Chapter 32 - Head up, my princess.

491 14 2
                                    

-- Chapter 32 --

"Head up, princess. Your tiara is falling." an unknown voice from behind which made Joyce look back. Nakatingin siya rito at di makapaniwala na ang taong iyon ay si Kris. Yes, nahanap siya ni Kris. Nakatitig lang siya kay Kris habang iniisip kung paano nito nalaman na naroon siya. Nilapitan siya nito at niyakap. "I've been to many places. Thank God I saw you here, kiddo." Hindi na nakapagsalita si Joyce at tuluyan nang naiyak. Takot na rin ang naramdaman niya nang mapansin niyang mag-isa lang siya sa lugar na yun kanina. Bigla na lang kasi siyang nagdesisyon na magpababa sa lake side kung saan siya dinala ni Kris dati. She tried to be strong but as soon as Kris hug her, bigla na lang siya nakaramdam ng calmness and felt secured suddenly. "Don't make us much worried again. What if hindi ko naisipan pumunta dito? Baka nakabili na ko ng around the world trip ticket." natawa na lang si Joyce sa sinabi nito. She hug him even tighter as a sign of being thankful to him.

Pinapasok muna ni Kris si Joyce dahil nakaramdam na ng lamig ang dalaga na halos mag-iisang oras nang nakaupo sa may lake side. Naghanap muna ng coffee shop si Kris at pagkabalik nito ay agad niyang iniabot kay Joyce ang hot choco na binili niya para rito.
"How are you feeling?" pangangamusta ni Kris kay Joyce.
"Feeling better. Sobrang lamig pala. hoo!" sagot ni Joyce. "Teka nga, paano mo pala nalaman na umalis ako ng bahay?"
"Tinawagan ako ni Santi. Sabi niya may batang naglayas daw." napa-pout naman si Joyce sa sinabing ito ni Kris.
"Paano nalaman ni Kuya Santi?" lumapit si Kris kay Joyce na ikinabigla naman ng dalaga. Anong binabalak nitong gawin? Magkalapit na sila ng mukha nang biglang..
"Teka, usog ka nga ng konti." napalingon si Joyce sa likod niya kung saan parang may kinukuha si Kris. Sa likod pala ng upuan niya, sa may bulsa roon kung saan nakalagay ang phone niya.
"My phone! Saan mo naman nakuha to?" pagtataka ni Joyce.
"You left it on Santi's car. Tumawag daw diyan si Tita Yanni kaya ayun, nalaman niya na may lumayas na bata. Bakit ka nga ba naglayas? May problema ba?" agad na natahimik si Joyce. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang kwento. Wala rin naman kasing alam si Kris tungkol sa totoong nangyari sa Daddy niya. Bakit nga ba di na lang si Kuya Santi ang nakakita sakin para mas madaling iexplain?
"Ano.." pinipilit na di umiyak ni Joyce.. pero hindi niya napigilan. Nabahala si Kris nang makitang umiiyak na naman si Joyce. Kaagad niyang kinuha ang panyo niya tsaka pinunasan ang mga luha ng dalaga. Hinawakan niya ito sa mukha at pinatingin sa mga mata niya.
"Don't force yourself. Kung di mo pa kayang sabihin sakin, maiintindihan ko. Pero Joyce, you have to cry it out. Para lumabas yung sakit na nararamdaman mo." sinunod ni Joyce ang sinabi ni Kris. Agad naman siyang niyakap ng binata, he was like telling her that he's always be by her side. Iniyak ni Joyce ang lahat while shouting all her hatreds.
"Bakit pa siya bumalik!? Bakit ngayon pa kung kailan natatanggap ko nang never na siyang babalik sa buhay ko? Why do I have to suffer a lot? Can't I just be happy all the time? Bakit ang sakit? Bakit ganito? Why are these happening to me?" mga salita na di na mapigilang ilabas ni Joyce mula sa puso niya.
"All these things happen for a reason. We will always be here for you Joyce. Hindi ka namin iiwan." Iyak na lang ng iyak si Joyce, trying to take out all the bad things from her heart.

Nang malaman ni Santi na nawawala si Joyce ay agad niyang naisipang tawagan si Kris para may katulong siya sa paghahanap rito. Nalaman niya na bumalik na pala ang Daddy ni Joyce and he wants to reconcile with her daughter na agad namang di sinang-ayunan ni Joyce. Habang kausap ni Santi si Kris ay sinabi na niya sa kanya ang lahat. Nang marinig ni Kris ang lahat ay agad niyang inunawa ang dalaga at lalo siyang nag-alala rito. He knows na kailangan na kailangan siya ni Joyce ngayon. He needs to find her, no, he wants to find her. He wants to be there for her. He wants to comfort her. He badly wants to see her. Nalibot ni Kris ang buong Makati dahil magmamadaling araw na at wala nang gaanong traffic. Naalala niya bigla ang sinabi niya kay Joyce noon. Sa tuwing nalulungkot siya ay pumupunta siya sa isang lugar kung saan sumisikat ang araw. Sinubukan niya iyong puntahan at nagbaka sakaling makita roon ang dalaga. At hindi nga siya nabigo, nadatnan niya roon si Joyce na mag-isa. Tumulo ang luha sa mga mata niya na agad niyang pinunasan tsaka niya ito tinawag, nilapitan at niyakap.

Love AffirmationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon