Last Chapter - The Affirmed Love

563 14 9
                                    

'Start it from this page until you reached the very end. Don't read the comments below, too. Don't ever spoil yourself. Sana magustuhan niyo ang ending ;)'

-- Chapter 40 --

Natuloy si Joyce sa Australia. Mas naisip niya na kailangan na niyang mabigyan ng therapy ang ama para gumaling na ito. Nagsimula na siyang mag-aral at nag-adjust sa mga tao roon. Sa tuwing uwian ay sinusundo siya ni Josh at may mga kasamang camera. Part kasi yun ng filming ng buhay ni Josh. Kung sila na? Hindi pa. Mas nagpofocus ang dalaga sa pag-aaral niya at makalipas ang ilang taon ay nagsimula na siya sa pag-asikaso sa sales ng company nila Ate Shine. Agad din naman siyang naging komportable dahil na rin sa tulong ni Ate Shine at sa mga mababait niyang katrabaho. Tuwing umaga hanggang hapon ay nasa trabaho siya habang tuwing gabi ay madalas silang kumain sa labas ng ama kasama si Josh. Naging masaya ang buhay ni Joyce sa Australia. Nagkaroon siya ng maraming kaibigan at mga karanasang tiyak na magagamit niya sa pagbalik niya sa bansa. Nabago rin ang kontrata ni Joyce. It shorten from 10 years to 8 years. Malaki kasi ang natulong ni Joyce sa company kaya they decided to send her back home. Magaling na rin naman ang Daddy niya at di na kinailangan pa ng transplant. Joyce was promoted to be the sales and marketing head of Sebastian company sa Pilipinas, the newly built in Pasay. In few days, uuwi na rin si Joyce sa Pilipinas.

Si Kris ang bagong namamahala sa company nila sa Cebu after his Mom. Pagkagraduate niya ay agad niyang hinandle ang transactions nito at makalipas lang ang 2 taon ay naging presidente na siya nito. He learned a lot from his past 2 years kaya't agad din itong pinagkatiwala sa kanya. Matagal na rin siyang di nakakabalik ng Manila pero recently lang siya nawalan ng communication kila Bienice. Sa kanya ito nakikibalita tungkol sa nangyayari kay Joyce sa Australia, hindi kasi ito nagrereply sa mga message niya sa email nito. Nagbura na rin ito ng social media accounts kaya wala siyang ibang way para makibalita. Pero just recently, huminto na sa pangangamusta si Kris tungkol kay Joyce pag kinokontak na niya ngayon si Bienice ay tungkol na sa pagtatrabaho nito sa company nila.

Si Bienice ay may sarili ng boutique with Cindy. Si Cindy ang bahala sa designs habang si Bienice naman sa management. Pinaprocess na rin nila ang deal nila sa company nila Kris. Mas makakatulong kasi itong mapaganda pa ang business nila. Kinasal na si Bienice kay Dexel pero hindi nakauwi si Joyce dahil na rin sa sobrang busy nito pero pinapanuod nito sa kaibigan ang video ng kasal kaya't nakontento na lamang siya. Ilang araw na lamang ay magkikita na ulit ang magkaibigan.

Si Kuya Santi na ang namamahala sa JRU, naging pribadong unibersidad na ito. Happily married na rin ito kay Ms. France na 6 months pregnant sa ikalawa nilang anak. Masayang-masaya si Kuya Santi ngayon dahil kumpleto na ang pinapangarap niya noon.

Si Candice ay nasa US na kasama ang mapapangasawa nito na Amerikano. Mag-iisang taon na siya roon kaya't maganda na rin ang pamumuhay niya. Habang si Cindy ay patuloy pa ring nililigawan ni Harold kahit 5 taon na ang relasyon nila. Sobrang in love kumbaga. Masaya rin si Cindy sa naging business nila ni Bienice dahil hobby na niya ito kahit noon pa. Tinawagan sila ni Kris para magpatahi ng gowns, dresses at suits para daw sa isang malaking kasalan pagbalik nito sa manila.

Matapos ang walong taon, muling bumalik si Joyce sa Pilipinas kasama ang Daddy niya at si Josh. Di sumabay sa kanila si Ate Shine dahil may aasikasuhin pa raw ito. Nang makauwi sila sa kanila ay agad silang sinupresa ng mga kaibigan at pamilya. Naroon ang Mommy niya, si Tita Yanni, Si Julio na high school student na, si Kuya Santi, Ms. France, Dexel, Cindy at Bienice. Kaagad siyang niyakap ng kaibigan. Sa sobrang saya ay naiyak si Joyce habang kayakap ang ina. Ilang araw ang lumipas ay may nareceived siyang invitation. Nagulat siya sa nakasulat roon."You are invited to the wedding of Mr. Santiago Kris Sebastian" Ikakasal na si Kris? Pero bakit walang nakasulat na pangalan ng bride? Kasama lang ang pangalan ni Joyce sa lists of invited habang si Bienice ang bridesmaid at si Harold ang bestman. Naguguluhan si Joyce kaya't pinuntahan niya ang kaibigan sa boutique nito.

Love AffirmationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon