Chapter 26 - My fault

891 12 6
                                    

-- Chapter 26 --

Sobrang nag-aalala na si Kris. Hindi pa rin kasi nila mahanap si Joyce sa kahit saan sa campus. Napaupo na lang siya tsaka pinagsisipa ang puno.

"Kris! Walang magagawa yang pang-aaway mo sa puno!" awat ni Harold sa kanya.

"Bro where is she?! Kasalanan ko to eh! I should have tried finding her nung kausap ko palang siya sa telepono." sisi nito sa sarili.

"You are overreacting dude! Baka naman nakabalik na siya sa backstage. Bumalik na rin tayo dun and explain yourself to Ms. Dizon." payo ni Harold. Pabalik na sila nang magring ang phone ni Kris. It's his older brother, Santi. Naiinis pa niyang sinagot ito. Nabigla siya nang sabihin nitong kasalukuyang nasa hospital si Joyce sa di niya pa malamang dahilan. Sinabihan siya ng Kuya niya na pumunta na agad ng hospital.

Tinawagan ni Kris si Dexel para sabihin rito kung nasaan si Joyce. Sabay sabay na rin silang pumunta ng hospital. Sinabihan rin niya ito na tawagan ang Tita ni Joyce para pumunta rin ito roon. Kaagad nilang nahanap si Santi na tila kakaiyak lang dahilan para lalong mag-alala sila Kris.

"Where's Joyce? What happened to her?" nag-aalalang tanong ni Kris sa kuya niya.

"She's resting. Sabi ng doctor, kailangan niya munang magstay dito for few days." sagot ni Santi.

"Why? Ano ba talagang nangyari sa kanya?" muling tanong ni Kris.

"Tsaka bakit parang kakagaling mo lang sa pag-iyak?" tanong ni Dexel.

"Sobrang nag-aalala ako sa kanya. I saw her with Cindy. Inaalalayan siya nito habang naghahanap ng tulong. Kwento ni Cindy, nakita niya daw na walang malay si Joyce sa loob ng cubicle sa ladies room sa may likod ng u-assembly." paliwanag ni Santi.

"Asaan yung Cindy?" tanong ni Dexel.

"In-xray yung braso niya. Hindi kasi huminto sa pagdugo dahil pinilit niyang buksan yung pinto nung cr kung saan nasa loob si Joyce." sagot ni Santi.

"Paano niya nalaman na andun si Joyce?" dagdag pa ni Dexel.

"Yun ang hindi ko pa alam. Hinayaan ko munang magpahinga si Cindy dahil baka makasama pa sa braso niya pag pinilit ko siyang magkwento." sagot ni Santi.

"Anong findings ng mga doctor? Anong nangyari kay Joyce?" tanong ni Kris.

"Inatake siya ng asthma na nagpasama sa lagnat niya. And since closed area yung cubicle na yun, hindi nakahinga ng maayos si Joyce na dahilan daw para magfaint siya. Kaya payo ng doctor na pagpahingahin muna si Joyce. Pwede na siyang kausapin after few hours na may malay siya." paliwanag ni Santi. Sabay dating naman ni Tita Yanni.

"Anong nangyari kay Joyce? Okay na ba siya?" tanong nito.

"Ah Tita, hinahanap po ng doctor ang guardian ni Joyce. Samahan ko na po kayo dun." sabay alis nila Santi.

Hapon na nang magkamalay na si Joyce. Kaagad na lumabas ang nurse para tawagin ang doctor. Pagkatapos macheck na okay na ang pakiramdam ni Joyce ay pinayagan nang pumasok sila Tita Yanni.

"Kamusta ka na hija?" bati sa kanya ng Tita Yanni niya. Hindi na niya itong magawang pagalitan dahil sa pag-alis nito kahit masama ang pakiramdam dahil bawal daw mastress si Joyce.

"Okay lang po ako Tita. Ako pa ba?" pabirong sagot ni Joyce.

"Everyone got worried nung mabalitaan nilang may nangyari sayo." sambit ni Dexel.

Love AffirmationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon