Prologue

184 6 2
                                    


Prologue

NAPABUNTONG hininga si Blad. Hindi niya alam kung bakit nanduon sila ni Krizel sa harap malapit sa stage. May program kasi dahil foundation day. Nababagot siyang panuorin ang mga iyun. Kung siya ang tatanungin ay mas gusto niyang mag-rides sa labas.

"Ang tagal naman mag-perform nung mga kaklase natin."

Pinanlakihan niya ng mata ito. "Sumali ba sila?"

Nakatikim siya ng isang batok mula dito. "Ang sama mo! Support, support naman oh!" natatawang anito.

"Sorry naman."

"Bago tayo magpatuloy. Andito ngayon ang last year's winner! Para pakitaan kayo ng isa nanamang nakakakabog na performance," anang student emcee.

May limang lalaki na ang nanduon. Pawang nakamaskara ang mga ito. May ibinulong ang nasa gitna, pagdaka'y bumaba ang mga ito sa stage. Pinaurong sila ng mga ilang teachers at parang duon ang mga ito sasayaw. Nasa linya siya sa may malapit.

The crowds have gone wild. Napuno din ng flash ang auditorium.

Nauyam siya sa isipan niya. Por que ba may maskara, pagtitilian na? As if they know yung hitsura nila sa ilalim ng maskara, aniya sa isip. But she should say, pawang magaling ang mga ito ng magsimula ang mga ito. Lalo na nung dumating sa puntong nagta-tumbling-an at nagsasayaw ang mga ito sa ere.

Pagkatapos ng dalawang minuto ay biglang nagbago ang saliw ng musika. Ang lima ay pumunta sa crowd at parang may hinanap. Nakita niya ang mga kababaihang iniaabot ang kamay.

Nagulat siya ng pagharap niya ay may isa sa mga lalaki ang kinuha ang kamay niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Basta ang alam niya lang ay nangangatog ang tuhod niya dahil nasa gitna na siya. Kumakabog ang dibdib niya ng sobrang lakas at yuon ang naririnig niya sa oras na iyun. Ibinigay nito ang kagat-kagat na rose na parang kanina ay wala naman.

Nagtitilian ang mga babae. Hindi niya alam ang gagawin. Naninigas na siya. Hindi niya namalayang natapos ang musika at lumapit sa kanya ang huli. Itinaas nito ng kaunti ang maskara, leaving his eyes unseen. Hindi pamilyar sa kanya ang mukha nito.

"Thanks," he said at umalis na.

Nagsibalikan na sa puwesto ang tao, hindi siya makagalaw.

"Blad?" si Krizel iyun, parang natauhan siya sa paghawak nito sa kanya sa braso.

Sumiksik siya sa crowd at tumakbo papalayo. Sinundan siya ni Krizel. "Hey, hindi naman big deal iyun. You're lucky. Halika na, yung mga classmates na natin yung next na magpe-perform.

Tumigil lang siya ng makalabas na ng auditorium, hinihingal. Hinagod ni Krizel ang likod niya. "I guess hindi natin sila mapapanuod,. Sino kaya yuon, 'noh? Tsaka bakit ikaw? Puwede namang ako."

Tinignan niya ang rosas na hawak. Hindi niya din alam ang sagot sa katanungan ng kaibigan. Hindi niya din alam kung bakit ganuon ang reaksiyon niya. Sa takot lang siguro, aniya sa isip. "Mag-rides na nga lang tayo."

She In Her White Wedding DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon