Chapter 4
PIPIKIT-PIKIT pa si Blad habang sumakay ng elevator. Medyo mamasamasa pa siya dahil malakas ang ulan sa labas. Tatlong linggo na din ang nakakalipas at iyun ang ikatlong araw niya sa trabaho bilang photographer ng isang weekly magazine. Hindi siya sanay ng ganuong oras pumasok sa opisina dahil una sa lahat ay hindi naman siya nag-oopisina at pangalawa, isa siyang nocturnal specie.
Masaya siya sa kasalukuyan dahil wala namang nakakamukha sa kanya. Ang kaibigang si Krizel ay huling pagkikita nila nuon sa coffee shop at kahit ito ay hindi alam kung nasaan siya. Pinutol na din niya ang komunikasiyon dahil nagbago siya ng number.
Wala ding nakakakilala sa kanya dahil matunog man sa industriya ang pangalan ng ama ay hindi naman iyun subject ng weekly magazine.
Halos dalawang linggo din siyang nagkulong sa bagong apartment na hinayaan niyang lamunin ng kawirduhan niya dahil bukod sa laptop, cabinet, simpleng TV, DVD at sofa bed ay siya lang ang laman. Nagdesisyon siyang lumabas na duon dahil nauubusan na siya ng supply ng pagkain, kung pagkain ngang tatawagin at nagdesisyon siyang huminto muna sa pagsusulat pansamantala dahil sa wala naman siyang maisip na maisulat kundi napakadilim na pag-ibig.
"GRABE iyak ko ng mabasa ko po yung latest story niyo, although sila parin yung nagkatuluyan. Pero ang saklap talaga eh," naalala niyang komento ng isang reader sa blog niya.
Nagdesisyon na din siyang hanapin ang lalaking naging dahilan ng pagiging run away niya at nagmamay-ari ng baller, hindi niya lang alam kung paano.
Tuluyan na niyang naipikit ang mata habang hinihintay na umakyat ang elevator.
"Bakit ka natutulog habang office hours?"
Napadilat siya ng mata ng marinig ang pamilyar na baritonong boses at nawala ang lahat ng antok sa buong katawa niya. Kasabay nuon ay ang pagsinok niya dahilan para kumunot ang nuo ng taong dahilan nuon. "Dake? What are you doing here?" Napansin niyang matangkad pala talaga ito.
"Uhmm. I think I'm your boss," itinuro nito ang ID niya.
Nanlaki ang mata niya. "Boss kita?"
"Nagtatrabaho ka dito pero hindi moa lam employer mo? Ganyan ba dapat ituring ang boss mo?"
"S-sorry, boss," suminok siya muli dahilan para muling kumunot ang nuo nito
"Nah, just joking. Call me whatever you want. Nandito lang naman ako kasi kukuha ako ng photographer para sa Puerto Palawan para i-mention sa magazine next month." Hinimas nito ang baba. "Ayos ah, employee ko si Miss Run Away."
Napikit siya. "Please."
"Ooops, sorry," bumukas na ang pinto ng elevator. "See yah."
Lumabas na din siya. Agad naman siyang sinalubong ng head nila. "B-bakit po sir?" Nagpatuloy lang ang sinok niya.
"Hindi ka kukuha ng larawan para sa magazine na pang ang lungkot puntahan ng lugar na iyun!" ibinalandra nito sa kanya ang picture sa isang park na pambata malapit duon. Kinuhanan niya iyun kahapon bilang isang sample picture.
Tama ito, ng muling tignan niya iyun ay ang playground ay tila ba naging isang lonely place. Dumagdag pa ang malamlam at pulang kalangitan.
"Okay sana kung ang theme niyan eh 'Missing our Childhood Days' pero hindi. Iba ata 'tong napag-apply-an mo Miss Andrada eh."
May biglang kumuha sa kanya ng larawan tsaka binigyan siya ng baso ng tubig. Ininom niya muna iyun bago tinignan ang huli, which is si Dake pala.
"You know what, I think I'll bring Miss Andrada here. I like this picture, may idea na pumapasok sa isip ko."
BINABASA MO ANG
She In Her White Wedding Dress
Romance"Dad, p-pakiulit?" "I want you to marry Dmitry Del Favero. You don't know a thing about our business. So, I want you to marry someone who can take my place after I die." "Dad, maraming paraan, you can train someone, you can promote someone. And dad...