Chapter 15 - Strange dream

1.1K 12 4
                                    

-- Chapter 15 --

Panaginip lamang pala ang lahat. Nagising si Kris na pagod na pagod at hinihingal. Nagulat naman si Harold sa biglang paggising nito.

"Nakatulog ako?" tanong ni Kris.

"Oo bro. Hinayaan na kita kasi alam ko namang yun lang ang way para makalimot ka panandalian. Pero parang bad idea yun.. Ano bang napanaginipan mo?"

"Something.. strange.." sagot ni Kris.

"Oo nga. halata naman! Naghi-hymn ka pa diyan kanina habang nakangiti.."

"Naghi-hymn? Anong tono?"

"Di ko gets eh. Ang labo.. out of tune ka ata!" biro ng kaibigan niya sabay tawa.

"Pero.. parang totoo eh.. Nakakaloko."

"People said that yung dreams daw ay ang laman ng isip ng isang tao.. Kaya kung anuman ang napanaginipan mo, yun yung pinakainiisip mo.." paliwanag ni Harold. Napaisip naman si Kris at parang totoo nga ang sinabi ng kaibigan.

Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan sila Joyce. Napasigaw naman siya sa sakit nang makagat niya ang dila niya..

"Oh anong nangyari?" tanong ni Dexel rito.

"Nakagat ko dila ko.. Ang sakiiit!" sagot ni Joyce habang chinicheck ang dila niya kung dumugo.

"Mukhang di naman dumugo.." sagot ni Dexel.

"Alam mo bang may ibig sabihin daw yan?" pagsabat ni Bien.

"Sus wag kang magpapaniwala sa ganyan." pagsalungat ni Dexel.

"Hindi! Totoo nga daw yun!" pilit ni Bien.

"Ano ba yun beb?" tanong ni Joyce.

"Sabi.. kapag nakagat mo daw ang dila mo, It's either pinag-uusapan ko, iniisip ka or napanaginipan ka ng isang tao!" paliwanag ni Bien.

"ha? Ewan ko sayo beb!" sagot ni Joyce.

"Seryoso yun beb! Bakit ba ayaw niyong maniwala?" tanong niya rito.

"Kasi walang scientific study!" sagot ni Dexel.

"Hindi naman lahat ng bagay ay gawa ng science! Psychologist ang nagpatunay nun!" sagot ni Bien.

"Okay fine!" sagot ni Dexel para di na lumaki ang pagtatalo nila.

"Try natin! Magbigay ka ng number Dexel!" utos ni Bien rito.

"number? Para saan naman?" usisa ni Dexel.

"Basta! dali!" pilit niya rito.

"Oh sige.. '19'!" sagot ni Dexel. Nagsimula namang magbilang si Bien habang pinapanuod siya nila Dexel at Joyce.

"A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, Q, R, S!" sambit ni Bien.

"Oh tapos?" tanong ni Joyce.

"Yung may kagagawan ng pagkagat mo sa labi mo ay may pangalang nagsisimula sa letter 's'!" paliwanag ni Bien. Tinawanan lamang siya ng dalawa.

"Puro ka kalokohan!" sagot ni Dexel.

"Seryoso! Sino bang 's' na kakilala mo?" tanong ni Bien kay Joyce.

Love AffirmationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon