Chapter 4 - A stranger or a friend from the past?

1.2K 14 3
                                    

-- Chapter 4 --

"Kris?!" Joyce said but she's still trying to confirm it from the guy. Malabo pa rin kasi ang paningin niya pero nahahawigan niya ito sa kababata.

"Sorry?" tanong ng lalaki na parang idinideny nitong siya si Kris. Hindi na lang nagpumilit si Joyce. Matapos ang misa ay lumabas na sila ng Tita niya pero nililingon pa rin niya ang lalaki. Nailang siya bigla nang pagkalingon niya ay nakatingin pala ito sa kanya. Madali niyang hinila ang Tita niya pasakay sa bus.

"Oh bakit?" tanong ng Tita niya nang makasakay na sila sa bus.

"Ah wala po Tita. Ayoko po sana agad-agad magkasala.." sagot ni Joyce rito.

Kinabukasan, papasok na si Joyce sa school nang sunduin siya ni Zac. Hinihintay pala siya nito sa labas ng bahay nila.

"What are you doing here?" tanong ni Joyce.

"Picking you up.. Jolly.."

"Wala pa kong oras para makinig sayo Zac.. so please.. give me more time."

"Jolly.. We can't start the week this way.."

"Zac please. Before, you are lacking out of time for me and now that I'm asking for space, di mo pa ba ko pagbibigyan?"

"I can't give you more time to think.. Jolly please.. give me one more chance.." pakiusap nito sa kanya. Ikinagulat naman ni Joyce ang pagluhod nito sa harap niya. Kaagad niya itong inangat patayo tsaka siya nito niyakap. "Promise.. babawi ako Jolly.."

"Diyan ka magaling, tatawagin mo kong jolly pag nababadtrip ako sayo."

"For you to be reminded that you are always a jolly person.." hirit ni Zac sa kanya. "So, shall we?"

Tuwing break ay nagpupunta si Joyce sa office ng social-elites para tumulong sa pagrerecruit doon. Dinalhan din siya ni Zac ng pizza para di na kailanganing pumunta pa ng canteen para kumain.

"Bumabawi ah!" sambit ni Dexel na kadarating lang kasama si Bien. Nadatnan nilang inaasikaso ni Zac si Joyce na busy na busy sa pag-aayos ng mga papel.

"Ganun talaga. Kailangan eh." sagot ni Zac.

"Pero part naman talaga yan ng isang relasyon. Kailangan niyo rin magtampuhan paminsan-minsan." sagot ni Bien. Nagkatinginan at nagngitian lang sila Zac at Joyce.

"But anything too much is bad. Kaya wag araw-arawin ah?" payo ni Dexel.

"I'll try not to be numb again. Narealize ko din kasi na naging pabaya nga ko sa girlfriend ko." sabay yakap niya rito.

"Zac?!" sita ni Joyce sabay layo ni Zac sa kanya.

"So what are you doing here 'best buds'?" tanong ni Zac.

"What's with being a best buds?" tanong ni Bien sabay taas kilay. Natawa sila Zac at Joyce. "Why?!"

"Nothing! I just want to ask how are you guys doing? Is there a problem with that? And besides, you two are real best friends , right?" pang-iintriga ni Zac. Tinakpan na ni Joyce ang bibig ni Zac nang mapansin niyang naiinis na si Bien habang hawak ang libro.

"Stop starting a world war III here Zac." bulong nito sa nobyo. Nanahimik na lang si Zac.

"Guys, I'll go ahead first. Dadaan lang ako sa library." paalam ni Dexel. Napatingin naman si Joyce kay Bien na nagpapanggap na nagbabasa ng libro habang paalis si Dexel. Nagsimula na ring maglista ng members si Joyce nang may dumating na mga estudyante para magpamember.

Love AffirmationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon