Chapter 3
"ANONG trip mo, dude?"
Napatingin si Dashel sa mga kaibigan na, as usual nagkukumpulan. Pinansin nito ang suot niyang formal na damit which is t-shirt na may hood at zipper na pinatungan na lang niya ng coat na hindi na talaga matatawag na formal.
"Eto kaya uso," biro niya. Kanina kasi ay akala niya'y late na siya at ang damit na suot niya ay unang nahugot niya sa cabinet at pinatungan na lang ng royal blue na coat na dapat ay coat and tie dapat. Malaman laman lang niya na nauna pa siya sa groom dahil sira pala ang orasan niya sa bahay.
Nagsimulan nanamang magkantiyawan ang mga ito at himala sa himala, pati si Vincent ay sumasakay narin sa jokes pero wala itong ekspresiyon sa mukha, mas lalo lang tuloy nakakatawa. Naalala niyang may t-shirt siyang naiwan sa kotse niya kaya magpapalit muna siya habang wala pa ang bride na pinakahihintay nilang magkakaibigan na kahit kailan ay hindi nila nabalitaang naging nobya nito. Pati nga ang pangalan ay ipinagdadamot ni Dmitry. Pero alam naman nilang napilitan lang din si Dmitry na magpakasal duon dahil arranged lang ang mga iyun.
Ngayon lang din niyang naisipan ang magpalit dahil wala namang pumapansin sa kanya kanina kaya nuon niya lang naramdaman mukha siyang tanga.
Pumunta siya sa kotse niya na napakagulo ng luob. "Sa'n ko ba nilagay iyun?" kakamot kamot ng ulong aniya. Hawakhawak ang pinto ng kotse ay nakita niyang dumating ang vintage car na sasakyan ng bride. Isinara na lang niya ang pinto. Hinintay niya munang makapasok ang bride bago siya lumapit sa pinto para pumasok duon. Bigla niyang naalala kung nasaan ang t-shirt. Bumalik siya sa kotse para maghalungkat.
SA PAGDILAT ni Blad ay malapit na siya sa altar. Tumingala siya.
Para siyang bumalik sa dati sa isang iglap at muling bumalik sa kasalukuyan. Iyun na nga ba ang sinasabi niya, ang baller ay dapat hindi nagpakita sa kanya sa araw ng kasal niya.
Ibinibinagay na siya ng tatay niya kay Dmitry pero marahang umiling siya. Napakunot nuo ang mga ito.
Iiling-iling na tinanggal niya ang belo at hinawakan ang laylayang ng gown niya gaano man kabigat iyun at tumakbo siya papalabas. Hindi siya umiyak. Narinig niya ang pagtawag sa kanya ng kanyang ina, ama at ni Krizel at kung sino-sino pa. Lahat ay nagulantang sa ginawa niya.
Minsan ng nawala sa kanya ang kalayaan niya at ayaw na niyang maulit iyun. Pagkalabas ay hinubad niya ang sandalyas at patakbong pumunta sa unang kotseng nakita niya. May tao duon kaya sigurado siyang bukas iyun. Hindi naman siya nagkamali dahil bukas nga iyun at nakita niyang sobrang gulo iyun dahil nagkalat ang sandamakmak na libro. Hindi niya pinansin iyun. Agad niyang binuksan ang makina at pinaandar ang kotse. Hindi siya naging maingat sa pagmamaneho. Duon nagsimulang dumaloy ang luha niya.
"What the- What the hell are you doing?!"
Medyo nagulat lang siya ng marinig ang boses. Ang akala niya ay maiiwan ito pero nakapasok pala ito sa kotse.
"I want to die! All my life sinusunod ko ang daddy ko!" biglang lumbas sa bibig niya, parang naglalabas ng sama ng luob. "And I don't want my life anymore. Hindi ko na kaya ito. Wala na akong kalayaan! I'd rather die!"
"Teka, pag-usapan natin ito..."
"Anong pag-usapan!" nanlalabo ang mata niya habang nakatingin sa kalsada. "Ang akala ng tao ang lahat ay nadadaan sa usapan! To hell with it! Ayoko na." Mas pinabilisan niya ang pagtakbo.
"Kung ano man! Teka!" napasigaw ito.
Agad na kinambiyo niya sa kaliwa ang kotse ng may humarang na jeep. What the?! He's a dude but he's screaming like his not. Ano bang iniisip niya? Eto siya't nagmumukmok, ending her life pero ang pagsigaw nito ang pinapansin niya. Nang nasa highway na ay mas tinapakan pa niya ang accelerator.
BINABASA MO ANG
She In Her White Wedding Dress
Romansa"Dad, p-pakiulit?" "I want you to marry Dmitry Del Favero. You don't know a thing about our business. So, I want you to marry someone who can take my place after I die." "Dad, maraming paraan, you can train someone, you can promote someone. And dad...