Chapter 8
KANINA pa kumakatok si Dashel sa labas ng apartment ni Blad pero walang sumasagot sa kanya. Marahan niyang pinihit ang seradura ng pinto at nagulat siya ng nakabukas pala iyun. Pagpasok na pagpasok niya ay nakita niya si Blad na nakahilata sa nakalatag na sofa bed. "Kita mo 'to, tanghali na tulog parin. Dapat hindi mo iniiwang nakabukas ang pinto."
Napangiti siya ng pagmasdan ito. May hawak itong libro, may ballpen at papel sa gilid. Napapalatak siya. "Tulog mantika." Kahit na ganuon ito, sabog-sabog ang buhok ay anghel parin ang ganda nito.
Nakuha ng atensiyon niya ang cabinet. Marahang sinilip niya iyun. Manghang napanganga siya ng makita ang collage ng pictures niya duon. Napangiti siya tsaka nilapitan si Blad para gisingin ito.
Nagulat ata ito sa presensiya niya ng makita siya kaya nagkandaatras-atras ito hanggang malaglag sa sofa bed, sa tingin naman niya ay hindi ito nasaktan.
Tinakpan nito ang mukha gamit ang dalawang kamay. "Bakit ka naman pumapasok bigla bigla? Don't look at me!"
"For your information, nakabukas yung pintuan. Don't leave your door like that."
Tinanggal din nito ang kamay sa mukha at tinignan ang cabinet at bumaling sa kanya.
Itinaas niya ang dalawang kamay. "Swear, I didn't dare!" Sorry God.
"Promise?"
"Promise, kaya maligo ka na para maaga tayo."
Tila ba naalala nitong bagong gising lang ito at nagmamadaling tumakbo papasok sa banyo.
INILIBOT ni Blad ang tingin sa bahay ni Dake. Naabutan sila ng ulan kanina at nagabaha sa daanan ng pupuntahan nila kaya nag-suggest siyang duon na lang sila manuod. Dapat daw ay manunuod sila ng sine pero ang sabi niya ay mas praktikal sa bahay at duon na lang manuod.
Hindi man inabot ng kalahati ng mansion ng pinsan niya ang bahay ni Dake ay malaki parin iyun at hindi katulad ng kay Vincent ay madaming unipormadong maid duon. Agad na nagsipila ang apat na maid at binati siya at si Dake na nasa likod niya at pinapagpag ang sarili. Siya naman ay hindi ganuon nabasa dahil pinahiram nito ang coat sa kanya.
Saglit na hinatid siya nito sa sala at iniwan duon para magpalit ito. Sabihin niya lang daw sa maid kung may kailangan siya.
Inilapag niya ang bag niya na ang tanging laman ay ang camera. Waterproof naman iyun kaya hindi mababasa ang cam niya.
Lumuhod siya ng makita ang nakasalansan na DVD sa ilalim ng TV. Tumingin siya sa mga DVD. May nakita siya duon na pinamagatang "Hachiko," na-curious siya duon dahil may aso duon. She's not into watching movies that much pero nakuha ng interes niya ang naturang palabas. Babasahin sana niya ang description ng magsalita sa Dake sa likod niya. Bumaling siya dito. Handsome as ever.
"If I were you, I wouldn't watch that."
Mas lalo lang tuloy siyang na-curious.
Halos mapatalon siya ng may bigla na lang sumulpot sa likod ni Dake na pamilyar babaeng pagkapormal ang tayo at may hawak na box.
Bumaling si Dake dito na tila ba hindi na nagulat at kinuha ang box mula dito. "Thank you, and tell Reiji thanks."
"Sir, I would like to inform you that I'm your secretary, not your delivery girl," yun lang at umalis na ang huli.
Pinagkibit-balikat lang nito iyun at itinaas ang box. "Let's slice some cake from the best baker in town?"
Dinampot niya ang bag pagkatayo at sinundan ito. Nilabas niya ang camera at lihim na kinuhanan ito. Inilapag nito cake sa may tiles sa kusina at walang maid na nagtatanong kung kailangan nito ng tulong. "Sino yung tinutukoy mong baker?"
BINABASA MO ANG
She In Her White Wedding Dress
Romance"Dad, p-pakiulit?" "I want you to marry Dmitry Del Favero. You don't know a thing about our business. So, I want you to marry someone who can take my place after I die." "Dad, maraming paraan, you can train someone, you can promote someone. And dad...