Chapter 2

57 4 0
                                    



Chapter 2

TINITIGNAN ni Blad ang mga larawang nakuha niya kay Krizel sa dalampasigan. Naalala niyang may nakalimutan siyang bag sa sala kaya nagdesisyon siyang bumaba pero agad siyang napabalik sa kuwarto na tila ba walang nakalimutan. Nanduon kasi ang sinukahan niya. Sakto ay dumaan ang kaibigan niya sa kuwartong tinutuluyan, dito na lang niya ipinakuha pero mamaya pa daw nito kukunin. Kaya nag-usap muna sila.

Napangiti siya ng biglang pumasok ang tita Constancia ng mabanggit ni Krizel ang "Vincent, my labidabs," natawa lang siya at nagtulogtulogan. Alam niyang may binabalak ginang kaya hahayaan niya ito.

Siya na lang siguro ang kukuha ng bag niya. Dumaan siya sa kabilang direksiyon na tinahak nila Krizel. Tinignan niya muna ang mga ito kung nanduon ang naturang lalaki pero nakita niyang tila parang paalis na ang mga ito.

Ewan niya kung bakit nakaramdam siya ng panghihinayang. Sinulyapan muli niya ang lalaki, nakita niya ang hulma ng ilong at bibig nito.

Dammit, he looks so damn familiar! she said in her mind while her heart in also familiar beat.

Hindi na niya pinansin ang isip at kinuha ang bag.

SA MGA sumunod na araw ay na-obsess si Blad na kuhanan ng picture ang pinsan at kaibigan. Magalit na ang dalawa sa kanya pero natuwa talaga siya, kung saka-sakali ay saksi siya sa love story ng mga ito. Kinasabwat pa siya ng tita niya at trabaho niyang magpanggap na hindi alam ang nangyayari, but still playing the part of being Krizel's bestfriend.

Naruon ang nagkunwari silang mamimili sa bayan at kung ano-ano pa. Gumising din siyang maaga ng magtanim ang mga ito sa bukid para kuhanan ang mga ito ng litrato.

Hindi niya ine-expect na ganuon ang iaakto ng pinsan, parang nagbago ito. Naruon at inihatid pa sila nito sa dating "The Sweet" na ngayon ay "ILS Paraiso" na.

Nagtaka siya kaya agad niyang tinanong at nalaman niya sa matandang caretaker na naging parang lola niya na rin na "I Love Shojean." Agad na inilayo niya kay Krizel ang impormasiyong iyun.

Pagdaka'y nakita niya muli ang mga itong nagba-basketball. Nakita niya ang ngiti ng pinsan. Ang akala niya ay tuloy-tuloy iyun pero nagtaka siya ng hindi nag-progress iyun sa sumunod na linggo.

Nawalan tuloy siya ng pagkakaabalahan. Ang akala niya ay nakatakas na siya sa realidad ng buhay niya pero pansamantala lang pala iyun.

Kailangan niyang mag-isip at sa luob ng mansiyon ay dinala siya ng paa niya sa music room.

Naupo agad siya sa tapat ng piano. Marunong siya nuon at ginusto iyun ng daddy niya. Mas lalo lang talaga tuloy nanlumo ang buong sistema niya.

Itinaas niya ang takip nuon at hinipan iyun. Nung una'y tumitipa lang siya pero sa sandaling iyun ay nakagawa siya ng musika. Ang musika na nagpaparinig ng damdamin niya. Habang itinutuloy iyun ay may luhang naglandas sa kanyang pisngi.

Bukas na ang party ng tita. Pagkatpos nuon ay lilipad na siya pabalik ng maynila, para harapin ang tadhana niya.

"HALIKA na tayo, nagsimula na siguro yung party." Nagpatiuna na si Blad sa paglabas ng kuwarto ni Krizel. Kaarawan na ng tita niya. Hindi siya ganuon nag-ayos. Siya ang nag-ayos kay Krizel, simple lang ang ginawa niya dito pero sinugurado niyang kabog ang ganda nito. Sana mag-progress na kayo ni Vincent. Ipinasuot niya din dito ang moon pendant. Nakakaakit kasi iyun at alam din niya ang plano nitong gawin. Naka-ready na sa kuwarto niya ang camera. Nag-hire ang tita niya ng cameramen at magpapanggap na lang din siyang isa sa kanila mamaya.

Habang pababa siya ng grand staircase ay agad na nasagip ng mata niya si Dmitry!

Agad na pumunta siya sa study room kung saan alam niyang walang tao. Nagtago siya duon. Ito nga ang tinutukoy ng barkada ni Vincent na si Dmitry.

She In Her White Wedding DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon