(Text messages. Helga to Jenessy.)
______________
11:18 pm
Helga :
Di ako nakakinig kanina. Kainis!
Pinapasok ako ni Mommy sa kwarto.
Wag daw ako run sa nag-iinuman.Helga :
Si Ashton kasi e. Lumapit. :(
Wala pa ngang dalawang sentence
nasabi sa kin, napulis na agad ni
Mommy. T_THelga :
Oy! Tulog ka na?Helga :
Hala! Ang daya! -____-Helga :
Gising!!! Jenessy!!!Helga :
Tulugin! Ang aga pa e! :<Helga :
Pagkatapos kong paghirapan ang
pakikinig sa usapan nila kahit
pagalitan ako ni Mommy?
Pagkatapos kong magpuyat para sa
pag-ibig mo, tutulugan mo ko?
Bat ganun?Helga :
Ay, seryoso? Tulog ka na talaga? :<Jenessy :
Sorry naman. Nakatulog ako.
Sakit na kasi ng mata ko e.
Nag-review ako sa Chem.
(╥╯θ╰╥)Helga :
Hala! Nirerebyu mo pa yun,
e magaling ka na run.Jenessy :
Siyempre! :)
Sila Marcus?Helga :
Dito sila natulog. :D
Lasing e.Jenessy :
Sa kuwarto ni Kuya Harry?
Apat sila run? May kumot ba siya?Helga :
Hahaha. Grabe. Nakakutson po.
Binigyan ni Mudra, siyempre.
Si Ashton, pinauwi ni Kuya kontrabida. -___-Jenessy :
Hahaha. Baka raw kasi gapangin mo!Helga :
Hahahaha. -___-
(╯°□°)╯︵ ┻━┻Helga :
Oo nga! Hahahaha. :DJenessy :
Ano nalaman mo? ⊙﹏⊙Helga :
Nag-away sila ni Dad niya dahil sa kotse.
Itinakas niya ata. Nagasgasan. Ayun.Jenessy :
Hala! Nabangga siya?!!!Helga :
Di naman daw nabangga talaga.
Sumagi lang sa traffic cones.
Relax. :3Jenessy :
A... buti naman. Hay.
Baka mamaya na-whiplash siya!Helga :
Parang okay naman leeg niya e.Jenessy :
Napag-usapan ba ko? I mean, si En?Helga :
E... Hindi. Inaabangan ko nga kung
mababanggit ka e.Helga :
Yaan mo na.
Di naman kasi palakwento
ng mga ganun si Marcus, di ba?Jenessy :
Oo. :)Helga :
Aysus! Malungkot agad!Jenessy :
Haha. Hindi no. :)Jenessy :
Tulog na tayo, uy!
Daldalera ka pa dyan.
Bawal ma-late bukas.
May long test kay Sir Kulot.Helga :
Haha. Maya pa ko matutulog.
Ka-text ko pa kasi si Ashton.
♥‿♥Jenessy :
Hala!Jenessy :
Totoo?Jenessy :
O imagination mo lang?
(∩_∩)Helga :
Hahahaha. (><)
Ang sakit a!!! -___-Helga :
Pangarap lang! :'(
Sige, durugin mo ang puso ko!!!Jenessy :
Hindi na. Sorry na. Hihihi. :DHelga :
Gudnyt na nga!
Baka makalimutan kong bestfriend
kita. Hmp.Jenessy :
Haha! Wag mong kalimutan!
Good night! Agahan mo bukas! :)
BINABASA MO ANG
Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)
Teen Fiction(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance