Chapter 7 - Encounter between the boyfriend and the 'concern student'

1.2K 11 3
                                    

-- Chapter 7 --

Napalunok si James. Naiilang din siya sa posisyon nila ni Joyce ngayon. Hindi niya alam kung itatayo niya ba ito o itutulak niya. Paano niya ba dapat ito itrato?! May lalaking lumapit at inagaw mula kay James si Joyce. Si Zac.

"Be careful next time sweetie.." sabay punas sa tuhod ni Joyce. Gulat namang nakatingin si Joyce rito. Hindi niya alam kung mag-eexplain na ba siya kay Zac o aawayin muna si James.

"Who are you to get my girl from me?" tanong ni James. Tumayo siya tsaka hinila si Joyce. Napatingin si Zac kay James sabay hawak niya sa bewang ni Joyce.

"What?! She's mine bro." sabay hila niya pabalik kay Joyce. Naiirita na si Joyce kaya't siya na ang nagsalita.

"Pwede ba! Huwag niyo nga kong gawing barbie doll! Lets go Zac!" hinatak ni Joyce si Zac palayo sa kinatatayuan ni James. Si James na naiwan ay kaagad na rin umalis sa kabilang direksyon.

Inis na inis habang nagdadart si James. Para bang may iba siyang iniisip habang inaasinta ang dart board. Dumating na si Kuya Santi at nadatnan niyang nagkakaganun si James.

"Having a bad day?!" tanong niya rito pero hindi pa rin siya pinapansin. Matagal nang ganito ang magkapatid. Simula nang halos magkahiwa-hiwalay sila ay para na rin silang hindi magkakapamilya. Si Ate Shine, ang panganay, ay nagmamanage na ng isang restaurant sa Australia. Kinokontak sila nito pero minsanan lang. Nung umuwi ito, 3 years ago na masyado daw busy sa restaurant kaya di na magawang makauwi. Ang mommy nila ay busy rin sa company na naiwanan ng Daddy nila. Minsan lang din makauwi dahil madalas ay sa office na natutulog. Simula nang mawala ang Daddy nila James ay nagkaganun na ang buhay nila. "Bro, tayo na nga lang ang madalas magkaabutan dito sa bahay, di pa ba tayo magkakaayos?"

"Bakit? Sino ba nagsimula nang lahat ng ito? Ikaw diba? Nasira na ang relasyon natin simula nang ako ang sinisi mo sa pagkawala ni Daddy!" natahimik bigla si Santi.

"Hanggang ngayon pala.. iniisip mo pa rin yan?"

"Oo! Kasi! Nung araw na yun ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko! You know what is worse? Yung ipamukha sayo ng sarili mong pamilya na kasalanan ko ang nangyari!" sabay akyat nito sa kwarto niya. Naiwan namang mag-isa si Santi sa baba.

Pinuntahan ni Bien si Joyce sa bahay nito nang mabalitaan niya ang nangyari nung hapon na yun. Umakyat siya sa may bubong kung saan parating nakatambay si Joyce.

"Huhulaan ko.. may iintriga ka na naman sakin.." sambit ni Joyce habang pinapanuod ang mga bituin.

"Kung diretso mo ng sinabi, eh di sana di ka na nanghula?" sagot ni Bien.

"Nothing good happened today.. kaya kung tatanungin mo ko, wala kang mapapala sakin."

"Ikaw lang ang nagsabing hindi 'good' ang pag-agawa ng dalawang lalaki! Haba ng hair ng bestfriend ko! Ikaw na talaga yan beb!"

"Beeeeb! Kung alam mo lang! Hanggang sa ihatid ako ni Zac, hindi niya ko kinibo!"

"Wow! Bago yan!"

"Bienice naman eh!" Tuwang-tuwa si Bien na tinatawag siya ng bestfriend niya sa buong pangalan nito.

"Sa totoo lang, frustrating nga yan.. di mo alam kung nag-aalala ka ba talagang nagseselos siya o nag-aalala ka sa iniisip ni James na may boyfriend ka pala.." seryosong sagot ni Bien. Natahimik naman si Joyce. Basang-basa na siya ng kaibigan. Pero di niya alam kung saan nanggaling ang tungkol kay James.. hindi na lang siya sumagot. "Confuse ka pa.. Eh kasi ayaw mong mawala yung taong nagpapahalaga sayo. Pero ayaw mo ring magtake risk sa isang taong di ka naman sigurado."

Love AffirmationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon