Epilogue

57 3 0
                                    


Epilouge

NASA duyan sina Dashel at Blad habang nasa ilalim ng mabituing langit. Itinuro ni Dake ang limang bituin na tila ba nagfo-form ng letrang "W". It's been a week since then.

"'Yan, Cassiopeia yan 'di ba?" tanong niya, habang si Blad ay ginagawang unan ang kanyang braso.

"Ewan ko. Ayun, oh, tabo, big dipper?"

Nakuha ng atensiyon ni Dashel ang baller sa kamay nito. Bigla niyang kinuha iyun at umupo dahilan para malaglag ito.

"Dake!"

Natatawang tinulungan niya ito. Umupo ito sa tabi niya. Kinuha nito ang baller sa kanya. "Lucky charm ko na'to eh. Kasi kung hindi dahil dito, eh 'di hindi ako naging runaway at tumakbo papunta sa'yo."

Napangiti siya. Yup, thanks to that man na hinahanap nito kundi ay wala na ito at siya.

"But this really reminds me of something. You know," tumikhim siya. "First love."

Nakita niya ang pag-asim ng mukha nito. "'Di lang ikaw may first love!"

"Selos ka naman agad. Wanna hear it out?"

Labag man sa luob nito ay tumango parin ito.

"Dash! Practice, bukas na iyun!" tawag ni Spade kay Dashel.

Senior siya nuon. Bumuo silang lima ng grupo para sa pagsayaw bilang katuwaan lang. Sila ni Spade, Rhader, Clayven at dahil sina Vincent at Dmitry ay taga ibang school ay hindi nila ito nasama. Kumuha na lang sila at nakita nila si Luke na junior at member ng drama club, pumayag naman ito.

Dahil sila ang last year's winner kaya may special number silang gagawin pero dahil nga sa kulang sa time ay ang huli ay idea na lang tutal naman ay wala na silang pakielam dahil nanalo na sila last year at special number nila iyun. Maghahanap lang daw sila ng babae sa crowd para at bibigyan ng rosas.

Isa lang naman ang babaeng pumasok sa isip niya. Nalala niya ang malaanghel na mukha ng naturang babae. Hindi siya magaling magmemorya ng mukha pero naalala niya ang mukha nito. Yuon nga lang, hindi niya alam kung pupunta iyun sa performance nila.

Sa araw ng performance, gulat na gulat siya ng makita ang babae sa crowd. Ito ang kinuha niya pero takot na takot ito. Ang gagawin niya dapat pagkatapos ay hingin ang pangalan nito pero wala siyang nasabi kundi "Thanks."

Ang babaeng iyun ay kahit kailan hindi niya naikuwento sa barkada dahil masasabihan siyang torpe. Nasabihan na nga siya ng mga ito ng manhid dahil madaming may gusto sa kanyang babae pero magugulat na lang kapag naikuwento ng mga ito iyun.

Nagkagirlfriend siya pero ang babaeng iyun ay kakaiba.Tuwing nakikita niya ito ay hindi ito tumitingin sa kanya. Lagi itong may hawak na libro. Ni wala atang interes sa lalaki.

Sophomore siya ng una niyang makita ito. Freshman ito. Wala siyang lakas na tanungin ang pangalan nito. Pero dumating ang prom. Duon niya binalak magtapat pero ang buong akala niya ay hindi na niya makukuha ang pangalan nito. Pero nakita niya ito sa sulok, naka-jeans at shirt lang.

Gusto sayawin ito pero may nalalaman pa siyang maskara-maskara para cool.

He got the chance to dance with her. Pero tinawag agad siya ng kaibigan dahil, as usual, para asarin siya. Magsasayaw na pala sila nuon kaya pinaghintay niya ang naturang babae para makuha ang pangalan. Isang linggo din siyang binuno ng mga ito ng asar.

"AT THE end, hindi ko rin nakuha yung pangalan niya," tumingala si Dashel sa langit. "Kasi nuong bumalik ako, wala na siya. But I got the chance na ibigay sa kanya yung baller at ganyan exactly yung hitsura. Lucky charm ko yuon nuon dahil bigay sakin iyun ng kapatid kong si Daisuna. Pero iniyakan niya iyun sobra kasi ang mahal mahal daw nuon tapos pinamigay ko lang."

Nag-unat siya. "Siya yung sinasabi ko sa'yong sininok din."

"H-hindi mo ba siya hinanap?"

Tumingin si Dashel kay Blad, umiiyak ito. Dinaluhan niya ito. "Hey, past na iyun, I love you, you're my present and my future."

"Answer me!"

Nagulat siya sa pagtataas nito ng boses. "Okay, chill, Blad. I tried to search for her but I don't know how to start. Wala, eh, gr-um-aduate na kami eh. Sinubukan kong pumunta sa school ng madaming beses pero hindi ko na siya nakita. I also tried to check on their year book. But I'm really not good at faces dahil medyo matagal ng hindi ko siya makita. I know that girl can be somewhere pero sumuko ako nuong nakilala na kita."

"Hindi ka talaga magaling mag-memorize ng mukha ano?"

"Yeah. Blad, are you okay?" pinunasan niya ang luha nito tsaka niyakap. "Now, tell me, what's with the tears? Don't cry. I love more than anyone, so please."

Naramdaman niya ang pag-alog ng balikat nito. Mas lalo pa ata itong umiyak.

"Sorry Dake kung wala na ako duon nung bumalik ka. Umuwi na kasi ako sa ayaw at sa gusto ko," mas lalong humagulgol ito."

"What are you—"

Natigilan siya. "It was you!"

"Yes! It was me all along! Dake! Your lucky charm did well!"

He quickly kissed her on the lips. Het let silence eat them. Wala siyang masabi. Really, love never fail to find its way.

"I want to go back to that place Dake. Gusto kong pasalamatan yung mga tao duon at lalo na yung nanghula sa akin. Their Bathala, God, really mae my wish come true. This is it, my very own perfect love story. Kahit na may flaws, para sa'kin perfect parin. Dake... I love you. I just proved to you na I love you kasi ito ka ngayon, hindi sa ikaw ang nagmamay-ari ng baller."

Bathala heard his prayers too. He prayed for Blad's happiness that time. Hindi siya naawa dito pero it was all he can do para magin masay at matulongan ito. Now, her happiness was also his happiness. Hindi lang tinupad ni Bathala ang hiling niya, may bonus pa.

Hinalikan niya ito sa buhok nito. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. "I was really planning to. Pero next time magcha-chopper tayo, can you do it?"

"Yes..."

"So, halika na? Punta tayo sa pinsan mo? Vincent is planning on proposing."

Tinalon siya nito ng halik. "And the magazine?"

"Pakita muna na'tin sa kanila iyun. Hindi pa kasi iyun tapos at saka natin ipa-publish. And tayo? I don't mind mimicking the things we did para sa magazine."

"I don't mind either. Do you mind being my subject? Naalala mo yung nakita mo sa apartment na pictures? I really want you to be my subject... specially, of my life."

"Sure, I don't mind."

They sealed their love by a sweet, sweet kiss.

Siya na ata ang pinakamasuwerteng lalaki sa balat ng planeta.

-----------------------------------

A/N: 

Vote. Comment. Share.


Thank you for reading this. Hope you enjoyed it. :)

She In Her White Wedding DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon