Chapter 39 - Dream or him?

300 11 0
                                    

-- Chapter 39 --

Nakaupo si Joyce sa tabi ng bintana. Di siya makatulog. Nalilito siya pero bakit? Nakapagbago ng isip niya ang isang taong lasing? Paano naman siya nakasiguro na totoo ang sinabi nito? Kukuha sana ng tubig ang Daddy ni Joyce nang makita siya nitong malalim ang iniisip.
"You can't sleep?" tsaka ito tumabi sa kanya.
"Naexcite lang po siguro ako. Next week na po kasi agad alis natin. Di pa rin ako makapaniwala na napasa ko yung visa interview." sagot ni Joyce.
"Ako nalulungkot ako.. malungkot kasi maiiwan natin sila Mommy mo dito."
"Daddy, paano ka nagtapat kay Mommy na gusto mo na siya? Dati?"
"Natanong mo naman bigla? Hmm.. matagal din bago ako umamin. Magkaibigan kasi muna kami ng Mommy mo bago ko siya niligawan. Nahirapan ako umamin kasi baka isipin niyang sumimple lang ako sa kanya kaya kinaibigan ko siya." sabay tawa nito habang iniisip ang mga alaala nila noon.
"Mahal na mahal mo po siya nu?"
"Kayo ba ni Zac? Naging okay ba paghihiwalay niyo?" nagulat si Joyce na alam ng Daddy niya ang tungkol kay Zac.
"Paano mo po nalaman?"
"Ahh, kasi I'm watching over you tsaka kinakamusta din kita sa Tita Yanni mo. Sorry anak. Sorry kung sa malayo lang kita pinagmasdan." niyakap ni Joyce ang Daddy niya.
"You have nothing to be sorry about Dad. Thank you for not leaving me completely. And sorry for what I did.."

Pinuntahan ni Joyce si Cindy sa bahay nila para magpaalam rito. Nang makita siya ni Cindy sa labas ng bahay nila ay agad siya nitong pinagbuksan at nahihiyang humarap rito.
"Hi.." bati ni Cindy rito. Agad siyang niyakap ng dating kaibigan.
"I missed you." sabay ngiti ni Joyce rito. Napangiti ng malaki si Cindy at muli itong niyakap.
"Namiss din kita Joyce.. And I'm sorry."
"What you did was for your sister and kung ako rin naman ang nasa sitwasyon mo, I might do the same thing. Sorry kung late ko na narealize ang mga bagay-bagay. Pero naiintindihan na kita ngayon. And besides, okay na ko. Di naman severe yung ginawa mo." 
dagdag pa ni Joyce. Inaya ni Cindy sa loob ng bahay nila si Joyce at pinaghanda ng meryenda. Nagkwentuhan sila at nabanggit na ni Joyce ang pag-alis nito.
"Masaya akong matutupad mo ang pangarap mo but at the same time, nakakalungkot kasi mamimiss kita." napatingin si Joyce sa pagbukas ng pinto sa isang kwarto. Lumabas mula roon si Candice. Napatayo si Joyce.
"Hi Candice." bati niya rito. Nilapitan ni Cindy ang kapatid at unti-unting pinalapit sa pwesto ni Joyce. Nakayuko pa rin si Candice.
"Candice, sa tingin ko, kailangan mo nang humingi ng tawad kay Joyce. She's leaving to Australia next week. Sana maging okay na kayo. Para masaya na lahat." pakiusap ni Cindy sa kapatid. Nahihiyang tumingin si Candice kay Joyce. Nag-aalangan pa rin siyang magsalita.
"Sorry if I made you mad at me. Hindi ko alam na nasasaktan pala kita." sabi ni Joyce.
"Hindi.. those are because of my insecurities. Wala ka naman talagang kasalanan eh." sagot ni Candice. Naluluha. Nahihiya siyang tumingin kay Joyce. "I'm sorry Joyce. Sorry sa mga evil doings ko towards you. You almost died because of me.. and yet, dinamay ko pa ang bestfriend mo tapos kahit kapatid ko. I'm sorry.." niyakap siya ni Joyce tanda ng pagtanggap nito sa mga sinabi ni Candice. Sobrang saya ni Cindy na nakikitang magkasundo na ang dalawa. Naupo sila at nagkwentuhan.
"Gusto ko yang bagong kulay ng buhok mo ah?" sabay hawak ni Joyce sa buhok ni Candice. Nagtawanan naman ang dalawa.

Sunod na pinuntahan ni Joyce si Zac. Nadatnan niya itong naggagardening. Lumapit siya rito.
"Zac.." bati ni Joyce rito. Napalingon sa kanya ang binata tsaka dali-daling tumayo. Inalok niya ring maupo ang dalaga pero sasaglit lamang daw ito.
"Hi.." maikling bati ni Zac.
"Umm. Andito ako kasi gusto ko sana maging maayos yung break up naten. Alam ko kasing meron akong di agad naintindihan." sagot ni Joyce.
"About dun, the wedding.. Uhhh.. It wasn't on my plan. It was my parents'. Sorry kung naisip mong niloko lang kita. Minahal talaga kita Joyce at sobrang sakit para sakin na di ko naexplain sayo ng maaga. Di lang talaga ako makalapit sayo dahil nahihiya ako." paliwanag nito.
"Naiintindihan ko. And thank you sa lahat ng efforts mo and for being honest today. Mas nakakagaan ng pakiramdam. And congratulations on your wedding!" sabay yakap niya kay Zac.

Love AffirmationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon