompanya nito sa syudad.

Ilang beses na nitong sinubukang pabagsakin si Alexander ngunit lahat ng plano ni Charles ay palaging palpak. Pero nabago ito ng may lumapit kay Charles na dalagang babae, kasing edad lang ito ng pangalawang anak ni Alexander.

At simula ng pagdating nito ay tila lahat ng plano ni Charles ay nagkakaroon na ng chansang ipabagsak si Alexander.

At dahil iyon sa tulong ng dalagang babae. Pinaimbestiga ng sekretarya ang dalagang babae at nalaman niya na ito pala ay ang kinikilala matalik na kaibigan ng pangalawang anak ni Alexander na si Alexis. Ang pangalan nito ay si Aishe Cruz.

Hindi nagtagal ay narinig niya itong nag-uusap kasama si Charles sa opisina, at katulad ni Charles ay malaki rin ang galit nito kay Alexis na kaya nitong isabutahi ang kompanya ni Alexis.

Si Aishe pala ang nag bibigay ng impormasyon tungkol sa kalakaran ng mga Guilleno at dahil sa sobrang tiwala ng anak ni Alexander dito ay mas napadali ang pag-bagsak nito.

"Prepare my next meeting," mayabang na utos ni Charles na agad namang sinunod ng sektretarya.

"Mr. Lopez, you have a meeting with the new investors tonight," pormal na sagot ng sekretarya. Tumango lang ito at inutusan na bilhan siya ng pagkain sa labas.

Agad naman itong sinunod ng sekretarya at lumabas para gawin ang iniuutos. Pagkalabas ng sekretarya ay makikita ang paglukot ng mukha ni Charles.

"What a pushover," mapait niyang sabi.

Hindi siya nakuntento sa naging resulta ng pagkakahospital ni Alexander. Ang plano na patayin ito sa pamamagitan ng car accident ay hindi naging matagumpay dahil sa kapalpakan ng kaniyang hinire niya na taohan.

Pero naisip niya na dahil din sa pagkaospital nito ay mabibigyan siya ng maraming oras na pabagsakin ang kompanya nito. Napangisi na lang siya habang iniisip ang susunod na hakbang pag napatumba na niya ang kompanya ni Alexander.

"I can't wait to see you suffer," maligayang bigkas ni Charles habang tinitignan ng parang langgam ang mga tao sa labas ng kaniyang opisina.

Ilang oras ang lumipas at ngayon ay papalabas ng opisina si Charles kasama ang mga bodyguard. Mayabang itong nag-lakad at ang mga empleyado niya ay halatang napipilitang batiin siya pero hindi ito pinansin ni Charles.

COUNTERATTACK (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon