Chapter 9

32 3 0
                                    


Chapter 9

HUMINGA ng malalim si Blad. Kasalukuyan siyang nasa Benguet at hindi siya nanduon para magbakasiyon. Dalawang linggo na rin ang nakakalipas at duon sa Baguio niya nahanap ang naturang nagmamay-ari ng baller.

Nag-pose siya sa blog niya ng picture ng baller at tinanong niya kung may kilala ba ang mga itong bumili ng ganuong baller. Andaming nag-comment duon, ang iba ay walang katuturan lang, ang iba ay babae ang nagmamay-ari pero nawala na daw, ang iba ay nagsasabi na magkahawig lang daw.

Wala namang ganuong lalaki sa blog niya dahil ang halos lahat ng reader niya ay babae kaya nawalan na talga siya ng tiyansa.

Nanlulumo na siya at gusto ng sumuko at maghanap na lang ng ibang paraan pero may isang batang babae na nag-comment nuon. Nakita daw ng tito nito na ang naturang baller at sinabing may ganuon daw ito iyun dati. Nalaman niya pang special edition daw na baller iyun dahil tunay daw iyun at mahal sa panahong iyun.

Totoo ang sinasabi nito dahil kahit na ganuon na katagal iyun ay ang asul na baller ay hindi parin nagbabago ang kulay, shiny, at hindi nagkukupas ang nakasulat duon, "Life". Kahit nababasa din ay hindi nagbabago.

Mas lumakas pa ang paniniwala niya ng sabihin ng naturang batang babae na binili daw nito iyun ng tito pero binigay din daw nito. Binigay sa taong nakuha niya ang baller.

Nakita niya ang lalaki sa Benguet kung saan sinabi ng batang babae ang lugar. Nakita niya ang lalaki pero may dalawa na itong anak. Guwapo, oo. Nagsasayaw daw nuong highschool at ngayon ay nagma-may-ari ng taniman. Hindi din tumibok ang puso niya katuladng pagtibok nuon kapag nakikita niya ang baller na mayroon atang sariling buhay.

Masaya na ito, si Echo Alvarez. Hindi na niya tinanong dito kung naalala pa siya nito nuong highschool pero hindi na niya ito inabala pa dahil wala na rin namang mangyayari.

Lagi naman siyang tumatakbo pero ngayon ay wala nang dahlia para tumakbo pang muli.

Hinawakan niya ang braso niya at pumikit. Dinaman niya ang hangin, ang init na dala ng bench at ang preskong dala ng puno sa taas niya.

Muli ay dumilat siya at ipinagkuskos ang kamay. Saglit na pinagmasdan niya iyun pagkatapos.

"Kalimutan na natin ang nakaraan, sa ganitong paraan ay makikita mo kung ano ang tama at ang mas magandang hatid ng tadhana at ni Bathala para sa iyong kinabukasan. Ang gamit na iyong pinakakatago ay iyo nang ibaon sa limot kasama ang masasalimuot na pangyayari sapagkat iyun ang magiging susi," naalala niyang hula ng matanda.

Ang baller ay dapat na nga niyang kalimutan dahil wala naman pala talaga iyung ginawa sa buhay para bigayan lang siya ng dahilan para tumakas mula sa realidad ng buhay niya. Kung wala siguro iyun ay nasa poder na siya ni Dmitry at wala na ang tampo niya sa ama. Kung wala ang baller na iyun ay malamang sa malamang ay hindi niya nakilala si Dake na nagpapa— tama!

Dahil sa baller na iyun ay naging run away siya! Dahil sa baller na iyun ay ang kotse ni Dake ang natakbuhan niya. Kundi dahil duon ay hindi niya makikilala si Dake.

Iyun naman pala talaga ang purpose ng baller para sa kanya. Ang mag-serve na connecting point para sa kanilang dalawa ni Dake. Tama ang matanda, ang baller ang naging susi habang kinakalumutana ng nakaraang hatid nito.

Napangiti siya pero agad na nanlumo siya. Nasaktan niya si Dake, binalewala niya ito kahit na totoo naman ang sinabi nitong tinatago niya ito sa puso niya. Hindi niya alam kung tatanggapin siya nitong muli dahil sa ginawa niya dito. She caused him too much trouble.

Ito ang nagpakalimot sa kanya ng realidad ng buhay niya at kahit papaano kahit sa saglit na pahahon ay pinasaya siya nito na hindi niya nakita simula pa lang.

She In Her White Wedding DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon