Chapter 17 - Friends..zone

1.1K 12 0
                                    

-- Chapter 17 --

Matapos mag-ayos ay nanuod muna ng TV ang magkaibigan habang naghihintay sa pagdating ni Kris. Naisip ni Joyce bigla si Kuya Santi. Sigurado siyang sobrang nag-aalala ito nang hindi umuwi si Kris sa kanila. Kaya't naisipan niya itong tawagan.
"Hello? Joyce.." sagot ni Kuya Santi sa kabilang linya. Narinig ni Joyce ang malungkot na boses nito.
"Wrong timing ba ko Kuya? May problema ba?" tanong niya rito.
"Ah wala.. medyo nagkasagutan lang kami ni Kris. Napatawag ka?" sagot ni Kuya Santi.
"Ha?! Nagkasagutan kayo?!" gulat na tanong ni Joyce.
"Oo eh. Hindi kasi siya nakauwi kagabi. Sobrang nag-alala ako. Hindi ko kasi alam ang tumatakbo sa isip ng kapatid ko. Nag-aalala akong may gawin na naman siyang worse pa sa mga kalokohan niya dati."
"Ah Kuya.. kung anuman yung iniisip mo, wala ka pong dapat ipag-alala. Dito tumuloy si Kris kagabi."
"Ano?!" gulat na tanong ni Kuya Santi. "Sa inyo? Bakit?"
"Ano kasi.. nagkandamalas-malas siya kagabi. Nasira kotse niya, nanakawan siya at nadrained ang phone niya. He even got sick dahil umuulan kagabi ng malakas." 
hindi agad nakasagot si Kuya Santi. Nagsisisi siya sa ginawa niya sa kapatid. Naisipan niya nang puntahan ito sa taas, sa kwarto nito pero hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang paghingi niya ng tawad rito. "Kuya?"
"I've done terrible.."
"Bakit? Ano pong nangyari?"
"Nasuntok ko siya.. kaya pala nanghihina siya.."
"Nahuli na pala ako.. sorry talaga Kuya. Kakakuha ko lang kasi ng phone ko kaya yun, di ako nakatawag. Wala rin kasi si Tita Yanni dito. Pero I asked Kris to go to the hospital first before heading home."
"Ah Joyce, pupuntahan ko lang yung kapatid ko ah.. Sige."
"Sige po.." sabay baba niya rito. Nag-alala bigla si Joyce sa nalaman. May sakit si Kris pero nagkaalitan sila ng kapatid niya. Naiisip niyang baka may mangyaring masama rito.

Nang makaakyat ay kakatukin na niya sana ang pinto ng kwarto ng kapatid nang bumukas ito. Lumabas mula roon si Kris na inis pa ring umiwas kay Santi. Naging pasa na rin ang suntok niya sa kapatid kaya't lalo siyang nakonsensya. Sinundan niya ang kapatid pababa.
"Kris.. lets talk." sambit ni Santi pero hindi pa rin siya pinansin nito.

Nang makalabas ay agad tinawag ni Kris si Mang Jo. Siya muna pansamantalang magdadrive para kay Kris dahil di pa rin okay ang pakiramdam nito. Nang makasakay ito ay pinigilan ni Santi si Mang Jo.
"Saan kayo pupunta Mang Jo?" tanong niya rito.
"Lets go Mang Jo!" utos naman ni Kris rito. Nalilito na si Mang Jo kung sino ang sasagutin.
"Saan nga kayo pupunta?" muling tanong ni Santi.
"Sa mall po. Pero susunduin muna po namin sila Ms. Joyce." sagot ni Mang Jo.
"Makikipagkita ka ulit kay Joyce? Sabi niya maysakit ka ah? Magpahinga ka muna." napatingin si Kris kay Kuya Santi.
"How did you know? Ahhh! Tinawagan mo na naman siya? Sa kanya mo na naman unang nalaman? Manhid ka ba, bulag o tanga?" tanong ni Kris rito.
"Sige! Okay lang na sabihan mo ko niyan. Alam ko namang galit na galit ka sakin ngayon.. Pero Kris, hindi mo ko masisisi. Hindi mo ko sinagot ng maayos. Kaya malamang, magagalit ako." paliwanag ni Santi.
"Mang Jo, lets go!" muling utos ni Kris rito.
"We will talk later! Sige na Mang Jo. Wag niyo po siyang pababayaan." sabay alis na ng kotse ni Kris.

Nang makarating si Kris kila Joyce ay agad siyang bumaba ng kotse para sunduin ito. Nagulat naman ang dalawa nang mapansin nila ang pasa ni Kris sa bandang labi nito.
"What happened? Nagsuntukan ba kayo ni Kuya Santi?" nag-aalalang tanong ni Joyce.
"Ah wala to.. Lets go?" sabay ngiti nI Kris. Kahit nag-aalala pa rin ay sumunod na sila sa baba para makaalis na patungo sa mall.

Tahimik pa rin si Kris at tinitingnan naman siya ni Joyce. Binasag naman ni Bien na nakaupo sa likod ni Kris ang nakabibinging katahimikan.
"Hello? May awkwardness ba?" tanong ni Bien.
"Saan niyo gustong maglunch? Gutom na ko eh." tanong ni Kris.
"Ako kahit saan! Ikaw ba beb?" tanong ni Bien sa kaibigan na malayo ang tingin sa labas ng sasakyan. "Beb?"
"Joyce?" tawag ni Kris rito tsaka naman bumalik ang diwa nito.
"Bakit?" tanong ni Joyce.
"Nagtatanong si Kris kung saan mo gustong kumain." sagot ni Bien.
"Kahit saan. Kayo bahala." sagot ni Joyce sabay pilit na ngumiti.
"How about pizza?" alok ni Kris.
"Yes! Pizza! Favorite ni Joyce yan!" sagot ni Bien. Ngumit lang ulit si Joyce.

Love AffirmationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon