Chapter 6
"ATTENTION!"
Sininok si Blad ng may sumundot sa tagiliran niya. Hawak hawak parin niya ang camera na kinuhanan ang mga taong nakilala niya na para sa kanya'y masuwerte dahil naging simple ang mga buhay at hindi kasing kumplikado ng kanya. Yuon nga lang, masyadong hindi na inabot ang mga ito ng kamalayan na kahit sa simpleng ilaw mula sa cellphone ay natutuwa ang mga ito. Kanina nga'y naluluha siya pero pinigilan niya ang mga iyun.
Tinignan niya ang nasa likod habang pabirong nanlilisik ang mata niya.
"Ooh, I'm scared," pabirong ani Dake tsaka tinabihan siya. Binigyan siya nito ng baso ng tubig dahilan para siya naman ang mawirduhan. Alam na pala nitong sinisinok siya kapag nagugulat.
Kumuha muli siya ng litrato habang patuloy parin ang pagpapasaya ni Madeline sa mga bata at isa pang emcee na si Ashi na dumating lang din kanina. "Nakakatuwa sila 'noh?" aniya. Naramdaman nanaman niya ang pag-init ng mata ng may lumapit sa kanyang bata tsaka sinabitan siya ng kuwintas na bulaklak. Hindi niya iyun ipinahalata kay Dake at kinuhanan ito ng larawan para maitago ang mata dito. Ang iba ring staff ay sinabitan nuon.
"Oo nga eh," anito tsaka tinignan ang kalangitan.
Ginaya niya ang ginawa nito.
Iniwan niya muna ito ng makitang mag-sign ang dalawang break muna. Siya naman ay kumuha ng pambatang libro para basahan ang mga ito pero naalala niyang hindi nga pala nakakaintindi ng tagalog ang mga bata duon.
Naikuwento ni Tata Dashio na marunong daw ito ng tagalog bago ito mapadpad ruon, gayun din ang ilang mga matatanda. Napagdesisyunan nitong ituro ang tagalog sa kabataan gamit ang mga pambatang libro. Mukhang hindi na naman kailangan ng mga kabataan ang tulong niya dahil may lumapit na matanda sa mga ito para turuan ang mga batang magsulat. Pati ang huli ay sabik din gamitin ang black board.
May lumapit na matanda sa kanya. "Ineng, ano nga ang iyong pangalan?"
"Blad ho," nakangiting aniya.
"Gusto mo bang hulahan kita? Nakita ko kasi sa inyong lahat ng dalo ay ikaw ang pinakanamomoblema. Iyun ay kung puwede sa'yo"
"Po? Sige po."
Hinawakan nito ang kamay niya habang matamang nakatingin sa kanya. Nakita niya nung una ay hindi maganda ang hilatsa ng mukha nito pero agad ding ngumiti. "Kalimutan na natin ang nakaraan, sa ganitong paraan ay makikita mo kung ano ang tama at ang mas magandang hatid ng tadhana at ni Bathala para sa iyong kinabukasan. Ang gamit na iyong pinakakatago ay iyo nang ibaon sa limot kasama ang masasalimuot na pangyayari sapagkat iyun ang magiging susi."
Sinuri niya ang kamay pagkatapos nitong bitiwan iyun. "Gamit na pinakatatago... Yung baller... Kalimutan ang nakaraan... Yung baller... Ibig po ba nuong sabihin nuon-"
Natigilan si Blad ng hindi na makita ang matanda sa tabi niya. Hinanap niya ito sa paligid pero hindi na niya iyun muli pang nakita. Gusto niyang lumayo pa para maghanap ngunit hindi niya alam ang naturang lugar na iyun.
Ibaon sa limot? No! A very very big no-no!
Tss. Pasaway. Sundin mo na kasi, andiyan lang si Dake oh, anang kabilang panig ng isip niya.
Hinawakan niya ang ulo. Che! Bakit ba kita kinakausap?! Eh... ba't ko ba kinakausap at inaaway ang sarili ko?!
Tumingala siya para kalimutan ang nasa isip. Nakikita na niya ang buwan at onting oras na lang ay muling maghahari ang bituin at sa gilid ng mata niya at tumabi sa kanya si Dake. Nagsimula sila ng alas tres ng hapon at nakaramdam siya ng pagod.
BINABASA MO ANG
She In Her White Wedding Dress
Romance"Dad, p-pakiulit?" "I want you to marry Dmitry Del Favero. You don't know a thing about our business. So, I want you to marry someone who can take my place after I die." "Dad, maraming paraan, you can train someone, you can promote someone. And dad...