Chapter 7
"SORRY about kanina."
Mula sa pagkakatitig ni Blad sa dagat na isinasabog ang ilaw na hatid ng full moon ay naramdaman niya ang mainit na dampi ng itim na jacket sa kanya. Kilala niya ang boses na iyun. At hindi siya nagkamali ng tabihan siya ni Dake.
Nginitian niya ito. "Sorry about what?"
"For holding your hands?"
Umiling lang siya tsaka muling ibinalik ang tingin sa dagat. Dinama din niya ang buhangin sa kamay na hindi ganuon kaputi pero pinong pino naman. Nalanghap na din niya ang barbeque na hapunan nila at pagkatapos nuon ay babalik na sila. "You don't need to be sorry. I know your intentions."
"You know what, your pretty. And I have to admit it, sexy too. 'Wag mo nang itanong sa'kin kung bakit bigla ko na lang nasabi dahil hindi ko alam ang isasagot."
Napangiti siya. Alam niyang nambobola lang ito, oras naman para gumanti siya. "Well, you don't look like all Japanese to me. Pero gwapo ka."
"Really? Wait.. hey, totoo yuon, hindi kita binobola!" natatawang anito. Nang lingunin niya ito ay inilagay nito ang dalawa kamay sa likod ng ulo tsaka humiga sa buhangin.
"Yeah? Ako din naman eh, ang cute mo kaya nuong una kitang makita. Wearing coat partnered with hoods? Seriously? Pero parang model ka. Gusto ka kitang gawing subject ng-" natutop niya ang bibig. Ang balak niya ay bolahin lang din ito pero pawing katotohanan ang lumalabas sa labi niya.
Amazed na nakatingin ito sa kanya. "Hey, keep it going."
Nag-iwas siya ng tingin dito lalo na ng makita itong namumula kahit sa kadiliman pero hindi na niya pinansin iyun. Baka kasi nagha-hallucinate lang siya. "W-wala akong sinabi, kalimutan mo na lang. Alam mo naman, joker ako."
"Hey, you're not a joker, I never heared any of your jokes. Now, sample."
Umiling siya. "Yeah, I'm not a joker. Photographer ako at writer! Ewan ko sa'yo. Change topic nga. How's the company? May bago ka bang ideas?" nagmamadali niyang pang-iiba ng usapan. Hindi din naman niya alam kung bakit nasabi niyang joker siya.
"No, I wanna hear some joke!"
"Answer me or I'll never! Ever! Chat with you again," nakangiti parin siya habang sinasabi iyun at nakatingin dito.
"Wow, now threat while smiling. Puwede kitang idemanda ng uhmm... threat without proper facial expression."
Natawa siya, though she find it corny. "Ewan!"
Sumeryoso ito. "Well, the company's doing good. Puwede ko siyang dalhin sa ibang bansa, iko-close ko na lang yung deal. Ang problema lang ay kahit number one ay medyo bumaba ng konting-konti lang naman yung sales ng weekly magazines kaya nag-iisip ako pasabog."
"So, ito yung naisipan mo? Sa lugar na'to?"
"Nope, that's not my intention. Ginawa ko lang 'to kasi para naman mabigyan ng pansin ng gobyerno natin hindi puro na lang sa walang katuturan igasta. Katulad na lang ng gumasta ng pera para sa pagpapaayos ng kalsada pero edukasiyon hindi nila maayos-"
"Hoy, mamaya makatanggap ka talaga niyan ng threat!"
"Nah. 'Wag ka na lang maingay. And I'm just saying the truth. Sana lang makuha natin yung mata ng gobyerno para sa special edition. Anyway, may suggestion ka ba kung anong magandang pasabog?"
Saglit na napaisip siya tsaka napangiti. "Puwede naman basta makukuha yung panlasa ng masa 'di ba?"
Marahang pumikit ito at tumango. "Uh-huh."
BINABASA MO ANG
She In Her White Wedding Dress
Storie d'amore"Dad, p-pakiulit?" "I want you to marry Dmitry Del Favero. You don't know a thing about our business. So, I want you to marry someone who can take my place after I die." "Dad, maraming paraan, you can train someone, you can promote someone. And dad...