Chapter 9 - An invitation

1.1K 10 1
                                    

-- Chapter 9 --

 Biglang sumulpot si James habang malalim na nag-iisip si Joyce. Ikinagulat naman ni Joyce ang ginawa niyang pagbati.

"Ano ka ba! Nasa library tayo tapos bibiglain mo ko!"

"Bawas-bawas din kasi sa pagkakape." sabay tawa nito.

"FYI, hindi ako nagkakape.." sagot ni Joyce.

"Okay?" sabay ngiti ni James.

"Teka, what are you doing here? Sino naman ang liligawan mo? At dito pa talaga sa library ah?"

"Hindi pa ba obvious? I already told Zac na liligawan kita, remember?"

"Ha? nagbibiro ka lang diba? Wala naman sa paligid si Zac. You don't have to do this." sabay pilit niyang tawa.

"At sinong nagsabi sayong nagbibiro ako?" lumapit si James sa kanya at tumingin ng diretso sa mga mata nito. Binabasa ni Joyce ang iniisip nito pero tila nagsasabi ito ng totoo. "Ano? Ito nga oh, dinalhan kita ng bulaklak." sabay abot nito ng mga bulaklak rito.

Sakto namang dumating si Bien. Pinaalala nitong nasa library ang dalawa at wala sa park.

"Itong mokong na to kasi! Ang kulit!" sagot ni Joyce.

"Anyway, have you heard the news?" tanong ni Bien.

"What news?" sambit ni Joyce.

"The acquaintance ball! That will be held inside the campus this coming saturday." sagot ni Bien.

"What?! Seryoso yan? Eh next week na ang exams ah?" pagkumpirma ni Joyce.

"We have that kind of ball every year for freshmen. Nadelayed lang this year dahil sa food poisoning happened to our college faculties." sagot ni James.

"Eh bakit naman nila sasaktuhin na before exam week?" tanong muli ni Joyce.

"Wag ka na puro tanong beb, okay? So may naiisip ka na bang maging date?" tanong ni Bien. Napaisip si Joyce. Kailangan nga pala ng date kapag mga ganung ball.

"Ahem!" parinig ni James pero di siya pinansin ni Joyce.

"Kayo ba ni Dexel ang magkadate?" tanong ni Joyce kay Bien.

"Oo. Kanina kasi nung inannounce ni Sir yun, niyaya na niya agad ako. Kaya yun. Gusto mo ba hanapan ka namin ng ka-date?" alok ni Bien. Wala siyang tiwala sa kaibigan pagdating sa ganun kaya't di siya um-oo.

"I won't attend that ball." sagot ni Joyce.

"You can't do that! I can be your date if you want?" yaya ni James sa kanya.

"And why not? No thanks Mr. Sebastian.. Hindi rin ako mag-eenjoy sa ganun." sagot ni Joyce sabay tutok muli sa librong binabasa niya.

"Eh sabi mo before tayo magcollege, you want to experience to attend a ball.. diba?" pilit ni Bien rito pero di pa rin siya muling nilingon nito.

"Nagbago na isip ko.." sagot nito habang patuloy sa pagbabasa.

"Pwede naman siguro ulit magbago isip mo diba?" pilit ni James rito.

"Hindi na magbabago isip ko." paninindigan ni Joyce.

"Pagbigyan mo na siya beb." pamimilit muli ni Bien rito.

Love AffirmationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon