Chapter 6 - Annoying 'concern student'

1.1K 12 1
                                    

-- Chapter 6 --

Nagulat si Joyce nang malaman niyang pati si Dexel ay kilala si James.

"You also know him?" tanong niya rito.

"Of course! Napakayabang na tao yun! Kala mo kung sinong magaling!" Inis na sagot ni Dexel.

"I told you beb!" sambit ni Joyce kay Bien. Nakanguso naman habang nananahimik si Bien.

"Don't tell me, classmate mo siya? I heard, same college ata kayo." said by Dexel.

"Worse is, classmate ko pa siya.. and even worse of all the worse thing is seatmate ko siya! Ugh!" inis na inis na sagot ni Joyce. "Anak daw nung co-owner nitong university yung mayabang na yun."

"Kaya pala sobrang yabang.. Oops girls, lunch break is almost over. I bought you drinks for later.. here! I have to go! Bye!" sabay abot niya rito ng mga inumin. Nagpaalam si Dexel tsaka umalis.

Pauwi na sila Joyce at Bien. Nagpasabi si Zac na hindi na naman siya mahahatid nito kaya kay Dexel dapat siya ipapasabay pero may lakad si Dexel. Si Bien naman ay di rin dala ang sasakyan. May lalaking bumusina mula sa likod. Si Kuya Santi!

"I'll drive you home girls!" alok nito sa dalawa. Nahihiya pang sumagot si Joyce pero hinila na siya ng kaibigan. Ayaw rin kasi nitong magcommute. Pinakilala na rin ni Bien ang sarili niya rito.

Naupo sa front seat si Joyce katabi ni Kuya Santi habang nasa likod naman si Bien. Nanahimik pa rin si Joyce at hindi makaimik. Nahihiya pa rin kasi siya kay Kuya Santi.

"You're becoming quiet nowadays Joyce?" sambit ni Kuya Santi.

"Uhh.. kasi.. nahihiya na ko sayo Kuya Santi.." nahihiyang sagot ni Joyce.

"ha? why?" natatawang tanong ni Kuya Santi

"I owe you for everything.. Kung kaya ko lang talagang bayaran yung sa glasses ko.."

"Ay, di ko ba nasabi sayo? They made it for free. Ninang ko kasi yun.."

"Talaga?! Nakakahiya pa rin.." sagot ni Joyce.

"Ano ka ba beb! Madalang ang lalaking ganyan! Eh kung yung sarili mo ngang boyfriend hindi magawan ng paraan ang glasses mo!" sabat ni Bien.

"oo nga pala.. where is he? Why is he not taking you home?" tanong ni Kuya Santi.

"Ah eh.. kasi.--"

"Ayun, palaging busy sa pagbabasketball! Parang wala ngang girlfriend na dapat alagaan eh." muling pagsabat ni Bien.

"try mong manahimik beb nu?" sita ni Joyce rito.

"Tama naman kaibigan mo eh.. he should always prioritize you first.. Ngayon pa't di ka pa naman pamilyar sa lugar.." sagot ni Kuya Santi.

"Tama ka diyan Kuya Santi!" pangsang-ayon ni Bien rito.

Nang dumating sa school si Joyce ay may rose petals na nakakalat sa daraanan niya papuntang college building nila. Nang makarating siya sa field ay may hugis puso na gawa sa rose petals. Sa di kalayuan ay nakatayo ang nobyo niyang si Zac dala ang isang tuta. Nilapitan siya nito. Hindi alam ni Joyce kung anong meron at ginawa ito ni Zac.

"Happy Monthsary!" bati nito sabay ngiti. Inabot niya rin ang tuta rito. Aminado si Joyce sa sarili niya na hindi niya iyon naalala. Hindi naman kasi nagtetext o tumatawag si Zac tungkol rito. Nagkunwari na lang syang naalala niya ito.

Love AffirmationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon