Chapter 1
UMALINGAWNGAW ang tunog na gawa ng basong nabasag ni Blad sa study room ng bahay ng magulang niya. Kasunod nuon ay ang pagsinok niya. Kinuha niya ang tubig na ibinigay sa ama at ininom iyun. Ibinagsak niya iyun sa lamesa ng mahimasmasan.
"Dad, p-pakiulit?"
"I want you to marry Dmitry Del Favero. You don't know a thing about our business. So, I want you to marry someone who can take my place after I die."
Ang kumpanyang sinasabi ng ama ay ang Jump and Jack Technologies na nagde-develop, publish at distribute ng mga larong pambata. Distributor din ng computer and such as.
Totoo ang sinabi ng ama na walang siyang alam sa kumpanya dahil naging photographer at writer siya.
Ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa galit, hindi sa ama kundi sa sarili. Buong buhay niya kasi ay ito ang sinusunod niya, nuong college lang niya ito sinaway at iba ang kinuhang kurso. Alam niyang nagalit ito pero kung kalayaan niya ang kapalit ng ginawa niya nuon ay hindi n asana niya sinaway ito.
Siya lang kasi ang nag-iisang anak nito at wala ng pamamanahan ng kumpanya nito.
Iutos na nito ang lahat sa kanya, huwag lang ang magpakasal sa taong hindi niya mahal. Oo, mahal niya si Dmitry Del Favero pero hindi bilang isang kasintahan kundi bilang isang kaibigan. Kababata niya ito kaya kilala niya ito at ang ama nito at ama niya ay magkaibigan.
Gusto niyang makipagtalo sa ama pero alam niyang hindi siya mananalo dito dahil kilala niya ito. Sa tinging ibinibigay nito sa kanya ay determinado na ito.
"Dad, maraming paraan, you can train someone, you can promote someone. And dad, hindi ka pa mamamatay, malusog ka pa. Dad naman, please!"
"My decision is final. At mahirap iyang sinasabi mo, ang gusto ko ay taong makapagtitiwalaan at mahirap makahanap ng ganuon ngayon. For God's sake, you're already twenty six but you don't lay a finger on the company!"
Hindi na niya sinagot ito. Tinalukudan at lumabas. Sinalubong siya ng ina niya at awtomatikong nginitian niya, fighting the urge to cry.
"Mommy, anong ginagawa mo dito?"
Malungkot na tinignan siya nito. "Don't fake a smile, Bladestina. I know you."
Niyakap niya ang ina. Nagsalita siya ng bumitiw ito. May isang dahilan para pumayag siya. Iyun ay dahil sa ina. "Kailan mo nga uli gustong magkaruon ng apo?"
Hindi nito tinanggap ang biro niya at malungkot paring tinignan siya. "Blad..."
"Don't worry mom, I'll be okay." Iyun ang sinabi niya bago talikudan ang ina at duon dumaloy ang luha niya.
"BLAD, ARE you okay? If you don't want the marriage, ako na mismo ang mag-uurong nuon. Blad, I don't like seeing you like that," nag-aalalang ani Dmitry.
She already made up her mind. Gagawin niya ang gusto ng ama para sa ina. Kasalanan din naman niya iyun. Hindi naman siya iniwan ng ama sa maling kamay, si Dmitry yuon, ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. Hindi niya alam kung paano siya napapayag. Sa araw lang sana ng kasal niya ay hindi sana magpakita ang pesteng baller.
"I will marry you." She saw something that glistened in his eyes. "I just... I just want some space. Ikaw ang mag-ayos ng kasal, Dim. I'll be there. Give me some time."
Nang tumayo siya ay lumapit ito sa kanya at niyakap siya. Gumanti siya ng yakap dito at iniwan na niya ito sa coffee shop na iyun.
"SPACE..." tinitigan ni Blad ang apartment na walang ganuong laman. Ang sala ay may malinis lang na carpet at duon siya umuupo. Ang laman lang ng sala ay telibisiyon. She like it like that. Tumayo siya at pumasok sa kuwarto niya. Kinuha niya ang cellphone at tinawaga ang tita niya.
BINABASA MO ANG
She In Her White Wedding Dress
عاطفية"Dad, p-pakiulit?" "I want you to marry Dmitry Del Favero. You don't know a thing about our business. So, I want you to marry someone who can take my place after I die." "Dad, maraming paraan, you can train someone, you can promote someone. And dad...