Chapter 5

36 4 0
                                    

Chapter 5

TINIGNAN ni Blad si Dake na katabi niya sa eroplano habang nagbabasa ito, may nakapasak na earphones sa tainga nito.

Nagtaka siya dati kung paano nagkakilala ito at si Dmitry samantalang kababata niya si Dmitry. High school daw ng magkakilala daw ito, si Clayven, Spade at si Rhader at nakilala daw ang pinsan niyang si Vincent kay Spade dahil magkababata daw ang dalawa. Mas lalong naging magkaibigan daw ang mga ito nuong college.

Muli ay tinignan niya ang naturang lalaki. "Kaya mong makinig habang nagbabasa?"

Bumaling ito sa kanya at tinanggal ang isang earphones. "I'm sorry?"

"Sabi ko, kaya mong makinig habang nagbabasa?"

Tumango tango ito tsaka ibinalik ang isang earphones at nagbasa muli.

She's bored at hindi man lang siya nito i-entertain. Naisip niyang kapag nasusuka siya ay susukahan niya ang binabasa nito at parang batang magta-tantrum ito. Natawa siya sa naisip.

Nawiwirduhang tinignan siya nito.

"Uh... Go on with your reading, mind your own business."

Ginawa lang nito ang sinabi niya. Medyo tumayo siya para tignan ang kasamahan nila na kapaw niya photographer din, nakita niyang nag-uusap ang mga iyun. Ayaw pa man din niyang ma-bore kapag nasa eroplano, mas lalo lang siyang nahihilo.

Lumapit siya sa balikat nito para silipan ang binabasa nito. Nakaramdam siya ng langit ng maamoy ito, lalaking lalaki. Naghikab siya.

NAWALA ang konsetrasiyon ni Dashel sa binabasa. Pinatay na din niya sa bulsa ang pinanggagalingan ng musika. Aware siya sa ginagawang paglapit na iyun ni Blad. Kahit anong gawin niyang pag-concentrate sa binabasa ay hindi niya magawa. Hindi niya alam kung bakit. Mayamaya'y naramdaman niyang dumikit ito sa balikat pa niya.

"Blad naman-"

Tinignan niya ito. Nakapikit ang mata nito. Napangiti siya tsaka inayos ang ulo nito sa balikat niya para mas maging komportable ito at mas lalong lumuwang ang pagkangiti niya ng maamoy ang mabangong buhok nito.

"Ihhh."

Napabaling ang tingin niya kay Madeline, kasama nilang photographer, sa kabilang panig. Imbes na sitahin ito ay pinabayaan na lang niya ito.

Tinignan niya si Blad. Maganda ito, maalon-alon ang buhok itim na buhok na kapag nasinagan ng araw ay nagbabago ng kulay. Mukha itong anghel at hindi bagay dito ang maging photographer, mas bagay dito ang maging subject ng isang photographer.

Malamang siguro ay niligawan na niya ito, pero ewan niya kung bakit natatakot siya. He hates to be rejected at sa nangyari dito, malaki ang tiyansa na mangyari iyun. Sa ngayon ang gusto niya lang ay kilalanin ito at maging kaibigan.

Napangiti siya sa naisip at itinuloy ang pagbabasa.

TINIGNAN ni Dashel si Blad na itinaas ang kamay at sumigaw habang siya naman ay tumutulong sa pagbaba ng mga gamit niya at ng kasama niyang dalawang photographer. Ang tatlo ay naiwan sa Puerto Princesa. Nakakagulat man kanina ay hindi sumuka si Blad sa eroplano.

Ang buong akala ni Blad ay duon sila titigil pero hindi iyun ang pakay niya. Saglit lang sila nagtampisaw. Pagkatapos nuon ay nagbangka sila na umabot din ng tatlong oras. Nakita niya ang takot sa mukha nito at parang nahihilo. Nagpasalamat na lang siya sa panginoon ng hindi naman siya nito sukahan. Ngayon nasa dalampasigan sila ng lugar na hindi naman ganuon kaputi ang buhangin.

Tinignan niya muli si Blad na nagtanggal ng lifebest at agad na napabaling sa iba ng maalala kung gaano kaganda ang katawan nito kahit na ang suot nito kanina ay sando at shorts. Hindi lang ito maganda.

She In Her White Wedding DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon