Chapter 13 - Pride or jealousy?

1.2K 14 4
                                    

-- Chapter 13 --

Nagulat si Kris sa narinig niyang nabasag mula sa di kalayuan. Muntik na niyang maitulak palayo sa gulat ang babaeng kanina ay nakapalupot sa kanya nang makita niya na ang babaeng nakatayo mula sa nabasag ay si Joyce. Sinubukang pulutin ni Joyce ang bawat piraso ng basag na vase.

"Ouch.." nasugatan ang palad niya at dumugo. Napatayo si Kris sa pag-aalala pero nauna nang nakalapit si Kuya Santi kay Joyce.

"What happened? It's bleeding! Manang!" hinawakan ni Kuya Santi ang kamay ni Joyce. Dumating si Manang.

"Oh Santi? Anong nangyari?!" sagot ni Manang Fe nang makita ang dumudugong kamay ni Joyce.

"Please get the first aid kit." sagot ni Kuya Santi. Nagmadali naman si Manang Fe para kuhain ang first aid kit. Pinunit ni Kuya Santi ang damit niya para kumuha ng tela na ibabalot niya sa sugat ni Joyce sabay gamot niya sa sugat nito. "Are you still okay?"

"Yeah! Don't worry. Maliit na sugat sa kamay lang yan." sagot ni Joyce. Nakatingin lang siya habang pinapahiran ng bulak ng may alcohol ang kamay niya. "Ouch!"

"Oops! Sorry. It will stop bleeding now.." binalot na niya ang sugat nito gamit ang tela na galing sa damit niya. Si Kris na kanina pa nag-aalala ay nakatingin lang habang ginagamot ni Kuya Santi si Joyce. Wala siyang magawa. Nang makita niyang napapangiti si Joyce sa ginagawa ni Kuya Santi rito ay may kung anong sakit siyang naramdaman. Ang pag-aalala ay napalitan ng selos. Umalis siya ay agad na umakyat sa taas. Hinabol naman siya nung babaeng kasama niya. Nilingon ni Joyce si Kris.

"Is.. she Kris' girlfriend?" pag-aalangang tanong ni Joyce.

"He used to bring girls here.." sagot ni Kuya Santi. Nagulat si Joyce sa nalaman niya. Totoo pala ang mga naririnig niya dati na ladies' man si Kris. 

"I never thought that Kris would turned into like this.."

"But you know what? Nung makilala ka naman niya, he stopped. 1 month na kayong nagkita ulit diba? Nung nakaraang 1 buwan kasi wala talaga siyang dinala. Masaya siya lagi kapag umuuwi siya. Pero ngayon, I don't know what is happening to him now. After what happened to the two of you, naging ganyan siya ulit." sagot ni Kuya Santi. Natahimik ulit si Joyce. Iniisip niya kung siya ba ang may gawa nito sa kaibigan.

Papasok na si Kris sa kwarto niya nang mapansin niyang sinundan pala siya ni Ariane, yung babaeng kasama niya kanina. Nakalimutan na kasi niya ito simula nang makita niya si Joyce.

"What is happening to you James?" tanong nito sa kanya.

"Let's stop seeing each other." sagot nito sabay sampal sa kanya ng babae.

"How dare you! After what I've done to you?!" sumbat ni Ariane sa kanya.

"What? You've done nothing! We've never kissed! Kaya pwede! Get out!"

"You will regret this James!" sagot nito sabay baba ng hagdan tsaka lumabas. Pumasok na si Kris sa kwarto niya. Nahiga siya at pumikit. Naiisip niya pa rin ang nangyari kanina. Kung paano masugatan si Joyce hanggang sa magamot na ito ni Santi. Habang siya, walang nagawa para sa dalaga. Naramdaman niyang parang wala na siyang kwenta.

Hindi na tinuloy nila Kuya Santi ang practice teaching nila. Tumawag na rin si Joyce kay Bien at susunduin na siya nito. Ayaw na niya kasing magpahatid rito. Dumating na sila Bien.

Love AffirmationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon