Chapter 12 - The revelation

1.1K 13 2
                                    

-- Chapter 12 --

Nang lumingon si Joyce ay si James ang nakita niya. Kaagad na pumasok sa isip niya ang mga hinala niya dati sa pagkatao nito. Dati na niyang napansing magkamukha ang dalawa at magkaapelyido pa. Pero dahil nga sa malayo ang ugali nito sa kababata ay hindi na niya pinansin ang mga hinala na iyon bagkus ay nakisama siya rito at itinuring itong kaibigan. Kaya't nang sabihin ni Candice na kay James nanggaling ang mga larawan niya na iyon ay naluha siya bigla.

"James?!" naisip niyang baka niloloko lang siya ni Candice dahil matagal na itong inis sa kanya. Kaagad niyang pinunasan ang mga luha niya at nilingon muli si Candice. "Ako ba talaga pinagloloko mo? How will that be possible? Pwede ba Candice! Hindi ako nakikipagbiruan sayo! Tell me the truth!"

"Why not ask him? Go ask that guy at the door. I'm sure, siya ang makakasagot sa tanong mo." sagot ni Candice. Lumingon muli si Joyce sa kinatatayuan ni James. Nakatayo lang ito roon at parang takot na lumapit. Ayaw maniwala ng isip at puso ni Joyce sa sinabi ni Candice dahil ayaw niyang malaman na isang malaking kasinungalingan lang pala ang pakikipagkaibigan niya kay James.

"James.. she's talking non-sense, right? The real Kris won't do this to me.. Please tell me James.. tell me that she's the one lying here." pakiusap ni Joyce rito. Dahan-dahang lumapit si James kay Joyce.

"I don't want to hurt you Joyce.. I hate seeing you crying.. and I'm afraid.. that you might get disappointed..habang papalapit si James sa kanya ay humahakbang naman papalayo si Joyce. "Joyce.. I'm sorry.." sambit ni James nang makalapit na siya kay Joyce. Same expression from last saturday but with different reason.. Nasampal ni Joyce si James kasabay nito ang pagtulo ng luha mula sa mata ni Joyce.

"Have you ever realized that not telling the truth could actually hurt me?!" sagot ni Joyce.

"Please Joyce.. let me explain to you everything.. Just the two of us.." pakiusap ni James sabay hawak niya sa kamay ni Joyce. Kaagad namang bumitaw rito ang dalaga.

"Why would I come with you? eh manloloko ka!" sagot ni Joyce.

"Why not just tell it in front of everyone? Natatakot ka bang masira ang image mo?" sabat ni Candice.

"Will you shut up Candice?! You are the root of the evilness in this university!" sigaw ni James rito. "Joyce.."

"Bakit hindi ka nagpakilala sakin bilang yung kababata ko? Bakit iba ang pakilala mo sakin? Hindi ba ko naging importante sayo? Ha!" sagot ni Joyce.

"you were! and you are still.. Joyce, gusto lang muna sana kitang makilala nung una. Alam mo kung ano ako dati.. At alam kong hindi mo gugustuhing malaman na ang kaibigan mo noon ay naging ganun.. That's why I tried to changed! Tapos nung gusto ko ng sabihin sayo.. hindi ako magkaroon ng pagkakataon.." paliwanag ni James rito.

"It will never be a big issue if you were the one who told me.. pero nasaktan ako dahil bakit kinailangan pang sa iba ko malaman? Bakit hinayaan mong mangyari to?" sagot ni Joyce.

"Joyce, I tried.. nung ball! pero.. I failed to do so.." paliwanag muli ni James.

"Why not earlier?! Bakit kasi kailangan mo pang magpanggap na ibang tao?!"

"I never act as anyone else, kung sino ang nakilala mo, yun ako Joyce.."

"Then bakit iba pang pangalan?! Kaibigan ba talaga ang turing mo sakin? O baka naman lahat ng ipinakita mo, puro pagpapanggap? ha?! Badtrip ka!" tinulak ni Joyce si James saka siya nagmadaling lumabas.

Love AffirmationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon